Sandy's POV
Tahimik lang ako habang naglalakad kami ng magkahawak-kamay ni Vincent. Holding hands while walking! Kamote! First time 'to! Feeling ko tuloy, boyfriend ko siya! Ganito pala 'yung feeling na may ka-holding hands? Nakakakaba na masaya. Ang init sa pakiramdam ng palad niya. Nakakahiya nga lang kasi, namamawis na sa sobrang kaba ang kamay ko! Asar!
"Malapit na ang All Saint's Day. May dadalawin ka?" Basag niya sa katahimikan habang naglalakad pa rin kami ng sobrang bagal! Daig pa namin ang mga pagong kung maglakad. Pero, hindi ko alam kung bakit hindi ako nagrereklamo. Ang weird!
"Oo. Si Tatay.." Pabulong kong sagot. Nakatungo lang ako habang naglalakad. Sandy. Ang sabi mo magpapaturo ka lang kung paano manligaw. Anyare? Bakit ikaw na ang nagpapaligaw? Kunwaring ligawan lang naman 'to! Hindi 'to totoo, kaya stop! In the name of my love for Dennis!
"Aaah. Ilang taon na siyang patay?" Ano ba 'yan! Kami ang magkasama pero 'yung patay ang topic namin! Kainis naman 'to!
"Ahmm.. Eight? Ay mali. Nine pala!" Ano ba 'yan?! Ang shunga ko naman yata ngayon? Kainis.
"Hmmmm.." Aniya. Pasimple ko siyang tiningnan. Diretso lang ang tingin niya habang nakangiti. Ibinaling ko ang tingin ko sa mga kamay namin. Ang higpit nang hawak niya. Pakiramdam ko, nasasakal na 'yung kamay ko. Pero, ang sarap talaga sa pakiramdam ng palad niya!
"Ikaw? May dadalawin ka?" Tanong ko. Tumingin siya sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin. 'Yung totoo, Sandy? Kailan ka pa naging palaiwas? Tss.
"Pinsan ko." Sagot niya. Hindi na ako umimik. Ano pa ba ang pwedeng topic?
"Gusto mong kumain?" Nagningning ang mga mata ko dahil sa tanong niya. Huminto ako sa paglalakad at tiningnan siya na para bang nakahukay ako ng ginto.
"Oo! Gosh! Kanina pa nga ako nagugutom e!" Sigaw ko. Bigla siyang tumawa. Tss. Pansin ko lang? Kanina pa niya ako pinagtatawanan! Mukha ba akong clown? Inirapan ko siya. Bwisit. Nagugutom naman kasi talaga ako! Alas cuatro na kaya! Dalawang oras at kalahati na rin kami rito! Ta's lakad pa kami ng lakad! Lumapit siya sa akin at ginulo ang buhok ko.
"Ang cute mo talaga. Hahaha. Saan mo gustong kumain?" Tinabig ko ang kamay niya at saka ngumuso.
"Ang hirap magsuklay, ha." Sarkastiko kong sabi. Ngumiti naman siya.
"Maganda ka pa rin naman kahit hindi ka magsuklay." Aish! Ayan na naman e! Naiinis ako ha! Gusto kong kiligin dahil sa weird feelings na 'to!
"Step three. Make her smile." Aniya. Napaiwas ako ng tingin. Shete! Bakit ako nakangiti?! Eeeeeeh! Bad ka Sandy! Taksil ka kay Dennis!
"T-Tara na! Gusto ko ng ice cream!" Sigaw ko sabay hila sa kanya.
"Ice cream? Nagugutom ka, 'di ba? Baka sumakit ang tiyan mo 'pag nalamigan." Aniya habang hinihila ko siya papunta kay Manong Sorbetero. Hindi ko siya pinansin. Kailangan ko ng ice cream ngayon! Kailangan kong ikalma ang sarili ko!
BINABASA MO ANG
She's Abnormal ♥
Teen FictionSandy Mae Mendez, a bubbly, happy-go-lucky, abnormal thinker girl. She always get in troubles. One day, isang araw. She and her bestfriend made a deal: she needs to find a boyfriend within three months or else, she must say 'yes' to her annoying sui...