Falling for Mr. Bad Boy Chapter 18: My Decision

1.4K 51 4
                                    

---------

Multimedia:


Photo: Josh (Kang Minhyuk) Gif Haha comedy itsura niya

Youtube Video:  [M/V]INFINITE_Man In Love_(남자가 사랑할 때) 

----------

A/N: MEDYO MAHABA hahaha Sorry tagal kong hindi nag-UD. Nag-ala amazona ako sa probinsya halos maloka-loka ako ng isang linggong walang internet. Anyways! ENJOY SA PAGBASA! 

========

Maika's POV

 

"Students, how was your trip?" Tanong ni ma'm. 

 

'UGGGGH'


'NGGGH'


'EHHH'

 

Sagot naman ng classmates ko. Sabaw ako. Sabaw siya. Sabaw yung teacher. Sabaw kaming lahat. Ang saya-saya! Paanong hindi sasabaw eh hindi kami nanalo sa treasure hunting nakabalik kami natapos na yung campfire so ayun. Mga walanghiya nagcelebrate ba naman itong mga ito sa campfire habang may search party sa amin. Buhay nge nemen. 

"Wow such enthusiasm, Now that you're back in school you have to work harder since it's the second quarter" 

 

Bumalik nanaman yung ingay ng mga kaklase ko na parang mga kinakatay na baboy. Yung iba umiiling, yung iba halos mapaiyak na sa salitang 'work' palang. 

"Remember your IP topics?" 

Yung iba kong kaklase napa-head bang na sa mesa nila. PERO AKO NAPUNUAN AKO NG KASIYAHAN! YES! Hulog ng langit. Makakasama ko si Vince! Kaming dalawa lang. Mag-isa. Nako saan ba namin gagawin? Sa school, sa kwarto ko? SA KWARTO NIYA? HUWAHAHAHAHA EXCITED NA AKO BOOM BOOM POW! Leshe para akong manyak, IP lang naman gagawin namin. 

"You'll be working on it again by partners this time it will be a full blown IP with experimenting, Since Josh wasn't here at that time and we're odd numbered looks like we're going to have a group with three members, is there anyone who is willing to have a triad?" 

Pagkatapos ng trip hindi niya na ako pinapansin ni Vince. Nakakainis ang sarap bunutan ng buhok. Bipolar kasi. Ang sarap isigaw sa tenga niya 'ANG BIPOLAR MO KUYA NAKAKAINIS!' Tumingin ako sakanya. Sus, natutulog nanaman. . . 

Tinapunan ako ng bolang papel ni Kim kaya napatingin ako sakanya. Bullseye ba naman diretso sa mukha ko. Sinenyasan niya ako na buksan ko yung papel. 

 

'Isali mo si Josh sa inyo' - K 

Ayos siya noh. gusto ko kami lang ni Vince tsaka boyfriend niya yun eh. Umiiling ako sakanya tapos tinuro ko Vince tapos ako. Nag-pout naman si Kim. Sus, akala naman niya gagana yan sa akin. Biglang napangiti si Kim at kumikingang-kinang ung mga mata niya. 

Falling for Mr. Bad Boy [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon