Falling for Mr. Bad Boy Chapter 17: Camping pt. 3

1.4K 51 5
                                        

----------

Multimedia: 

Photo: Vince & Maika (Myungzy ) Gif 

Youtube Video: IU (feat. Jonghyun of SHINee) - Gloomy Clock [English Sub + Romanization + Hangul]

-----------

=======

Maika's POV 

[PAAAK] Sinampal ko sarili ko.

Maika nasiraan ka na talaga ng ulo mabuti nalang at tulungan mong maghanap ng carrot si Georgina. Lumingon ako sa likod ng may nakita akong rabbit meron siyang nginangatngat na carrot.

(๑☆‿ ☆#) AKIN KA NA NGAYON! BWUHAHAHAHAH. HINDI NA AKO MAG-AARAL PARA SA SUSUNOD NA EXAM! 

Naglakad ako ng tahimik palapit sakanya pero bigla itong tumakbo palayo sa akin kasama nung carrot. NOOOO! Tss, hindi naman ako lalayo kukunin ko lang yung carrot. Hinabol ko na yung rabbit, hinihingal na nga ako eh parang nagpapahabol talaga. ANO BA TALAGA? Hindi ba siya napapagod? 

Takbo ako ng takbo hindi ko namalayan kung nasaan na ako at wala na yung hinahabol kong rabbit. Yung lugar kung nasaan ako maraming flowers at puno na nakapalibot sa maliit na bahay sa gitna. Ang ganda niya tignan pero medyo creepy, tumataas yung mga balahibo ko.  Para siyang bahay na tipong mababasa mo sa mga fairytales. Anong ginagawa nito sa gitna ng gubat? 

Napakamot ako ng ulo. Haluhh? nasaan na ako? Ano ba yan tama nga si Vince na ako yung mawawala sa amin. Sabi na nga bang maniwala kay spiderman eh. AIsst, siguro matutulungan ako nung sinuman na nakatira sa bahay. 

[Tok Tok Tok]  

"Tao po" Sigaw ko. Sumilip ako sa window, Ang dilim eh wala akong makita. Mukhang walang tao. 

Pagka-atras ko sa bintana may nakita ko sa reflection na may tao sa likod ko. 

"Yo" bati niya sa akin. 

- =͟͟͞͞ ( ꒪౪꒪)ฅ✧

Napahawak ako sa dibdib ko. "Muntikan mo nang magulat ang buhay ko palabas ng katawan ko"

(〜 ̄▽ ̄)〜 Sino pa ba ang kilala niyong mahilig mag-yo? Talaguh lang author sigurado ba kayong hindi niyo ako papatayin sa gulat dahil sa lalaking ito? 

"YA! PAANO MO AKO NASUNDAN?"

"oh? paano nga ba?" nag-cross arms siya. Patay sesermonan na ako.

"Sinundan ko lang ang babaeng mukhang clown face. Teka, ano nga ba pangalan mo?"

"Ma-maika" Shunga ko sinagot ko pa eh halatang alam niya pangalan ko.

"Ibig sabihin HINDI ka si alice at WALA ka sa Alice in the Wonderland, mag-isip ka. Just because you saw a goddamn rabbit, HINDI IBIG SABIHIN NA SUSUNDAN MO"

Linapit niya yung mukha niya at tinuro yung noo ko "Kinakalawang na yan kasi hindi mo ginagamit" 

"Gusto ko lang naman manalo ng treasure hunt eh tsaka. . ." 

"GRABE KA KUNG IPAG MUKHA MO NAMAN SA AKIN ilang beses na akong nasabihan ng bobo sa isang araw eh halos 99.99% na yun nanggaling sayo. . . DAIG MO PA ANG SAFEGUARD" 

Yinapusan ko yung pinakamalapit na puno "Mabuti nalang itong puno na ito hindi nakakapagsalita" 

Binatukan niya ako, ang sakit naman nun. 

Falling for Mr. Bad Boy [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon