Falling for Mr. Bad Boy Chapter 12: Horror?

1.7K 59 11
                                    

------------

Multimedia 

Photo: Vince (Kim Myungsoo/L) GIF <- Please tignan niya matutunaw kayo, dali! 

Youtube Video: 06. NU'EST - Please Don't (야하게 입지마) [NU'EST - Sleep Talking (3rd Mini Album)]

---------------

A/N: ANNYEONG! Peace tayo sa chapter na toh ( * o * ) Tulungan niyo naman ako sa ship name ni Vince x Maika at Tristan x Maika. Medyo nahihirapan kasi si Author hehe. Hinabaan ko na rin ang chapter na toh compared sa ibang chapters ko konti nalang yung spaces. ENJOY! SORRY SORRY SORRY kung late ako nag-UD, madami kasi akong ginagawa kaya hinabaan ko na.

======== 

Maika's POV 

Countdown: 4 Days left before camping  

Dalawang araw. . .

'Maika puwede ba kitang ligawan?'

'Maika puwede ba kitang ligawan?' 

Dalawang araw akong nakatulala simula nung tinanung ni Tristan ang tanong na yun. Ikaw kaya ang tanungin ng ultimate crush mo kung puwede kang ligawan. Siyempre oo sagot mo diba? Sabihin natin na may ginawa siyang kasalanan sayo? Papayag ka pa ba? Kahit sinasabi ng puso mo na hindi niya uulitin dahil kilala mo siya? Paano nalang kung alam mong mahal niya pa rin ang ex niya? GOODBYE BRAIN CELLS. 

Sige i-try mo lang na hindi kumalawang ang utak mo nang katulad sa akin kakaisip. dapat mga ganitong sitwasyon ang tinuturo sa school. Alangan naman sagutin ko ng algebra ang tanong niya sa akin. Pinapag-isipan ko lang kung tama ba yung ang sagot ko sakanya.

(   ¬_¬)   (˶ॢ ‾᷄﹃‾᷅ ˵ॢ)  

Sa daming laway na tumutulo sa akin kulang nalang bigyan ako ng timba. Cry me a river nga daw este tulo-laway me a river. 

 "Hellooo *kaway* earth to maika?" sabi ni Kim.

"Nnngggh" Yun lang kasi ang malabas ko sa bibig ko.

"Kanina ka pa lutang, ok ka lang ba bes? anong nangyari sayo? hindi lang tayo nagkita nung weekend. Na-miss mo lang ang beautiful face ko noh? HAHAHA" Hindi naman sa hindi ko namiss bestfriend ko pero lutang na kung lutang, sadyang iniwan ko ang utak ko sa bahay.

"Ngayong nakita ko na nagsisisi ako" biro ko.

"Che! Tara na nga baka malate pa tayo"

 ------------

Pagbukas namin ng pintuan sinalubungan kami ng malamig at masarap na hangin na galing sa aircon. Yung tipong feeling mo nasa Nestea commercial ka. Ang init kasi sa labas kailangan ko nalang manghila ng classmate ko na mamantikain ang mukha at magprito. 

'Psst! uy patingin!' 

'Teka lang, nauna kami sayo' 

\(@ ̄∇ ̄@)/ Nagtutulakan yung mga kaklase kong nakapalibot sa gilid. Walanjo, Hindi ba kami invited? Hinatak ni Kim yung kamay ko at hinila ako paroon.

Nang palapit na kami naririnig ko ang hiyawan at tawa ng mga kaklase ko, mas kinakabahan na ako andun kasi yung upuan ko. *gulp* Ano nanaman ito? Red notice na galing sa F4? Tanga, may F4 ba sa school?

"HOY ANONG GINAGAWA NIYO DIYAN!" sigaw ni Kim.

Sabay-sabay na tumalikod ang mga kaklase ko yung tipong parang nahuli sila kung anumang kababalaghan ang ginawa nila. 

Falling for Mr. Bad Boy [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon