---------
Multimedia:
Photo: Vince (Kim Myungsoo) Gif. Gwapo talaga 4ever! Mwuah mwuah tsup tsup
Youtube Video: EXO - Overdose [ 중독 ] ( Korean Ver. ) Lyrics
----------
A/N: Sorry maikli lang ito, ginawa ko lang itong transition from Chapter 13 -> 15 in case na curious kayo kung ano nangyari. Parang special chapter lang ba pero available na po yung next chapter. ENJOY! Pramis po talaga bukas ko agad ipopost yung Chapter 15.
======
Maika's POV
Hindi ko nakita na nabuksan yung ilaw sa kwarto ni Vince simula nung dumating ako, baka nakatulog na sa pagod. Tss kasalanan niya rin naman yun. Pero ano ba yung gusto nung mga unggoy na yun at ang angas naman nila pumunta sa school namin para lang saktan si Vince correction. . . parang papatayin pa nga nila eh. Naiilang lang ako dun sa lalaki na may maliit na thunder bolt tattoo sa ilalim ng kanan na mata niya kasi sigurado akong nakita ko na siya dati. Hindi ko lang natatandaan palibhasa kasi masyado akong madaming napag-aralan sa isang gabi na hindi kinayanan ng brain ko kalerky.
\(´O`)/ *unat hikab unat*
Kinukusot ko yung mga mata ko nung may nakita akong silhouette ng tao sa may pintuan ko.
Mukhang si. . . "Tristan?" tanong ko habang kalahating nakasara ang mga mata ko. Nananaginip ba ako bakit hindi siya umiimik?
[Pak] Sinampal ko yung noo ko.
At ano naman ang ginagawa ni papa Tristan may labs mo ng ganito kaaga sa kwarto mo aber? mag-isip isip ka nga sus. Dahil lang siguro ito sa kulang ng tulog hindi pa naman ako nakatulog nung isang gabi. Gumulong ako palabas ng higaan ko at kinamot ang puwet ko.
(〜 ̄▽ ̄)〜
Lumapit ako dun sa silhouette at tinitigan ng ng matagal. Kinaway-kawayan ko na rin. Hmmm, ang weird talaga kamukhang-kamukha niya si Tristan. Hindi kaya ito yung side-effects ng binigay na red bull ni Vince sa akin kahapon?
Tumawa ako sa sarili ko "Ganda naman ng panaginip ko"
"Pfft" Huh? biglang tumawa yung fake Tristan. Teka lang. . .
Sinundot ko yung mukha niya.
"EH?!"
Wait lang, Hinimas ko at minassage na rin yung mukha niya. Kung nahahawakan ko siya EDE TOTOO NGA SIYA!
ヽ(゚Д゚ )ノ
"*ehem* Maika akala ko matutunaw ako kanina mo pa ako tinititigan, malalate na tayo" ANONG IKAW? AKO ANG NATUTUNAW SAYO EH!
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Bad Boy [On Going]
Ficção AdolescenteAng sabi nila mas gusto daw ng mga babae ang mga bad boy. Meet Maria Katherine Villanueva or 'Maika' for short, Ang babaeng wala nalang laman ang utak kungdi si Tristan Cortez ang Mr. Popular o Mr. Nice Guy ng Austin College High School. Hindi lang...
![Falling for Mr. Bad Boy [On Going]](https://img.wattpad.com/cover/7735026-64-k920522.jpg)