Ten

2.1K 66 9
                                    

Hello Pat! (Youislove) *kaway* Para sa'yo ang chapter na 'to! Hope you'll it! Enjoy reading! ^___^

****

Sandy's POV

"Ano ka ba Buhangin?! Okay lang 'yun! Mas madali kaya ang mag-alaga ng mga bata kesa maglinis ng mga maduduming pusali." Inismiran ko si Pusa. Chini-cheer up nya ba ako? O nang aasar sya?

"Alam mo namang ayoko sa mga bata, di ba? Batallergic ako!" Reklamo ko. Ayoko sa mga bata. Takot ako na baka pag lumapit ako sa kanila, may hindi magandang mangyari. Nine years na simula noon, pero dala-dala ko pa rin hanggang ngayon ang takot na 'yun. Takot na hindi ko matakbuhan o mataguan. Takot na dahilan kung bakit ayoko sa kanya. Kung bakit, nawalay ako sa ka..

"Oo nga. Pero malay mo, after this, mapalapit ka na sa mga bata. At saka, baka 'yun ang dahilan kung bakit baby sitting ang ibinigay sa inyo." Nagbalik ako sa sarili dahil sa sinabi ni Pusa. Tss. Kahit ano pa ang dahilan nila, hindi pa rin 'yun sapat! Ang ganda-ganda ko tapos gagawin lang akong baby sitter?!

"Anong klaseng mga bata daw ba ang mga babantayan at tuturuan nyo?" Singit ni Pea. Tiningnan ko sya.

"Parang kami daw." Sagot ko. Nagsalubong ang mga kilay nya.

"Parang kayo?" Tanong nya ulit.

"Yeah. Parang kami daw, makukulit at mga pasaway." Poker face kong sagot. Nagtawanan naman sila ni Pusa. Tss. Mga bwisit. Tawanan daw ba ako? At ang sabi pa nila, baka ang mga bata pa daw na 'yun ang makapagpatino sa akin. Tss. Sila yata mga abnormal e. Bata, papatinuin ang isang magandang tulad ko?

Good luck.

Week later..

Here we are. Facing the different faces of children. Gosh. Bakit... Nanginginig ako?! G-Gusto ko ng um-muwi!

"Children meet Ate Sandy and Kuya Dennis. Sila ang magtuturo at mag aalaga sa inyo sa loob ng isang buwan. Behave kayo ha? Nangangain sila ng mga batang pasaway at makukulit." Wow. Ginawa pa kaming halimaw nitong si Ma'am. Tss.

"Kayo na ang bahala sa kanila ha? Iiwan ko na kayo." Ani teacher at iniwan na kami. Iniwan nya kami sa harapan ng mga batang mukhang halimaw. Parang sila pa ang mangangain ng mga tao! Nanginging ako. Ayoko sa mga bata!

"Hello kids! I'm Kuya Dennis!" Panimula ni Dennis. Hindi sya pinapansin ng mga bata pero patuloy pa din sya sa pagsasalita.Argh! Bahala na sya dyan! Maganda ako pero ayoko sa mga bata! Di ko kayang lumapit o magsalita sa harap nila. Parang mas bata pa tuloy ako kesa sa kanila.

Pumunta ako sa isang sulok. I need to calm down. Baka atakihin na naman ako ng hyperventilation. Anong klaseng community service ba kasi ito?! Gosh!

"Ate." Napaatras ako ng may lumapit sa akin na isang batang lalaki. Putik. A-Anong gagawin ko?

"B-Bakit?" Shet. Calm down Sandy. Bata lang 'yan. Andito kayo sa loob ng kwarto. Walang mangyayaring masama.

"Pwede po ba kayong ligawan?" Napanganga ako sa tanong nya. Eh? Ligaw daw?!

"H-Ha?"

"Kashi po, hang ganda nyo e." Nahihiya nyang sabi. Napalunok ako bago tumingin sa gawi ni Dennis. Nakatingin pala sya sa akin. Pati na rin 'yung ibang mga bata. Nanay! I need you! Gusto ko ng umuwi!

"Shige na po." Sabi nung bata habang papalapit sa akin. Nanginginig ako. Napako na ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makakilos o makapagsalita. W-Wag. Please. Wag kang lalapit sa akin. W-Wag.

"Hano bha sha tingin mho ang nigagawa mo?!" Isang batang babae ang lumapit sa batang lalaki na 'to at piningot sa tenga.

"Alay naman! Bitiwan mo nga ako Alexa! Mashakit!" Sigaw nung batang lalaki habang hila-hila sya nung batang babae pabalik sa upuan nila.

"Hang bata-bata mo pa, nanliligaw ka na?! Ishushumbong kita sha Mommy mo!" Balik sigaw nung batang babae. S-Save by that child na ba ako? Ayoko na. Gusto ko na talagang umuwi.

Napaupo na lang ako. Nakapanglalambot!

"Anong nangyayari?" Tanong nang bagong dating na si Ma'am Garcia, teacher ng mga bata.

"Nag-aaway na naman kayo, Alex at Dale?!" Sita nya sa dalawang bata. Pinagsabihan nya ang mga ito, pero sa halip na makinig, lalo lang silang nagkagulo. Nakisali na rin ang ibang mga bata. May mga umiiyak, nagbabatuhan ng papel at nag-aaway na. Kaya naman, humingi na siya ng tulong sa iba pang mga staffs. Sumali na rin si Dennis sa pag awat habang ako, nakaupo dito sa isang sulok. Naluluha at nanginginig. Ayoko na. Gusto ko nang umuwi. Naalala ko lang 'yun.

Dumukdok ako. Dinig ko ang pag-iyak ng mga bata. Tama na. Tumahan na kayo! Ayoko na!

"Sandy.." Nag angat ako ng mukha at tiningnan kung sino ang tumawag sa akin.

"B-Bakit ka umiiyak?" Tanong nya. Umiiyak?

Hinawakan ko ang mukha ko. Umiiyak nga ako.

"W-Wala." Sagot ko. Pinunasan ko ang nabasa kong mga mata.

"N-Nasaan na ang mga bata?" Tanong ko. Kami na lang kasi ang nandito sa loob ng room.

"Ah. Inilabas muna ni Ms. Garcia para daw maglaro at nang magsitigil sa pag-iyak at pag-aaway." Paliwanag nya. Naupo sya sa tabi ko.

Galit ako sa kanya dahil sa sinabi nya sa akin nung nasa rooftop kami, pero... Parang naubos ang lakas ko dahil sa mga bata. Nakakatakot.

"Ayos ka lang ba?" Basag nya sa katahimikan. Hindi ko sya sinagot. Sa halip, niyakap ko na lang ang mga binti ko.

"Takot ka ba sa mga bata?" Bumuntong hininga ako. Since magkakasama naman kami sa loob ng isang buwan, mabuti nga sigurong sabihin ko na.

"O-Oo." Sagot ko.

"Kaya pala nanginginig ka kanina pagpasok pa lang natin sa compound nitong day care center." Aniya. Ganun ba ka-obvious ang takot ko?

"Bakit?" Tanong niya. Bakit? Ayoko. Ayokong sabihin kung bakit.

"Wala lang. Hindi ba pwedeng matakot sa mga bata ang isang bitch na katulad ko?" Mapait kong sabi. Natahimik sya. Tss. Akala naman nya. Hindi porke't partner kami sa lintik na pesteng community service na'to, makakalimutan ko na ang mga sinabi nya!

Nilamon kami ng katahimikan. Na-guilty ba sya sa sinabi ko?

"I'm sorry." Napatingin ako sa kanya. Nakatingin sya sa kawalan. Ako ba ang kausap nito?

"I'm sorry." Ulit nya. This time, tumingin na sya sa akin.

"H-Ha?"

"I'm sorry for being careless. Hindi ko dapat sinabi ang mga 'yun sa'yo. Sorry." Kita sa mga mata nya ang sincerity. Ngumiti ako.

"Hindi mababago ng sorry mo ang katunayang sinabihan mo ako ng bitch, kahit di mo pa ako ganun kakilala. Hindi porke't manliligaw ako ng isang lalaki, bitch na ako. Hindi mo alam ang dahilan ko kung bakit ko 'yun gagawin." Tumayo ako.

"Pero wag kang mag-alala. Hindi naman ako ganun kasama. Kaya pinapatawad na kita." Pahayag ko habang nakangiti.

Dear Fate...

Ano ba talaga ang binabalak mo?

She's Abnormal ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon