Dennis' POV
"Wag mo akong bibitiwan ha." Aniya. Napahinto ako dahil ngumiti sya. Ngayon ko lang sya nakitang ngumiti ng totoo. Ang cute nya pala, lalo na kapag nakangiti?
"Oy. Bakit ka huminto? May problema ba?" Tanong nya. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa mga kamay nya.
"W-Wala. Ngumiti ka kasi. Di ako sanay." Usal ko. Kumunot ang noo nya. Ngumiti ako. Cute sya kapag ngumingiti pero mas gusto ko ang mukha nya kapag naiinis. Priceless.
"Masama na bang ngumiti ngayon? Ikaw nga dyan ngumingiti rin e! Tss. Turuan mo na lang akong mag skate." Nakanguso nyang sabi. Hindi na ako umimik pa.Tinuruan ko na lang sya kung paano mag ice skate ng hindi matutumba.
Binitiwan ko sya ng higit limang beses para matuto syang mag balance. Ang kaso, higit limang beses din syang napaupo o natumba. Tawa tuloy ako ng tawa. Ang sarap kasi nyang panuorin at pagtawanan habang nabubuwal. Kita sa hitsura nya ang inis.
"Kaya pa?" Tanong ko habang iniikot-ikutan sya. Hindi sya gumagalaw sa kinatatayuan nya. Na-frozen na yata.
"Bwisit ka Dennis!" Sigaw nya ng lagyan ko sya ng yelo sa pisngi. Nag skate naman ako palayo sa kanya.
"Bleh! Di mo naman ako kayang habulin e!" Pang aasar ko. Kita ko ang pagsasalubong ng mga kilay nya. Nakakatuwa talaga syang asarin.
"Bwisit ka! Kapag naabutan kita, humanda ka sa akin!" Huminto ako sa pag-i skate at tiningnan sya.
"Huli ka!" Bulalas nya ng mahawakan ako. Nginitian ko sya.
"Sanay ka na!" Saad ko.
"Ha? Anong san-" Nahinto sya sa pagsasalita ng ma-realize ang ibig kong sabihin. Hinawakan nya ako sa magkabilang braso at nagtatatalon.
"Ang galing! Sanay na ako! Sanay na ako! Yahoooooooooooo!" Parang bata nyang sigaw habang patuloy sa pagtalon.
"Oh." Gulat kong sabi ng ma-out of balance sya. Tss. Isip bata kasi.
"S-Salamat." Utal nyang sabi at kumalas sa pagkakayakap ko. Napatayo ako ng maayos. Aish! Bakit parang nakakailang?
"Mag ingat ka kasi." Sambit ko at lumayo na sa kanya. Iniwan ko sya at nilibot ang kabuuan ng ice field. Bakit ganun? Ang sarap sa pakiramdam ng yakap nya.
Aish! Loko ka Dennis! Kung anu-anong iniisip mo. Samantalang kailan lang sinabihan mo sya ng bitch dahil naging dahilan sya ng pagbe-break nyo ni Aira. At, balak nyang ligawan si Vincent.
Napailing ako. Aish. Di ko pa rin maalis sa isip ko ang mga sinabi ko sa kanya. Hindi ko talaga sinasadya ang mga sinabi ko nung nasa rooftop kami. Alam ko naman ang katotohanang sinungaling si Aira. Alam ko rin na kahit pa puro kalokohan ang mga ginagawa nya, hindi sya isang bitch. Pero.. Nung makita at marinig ko ang pag uusap nila ni Vincent, parang...
"Aray!" Napatigil ako sa pag iisip ng may nakabunggo ako, dahilan para ako'y mapaupo.
"Sorry pooooooooo." Aniya at ginaya ang way ni Chichay ng pagso-sorry. Baliw.
"Tulungan na kita!" Inilahad nya ang isang kamay nya sa akin para tulungan akong tumayo. Tinanggap ko ito.
"Lalim ng iniisip mo ah. Kanina pa kita tinatawag pero di mo ako pinapansin. Ikot ka lang ng ikot. May ipapakita pa naman ako sa'yo." Himutok nya. Para talaga syang bata. I smile on my thoughts. Ako palang kaya ang lalaking nakakita ng isip bata nyang side?
"Sorry. Anong ipapakita mo?" Tanong ko. Umismid sya.
"Wala! I changed mah mind! Gora na tayo!" Iirap-irap nyang sabi at iniwanan ako. Sinundan ko na lang sya ng tahimik. Kung titingnan, para syang bipolar. Kanina, tuwang tuwa. Ngayon naman, ang sungit. Tss.
BINABASA MO ANG
She's Abnormal ♥
Fiksi RemajaSandy Mae Mendez, a bubbly, happy-go-lucky, abnormal thinker girl. She always get in troubles. One day, isang araw. She and her bestfriend made a deal: she needs to find a boyfriend within three months or else, she must say 'yes' to her annoying sui...