------------
Multimedia:
Photo: Vince [Myungsoo] Gif
Youtube Video: [MV] NU'EST(뉴이스트) _ Fine Girl (파인 걸)
-----------
A/N: Dahil pati ako nabitin sa update ko. . . TA-DA! Bagong tatlong chapter. MAGSAWA KAYO KAY VINCE AT MAIKA BWUHAHAHAH [joke lng pls. wag kayong magsawa] So kung napapansin niyo dahil sa mga nangyayari nagiging mature na si Maika kaya kung nagtataka kayo bakit nagiging seryoso ang pag-iisip ni maika yun nga dahil dun. Character development. YEHET! hindi na baby damulag si maika.
======
Maika's POV
[Andito kami ngayon sa harap ng ***** Corporation kung saan may mga nagproprotestang mga empleyado na tinanggal sa kanilang mga trabaho. Ito ay pagmamay-ari ng pamilyang Villanueva. Nagsalita na ang representative ng kompanya at sinabing hindi na nila kayang suportahan ang empleyado kaya sila nagtanggal ng iba."]
Ano ba yan ang daming nag-proprotesta. Ok lang kaya si mama at papa? Mukhang natrap sila sa loob. Hinarap nung news reporter yung mic sa babaeng humahagulgol na may dala-dalang sign board at tinanong kung ano ang rason kung bakit kailangan niya ng trabaho.
["Maawa po kayo sa amin, hindi ko po alam kung paano ko susuportahan ang mga kapatid ko. Ulila na kami. Ako ang nag-iisang nnakagraduate sa amin kaya ako lang ang nagtratrabaho para sa amin"]
Nako, kawawa naman siya nakakaawa, mukhang mga 21 palang yung edad niya. Yung puro nagmumura na naka direkta sa pamilya ko, hindi naman kasalanan ng mga magulang ko nung nangyari eh. Nung isang araw ko pang huli nakita sina mama at papa tsaka hindi nila ako kinakausap tungkol dito ngayon ko nga lang nalalaman ang mga ito para akong stranger sa sarili kong bahay. Biglang nagflash yung picture ni kuya. Stolen siya. Yun yung laging picture na pinapalabas sa TV. Naging viral nga picture ni kuya ang caption 'Paano nawawala ang ganito ka-gwapo na nilalang sa balat ng Pilipinas'. Charot, ang lalandi.
[Hanggang ngayon hindi pa rin alam ng mga imbestigador kung nasaan ang kanilang anak na si, VJ Villanueva na ipapakasal kay Elizabeth Le-]
Pinatay ko na yung TV pare-parehas nalang yung lumalabas na balita lagi nalang mula sa problema ng kompanya namin nalilipat sa kasalan na yun.
"Maika, siguro mas mabuting wag ka muna manood ng TV" sabi ni manang sa akin.
"Ilang araw nang hindi bumabalik sina papa at mama sa bahay, kumakain ba sila dun?" Nag-aalala na kasi ako si kuya hindi macontact. Pati mga magulang ko hindi na rin macontact. Lagi nalang akong mag-isa dito sa bahay.
"Malalaki na sila kaya na nilang alagaan sarili nila. Kailangan lang nilang magtrabaho para panatiliin ang kompanya"
Napabuntong hininga ako "Hindi ba nakikita ni kuya kung anong nangyayari? Nagkakagulo na tayo dito. Siguro wala siyang pake sa nangyayari dito" sabi ko.
Let's be honest, nung una suportado ako kay kuya pero talagang chaos na sa bahay. Namimiss ko na pamilya ko parang in-abandon na nila ako.
Bigla akong napahawak sa likod ng ulo ko binatukan kasi ako ni manang.
"Ang sakit naman nun, manang"
"Wag kang magsalita ng ganiyan tungkol sa kuya mo" suway niya.
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Bad Boy [On Going]
Teen FictionAng sabi nila mas gusto daw ng mga babae ang mga bad boy. Meet Maria Katherine Villanueva or 'Maika' for short, Ang babaeng wala nalang laman ang utak kungdi si Tristan Cortez ang Mr. Popular o Mr. Nice Guy ng Austin College High School. Hindi lang...