A/N: May nagbabasa pa ba nito? Hahaha. I'm really sorry for being inactive. Hahaha. Busy sa pagtatanga e. xDD Babawi na lang ako sa updates :)) Hahaha. Enjoy reading! Comment kayo, ha. Thank you! :)) ^_____^v
****
Sandy's POV
"Tara naaa!" Saad niya habang nakayakap sa bewang ko at hinihila ako papasok sa class room ng mga batang babantayan namin. Mas hinigpitan ko pa ang kapit sa poste.
"Ayokoooooo!" Sigaw ko. Pinagtitinginan na kami ng mga nagdaraang guro at magulang pero wala akong paki! Kasi naman e! Natatakot ako! 'Yung last time na punta ko dito, muntik na akong himatayin. Baka ngayon, matuluyan na ako!
"Huwag ka ngang oa! Wala namang masamang mangyayari e! Di ba nga sabi ko sa'yo, tutulungan kita na kalimutan ang nakaraan mo? Ito na ang umpisa nun! Tutulungan kitang mawala ang takot at mapalapit sa mga bata! Kaya, tara na!" Napabitiw ako sa poste dahil sa mga sinabi nya. Hinarap ko sya ng maayos.
"Talaga?" Parang bata kong tanong. Ngumiti sya at kinurot ang mga pisngi ko. Tsk.
"Oo nga. Kaya tara na! Late na tayo! Ngayon ka na nga lang ulit pumunta, late ka pa! Madaya ka talaga!" Aniya sabay hawak sa kamay ko at hinila ako papasok. Hays. Here we go again! Good luck sa akin. Sana nga talaga, walang masamang mangyari.
"Hello kids!" Bati nya sa mga bata pagkapasok namin. Pinagtinginan naman kami ng mga bata sa kabila ng kani-kanilang mga ginagawa. I gulp. Ayoko na! Hindi ko talaga yata kayang makasama ang mga batang 'to sa loob ng isang kwarto. I can feel the heat and my heartbeats! Feeling ko maso-suffocate ako. Jusme! Bakit ba kasi ang oa ng pagkatao ko pagdating sa mga bata?! Paki-explain? Aish! Kasalanan 'to ng matanda na 'yon e!
"Kalma ka lang." Bulong nya sa akin. Naramdaman ko ang pagpisil nya sa kamay ko. Petsay! B-Bakit parang dumoble ang nararamdaman kong kaba? Ano ba naman 'yan! Sandy! Kalma lang daw. Please! Wag kang oa! Nasa harap ka lang nang mga bata. Hawak nya lang ang kamay mo. Walang dapat ikakaba! Basta tandaan mo, maganda ka! Period!
"Naaalala nyo pa ba si Ate Sandy? Sya 'yung kasama ko dito nung first day namin. Ngayon lang ulit sya nakabalik kasi nagkaroon sya ng injury." Panimula nya. Injury? Tss. Phobia kamo. Humarap sya sa akin at sinabi na magsalita ako. Tsk. Ano pa nga ba ang magagawa ko?
"H-Hello." Bati ko sa mga bata sabay ngiti ng alanganin. Nagngitian naman sila at kinawayan ako.
"Hello Ate Sandy!" Sabay sabay nilang sabi, dahilan para tuluyan akong mapangiti. Ang ku-cute nila. Feeling ko, nawala bigla ang takot ko. Tiningnan ko si Dennis. He's smiling at me. Then... Everything became slow, again. Kamatis naman oh! Ano ba ang meron sa ngiti nya at bumabagal ang takbo nang oras at nang mga nasa paligid ko?! Bwisit na ngiti na 'yan. Ginagawa akong weirdo!
"Hey! Why are you holding da hand op my princesh!" Nagulat kami pareho ni Dennis nang may lumapit na isang bata at pilit na pinagbitiw ang mga kamay namin. Teka. Ito 'yung batang lumapit sa akin noong unang punta ko dito ah. 'Yung bata na nagsabi na liligawan daw nya ako. Ano nga ang pangalan nya? Ang alam ko letter D ang first letter e. Hmmm.. Don? Dylan? Dave? Aish! Ewan.
"Dale a-" Ani Dennis. Ayun! Dale! Dale ang pangalan nya! Bwisit na 'yan. Pinagod pa ang utak ko kakaisip.
Hindi pinansin ni Dale si Dennis, sa halip ay lumapit sya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko.
"I've been waiting for your come back, my Princesh.." Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi nya. P-Princess? Ako?! Eh? Ano na naman ba 'to?! Alam kong mukha akong prinsesa, pero... Pati ba naman bata, mahuhulog sa pagiging prinsesa ko?!
"Aray!" Sigaw nya ng pingutin sya sa tenga nung isang bata. 'Yung batang babae na pumingot din sa kanya nang lapitan nya ako nung unang punta ko dito.
BINABASA MO ANG
She's Abnormal ♥
Teen FictionSandy Mae Mendez, a bubbly, happy-go-lucky, abnormal thinker girl. She always get in troubles. One day, isang araw. She and her bestfriend made a deal: she needs to find a boyfriend within three months or else, she must say 'yes' to her annoying sui...