Sandy's POV
Bumalik kami ni Pusa sa table namin. Nandoon na ang lahat. Sineserve na kasi ang foods. Buti naman! Nagugutom na rin kasi ako!
"Saan kayo galing?" Tanong ni Pea pagbalik namin.
"Sa paligid-ligid. Naghanap ng linga." Sarkastiko kong sagot sabay upo. Hays. Nai-stress ako!
"Ha? Hindi naman tayo naghanap ng linga, Buhangin ah." Aish! Stressed na nga, mas lalo pa yata akong mai-stress dito kay Pusa! Slowpoke! Kainis. Hindi na ako sumagot at nanahimik na lang. Nagmuni-muni ako sa mga sinabi ni Pusa kani-kanina lang.
Tiningnan ko nang mataman si Pusa after niyang sabihin na baka gusto rin ako ni Dennis.
"Wag ka ngang paasa." Sambit ko after nang ilang minutong pagtitig sa mukha nya. Ngumuso sya.
"Hindi naman ako paasa. Observer lang." Katwiran niya. Observer? Ano sya, nasa science lab? Scientist lang ang peg?
"Paano mo naman nasabi na baka gusto rin niya ako?" Taas kilay kong tanong. Humalikipkip ako.
"Kasi... Nung nasa canteen tayo, iba 'yung mga tingin niya sa'yo. Kahit nga ngayon e. Iba. Para bang, gusto niyang ipahiwatig sa'yo na gusto ka niya sa pamamagitan ng tingin." Pakiramdam ko nag init ang mukha ko dahil sa mga sinabi ni Pusa. Gosh. Tinitingnan ako ni Dennis?! Waaahh... P-Puso! Kalma. W-Walang karera, kaya please. Wag kang kumaba! Aish. Gusto kong magsisisigaw dahil sa mga nalaman ko. Pero, no. Dapat elegant ang poise ko ngayon. Kahit pa, gustong gusto ko nang magtatatalon sa tuwa, kalma lang. Humawak ako sa dibdib ko at huminga ako nang malalim.
"Sige. Para sa'yo. A-Aamin na ako." Iwas tingin kong sabi. Shemay. Sandy! Bakit pumayag ka?! Baka kung anong kahihiyan lang ang makamtan mo!
"Talaga?! Yes! Hihihi. Ganito. Pupunta mamaya si Dennis sa rooftop kasama ni Pea." Ani Pusa na dahilan nang pagkunot ng noo ko.
"Anong gagawin nila roon?"
"Ha? Hindi ko alam. Narinig ko lang sila kanina e. Pero, don't mind that! Kinausap ko na si Pea, sinabi ko sa kanya na kapag nagpunta sila sa rooftop, iwanan niya roon si Dennis para makausap mo." Napatango na lang ako sa sinabi ni Pusa. Kinakabahan ako. Dapat nga bang umamin na ako sa kabute na 'yun?
"Sandy, oks ka lang?"
"H-Ha?" Napatingin ako kay Pea at ganun din sa iba. Lahat sila kunot noong nakatingin sa akin. Ooookay? Anong ginawa ko?
"Spacing out?" Tanong ni Hazel. Ah. Kaya naman pala ganito sila makatingin sa akin. Tss. Ganun na ba ako katagal magmuni-muni?
"Don't mind me." Usal ko sabay tingin sa plato ng pagkain. Kita ko sa peripheral vision ko na hindi na sila nakatingin sa akin. Haays. Buti naman. Ang awkward ng feeling. Bakit ba kasi lutang ang utak ko ngayon?!
"Pea, pwede mo ba akong samahan?" Kusang tumaas ang ulo ko at tiningnan si Dennis. Napatingin ako kay Pusa dahil siniko niya ako.
"Pupunta na sila sa rooftop. Be ready." Pusa mouthed. Tumango na lang ako bilang sagot. Ramdam ko. Ramdam na ramdam ko ang kaba. Syete. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nangangatog na rin ang mga tuhod ko. Pakiramdam ko, hindi ako agad makakatayo.
"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Maki sa dalawa na nakatayo na.
"Sasamahan ko lang sya sa rooftop Makibabes. Hihi. May iniutos kasi si Sir Castañeda na kuhanin doon. Don't worry, we'll be back after fifteen minutes. Don't miss me, okay?" Sagot ni Pea sabay wink kay Maki. Nag tss lang si Maki. Sus. If I know. Gusto rin nya si Pea. Kunwari pa kasi e.
BINABASA MO ANG
She's Abnormal ♥
Teen FictionSandy Mae Mendez, a bubbly, happy-go-lucky, abnormal thinker girl. She always get in troubles. One day, isang araw. She and her bestfriend made a deal: she needs to find a boyfriend within three months or else, she must say 'yes' to her annoying sui...