--------------
Multimedia:
Photo: Maika ( Bae Suzy )
Youtube Video: EXO-K - Thunder Lyrics
-------------
A/N : MEDYO INTENSE NA CHAPTER BOOM BOOM POW!
========
Maika's POV
Kakapasok ko lang sa bahay may naririnig akong sigawan mula sa sala, parang sina kuya papa at mama ang naririnig ko. Dali-dali akong pumasok dahil kinakabahan ako, minsan lang kasi magtaas ng boses si kuya ibig sabihin seryoso talaga ang pinapag-awayan nila.
"This is not your decision to make but ours, we are losing our stocks and as the next heir to the company you should be mature enough to accept this!" sigaw ni papa kay kuya.
Mukhang hindi nila napansin na pumasok ako.
"You do not own me, old man. I make my own damn decisions"
"Kung magsalita ka diyan parang kami pa yung may utang na loob sayo, we are your parents" sabi ni mama na halos maiyak na.
"And I did not want this company, you folks pushed it on me tapos ngayon you really crossed the line"
Hininaan ni papa yung boses niya "Is this because of that maid?"
Maid? Sinong maid? Si ate Gandz ba pinapag-usapan nila? Nung minsan lang nakita ko na magkayapusan sila baka MU?
"Don't you f-ing talk ill of her, I warn you" Nagwalk-out si kuya papunta sa kwarto niya pagkatapos bantain si papa. Hay nako, ang tigas talaga ng ulo ni kuya kahit galit siya kailangan pa rin niyang galangin mga magulang namin. Si mama tumaas na rin, umiiyak.
"I wasn't-" Nakita ako ni papa kaya huminto siya, hindi naman ako nag-eavesdrop eh sa lakas ba naman ng boses nila hindi naman puwede na takpan ko tenga ko "Maika what are you doing there?"
"Pa? is everything. . . ok?" Shunga ko noh? Nagsigawan na at lahat tinanong ko kung ok pa ang lahat.
Tinanggal ni papa yung salamin niya at minasahe yung ulo niya halatang stress na siya "Maika go to your room" Hindi ko na kinulit si papa kasi mukhang pagod na siya mas lalo na at nag-away pa sila ni kuya.
---------
Hindi ako makatulog kaya pumunta ako sa may kwarto ni kuya VJ. Kinatukan ko yung pintuan pero bukas na pala kaya pumasok nalang ako. Hindi naman siya nagagalit pag pumapasok ako ng walang paalam basta wag ko lang kalikutin yung mga gamit niya. Nakita ko si kuya naka-upo sa dulo ng higaan niya, nakabaon yung mukha niya sa mga kamay niya.
"Kuya, ano nangyari?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Bad Boy [On Going]
Fiksi RemajaAng sabi nila mas gusto daw ng mga babae ang mga bad boy. Meet Maria Katherine Villanueva or 'Maika' for short, Ang babaeng wala nalang laman ang utak kungdi si Tristan Cortez ang Mr. Popular o Mr. Nice Guy ng Austin College High School. Hindi lang...
![Falling for Mr. Bad Boy [On Going]](https://img.wattpad.com/cover/7735026-64-k920522.jpg)