Sandy's POV
One week has been passed since acquaintance party. One week na ang nakalipas nang umamin ako kay Dennis. At, one week na rin akong tengga rito sa bahay! One week na akong hindi pumapasok dahil sa kahihiyan. Yeah. Aminado akong medyo may saltik minsan ang utak ko, pero duh! May kahihiyan pa naman ako 'no! Tss. At saka isa pa, paano ako papasok kung lahat ng mga mata ng estudyante, sa akin nakatingin?! Kaya ayaw kong ipasabi na isa akong Castañeda e! Atensyon much ang makukuha ko. Haaays. At hindi lang 'yun, ayokong pumasok dahil hindi ko kayang harapin sina Hazel at Pea. Galit sila sa akin. Galit na galit. Pinaglihiman ko raw kasi sila. Tapos, napatungan pa ang galit ni Pea sa akin nang malaman niyang, inlove si Maki sa akin. Yeah. Si Maki. Siya pala 'yung sinasabi ni Vincent na inlove sa akin. Astig 'no?! Inlove sa akin ang taong hindi ko gusto. At inlove ako sa taong hindi ako gusto. Kairita! Dapat nagpalit kami ni Pea ng kinalalagyan! Dapat sa akin nalang inlove si Dennis, at sa kanya inlove si Maki! Da ba?! Para everybody happy!
"Hindi ka na naman papasok?" Tanong sa akin ni Kuya nang madaan nya ako rito sa salas. Nanunuod ako ng Spongebob. Hays. Buti pa si Spongebob, patawa-tawa lang. Tss.
"Nah. Magda-drop na ako." Bored kong sagot habang nakatitig sa tv. Bakit ba kasi ang aga kong nagising e?! Naabutan ko pa tuloy sila na gumagayak.
"Aray naman!" Sigaw ko sabay hawak sa ulo. Kotongan daw ba ako!? Peste. Ang aga-aga, nananakit! Torture talaga sya! Paano kaya sya natatagalan ng girlfriend niya?! Tss. Girlfriend! Argh! Ewan! Maghihiwalay din sila!
"Umayos ka nga! Ano ba kasing problema mo at ayaw mong pumasok? Kinaladkad na kita't lahat, ayaw mo pa rin!" Aniya. Hindi ako umimik. Di pa rin ako moved on sa ginawa niyang pagkaladkad sa akin nung Wednesday 'no! Aba! Dinala ba naman ako sa school kahit nakapantulog pa ako! Ni hindi ako nakaligo, dinala niya ako roon! Worse. Hindi man lang ako nakapaghilamos at toothbrush!
"Wala! Ayoko na sa Elite! Gusto ko ng lumipat ng school."
"Naman. Ngayon mo pa talaga naisipan 'yan kung kelan graduating na tayo." Singit ni Aira na kabababa lang. Di ko sya pinansin. Letse. Sana talaga hindi muna ako bumaba! Nag stay na lang sana ako sa kwarto ko hanggang makapasok sila.
"Ate Dara, hindi ka ulit papashok?" Tanong nang bagong lapit na si Alexa. Nginitian ko sya at saka umiling. Tss. Ilang tao pa ba sa bahay na 'to ang magtatanong sa akin niyan?
"Bakit?" Tanong ulit ni Alexa.
"Broken hearted kasi kaya ayaw pumasok. Hahahaha." Sinamaan ko ng tingin si Aira. As if namang mabro-broken hearted ako! Tss. Wala na 'no! Moved on na ako!
"Asa." Sambit ko na lang. Pinatay ko na ang tv.
"Ate, gusto mo samahan na lang kita hele?" Na-touch naman ako sa sinabi ni Alexa. Pero, no. Hindi ko naman kailangan ng makakasama. Okay na ako. I swear!
"No need, Baby. I can manage to be alone." Nakangiti kong sagot. Narinig ko naman sina Kuya at Aira na nagbulungan. Tiningnan ko sila ng masama. Iwas agad sila ng tingin. Tss.
"Seven o'clock na. Male-late na kayo." Saad ni Mama na nanggaling sa kusina. May dala-dala siyang apat na baunan. Tss. Dapat tatlo lang. Di naman ako papasok.
"Heto na ang mga baon nyo." Aniya sabay abot niya kina Kuya ng mga baunan. Nang sa akin na niya iaabot 'yung baunan ko, napataas ang kilay nya. Malamang. Di ako nakagayak e.
"Hindi ka papasok?" And for the nth time, 'yang tanong na naman na 'yan. Umiling ako bago tumayo.
"Hindi po. Wala ako sa mood pumasok." Sagot ko. Tiningnan ako ng malungkot ni Mama pero nginitian ko sya.
BINABASA MO ANG
She's Abnormal ♥
Teen FictionSandy Mae Mendez, a bubbly, happy-go-lucky, abnormal thinker girl. She always get in troubles. One day, isang araw. She and her bestfriend made a deal: she needs to find a boyfriend within three months or else, she must say 'yes' to her annoying sui...