Falling for Mr. Bad Boy Chapter 13: Exams

1.6K 59 8
                                    

----------

Multimedia: 

Photo: Maika (Bae Suzy) GIF

Youtube Video: 에릭남 (Eric Nam) - 우우 (Ooh Ooh) (Feat. 호야 of 인피니트) MV

------------

 

 

A/N: Yiiie, parehas na sila maika at Kim na may first kiss na. Para sa mga Vince x Maika fans, humanda na kayo. PREPARE! konting tiis nalang po readers medyo matagal mag-build up si ms. author first time lang kasi. 

 

========

Maika's POV 

  

 

Nakatingin lang ako sa bintana pinapanood ko yung mga nadadaanang tao sa sidewalk habang umaandar ang kotse habang nagpapatugtog ang Careless Whisper sa radyo. Si manong driver naman ayaw palitan, nakaka-ilang tuloy. 

 

( ̄д ̄;) ~ ~ ~ 

 

Ano bang klaseng aura ito? Pakshet, parang nanunood lang si totoy ng comedy movie nakakatawa ba yung mukha ko? Anong meron? Sumilip ako ng onti sakanya, nakangiti siya ng parang manyak. 

 

"Iniiwasan mo ba ako?" tanong niya sabay tingin na rin siya sa labas bintana. 

"A-ako? Hindi noh!" 

Binalik niya tingin niya sa akin at ngumise "Bakit ka nauutal?" 

"HO-HOY HINDI KAYA!"

 

"Don't tell me first kiss mo yun?" Aish linapit nanaman niya yung mukha niya ng onti, naalala ko tuloy yung yung BASTA. Umiinit yung mga pisngi ko kaya bigla ko naman itong tinakpan. 

 

(」゜ロ゜)」Talagang itong lalaking ito mas makapal pa ang mukha kaysa sa pinagsama-samang mga volume ng encyclopedia. 

 

 "Hindi noh" asar kong pagkasabi. 

Tinitigan niya ako ng masama at tinaasan ng kilay. Sabi na nga bang wag magsingungaling eh. Teka, kailan pa naging super power ni Spiderman ang pagkakaalam ng mga taong nagsisingungaling? Napilitan tuloy akong magsabi ng totoo. 

 

"Oo na, bakit ba? pake mo!" 

"Tss" sabay ngiti, yung tipong nangaasar talaga. 

 

"Kung makangiti ka diyan, eh-eh ikaw?" Tanong ko, bakit? curious lang. Para ngang wala lang sakanya yun dahil mukhang ako lang ang awkward sa aming dalawa. 

Bigla siyang sumeryoso ang mukha niya at nagmukhang nagbibilang sa ulo niya. Tinaas niya ng isa-isa ang daliri niya hanggang nakataas na ang sampung daliri niya. TEKA LANG WAG MONG SABIHIN NA GANIYAN KADAMI? Umiling siya na parang kulang pa. 

 

"Sabihin nalang natin na hindi mabibilang ng mga daliri mo" 

Falling for Mr. Bad Boy [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon