Falling for Mr. Bad Boy Chapter 16: Camping pt. 2

1.5K 50 3
                                    

-------------

Multimedia: 

Photo: Georgina [Park Ji Yeon] Gif <- pretty 

Youtube Video: EXO_으르렁 (Growl)_Music Video (Korean ver.)

-------------

A/N: NATAPOS KO NA RIN ANG CAMPING CHAPTERS, talagang naipush ko to the limit. Thank you sa mga support! Humanda kayo ipapakilig ko kayo hanggang maihi kayo [kadiri ka naman author] haha joke lang. PEACE! 

========

Maika's POV 

"Namiss ko na bes ko, bakit kasi kailangan ikaw pa katabi ko?" Hagulgol ko doon sa corner ng tent namin. 

o(╥﹏╥)o

"Hello? what about what I feel" sabi ni Georgina ng naiinis. 

Tama nga! si Georgina ang "TENT"mate ko, sa kabilang bundok pa kasi si bes baka macrowded na kami sa camp site dito sa dami ng students kaya linipat sila dun. WALA NAMAN KAMING CHOICE KUNGDI ITONG ENGLISHERA ANG TENTMATE KO nakakainis lang. 

"Feeling ko manonosebleed ako sa pagtulog" 

"puwede rin naman akong magtagalog eh" 

"YUN NAMAN PALA EH!" hindi sa hindi ako marunong mag-english eh shunga lang nasa Pilipinas na nga pati nasa bundok pa nag-eenglish pa. Sino kakausapin niya? yung mga puno? yung mga hayop? 

Umirap siya tsaka tinakpan tenga niya "Ako naman feeling ko dudugo tenga ko sa lakas ng voice mo" 

"Charot the feeling is mutual, ede equal lang tayong duguan!" 

"OMG MY EARS" 

"OMG MY NOSE" tinakpan ko ilong ko, nakigaya lang. 

"OMG MY EARS"

"OMG MY NOOOTE" 

Napatigil ako biglang namatay lahat ng ilaw sa labas ng tent namin, takot ako sa dilim huhu. Pati si Georgina napatingin na rin sa labas. 

Hinawakan niya yung kamay ko ng mahigpit "Ma-maika, ano yun?" tinuro niya yung shadow na gumagalaw sa harap ng tent namin.

May mga apak kaming naririnig at ingay. 

Onti-onting pabukas yung zipper ng tent namin at napa-yapos na kami ni Georgina sa isa't-isa. Parehas na kaming nangingilig sa takot. 

"WAG PO SA AWA NG DIYOS!" sigaw ko.

(*´°̥̥̥̥̥̥̥̥﹏°̥̥̥̥̥̥̥̥ )人(´°̥̥̥̥̥̥̥̥ω°̥̥̥̥̥̥̥̥`)

Nakabukas na tent namin, biglang naka-pasok ang malamig na hangin sa loob. Papasok na yung shadow sa tent. Hinding-hindi ko inaakala na ang huling oras ng buhay ko ay nasayang lang sa pag-aaway namin ni Georgina, ang babaeng todo ang galit sa akin. 

"AAAAAHHHHHH" sabay na kami napasigaw. 

Napapikit na ako. 

Hindi ko na mabuksan yung bibig ko. Dahil ba ito sa takot? Kinapa-kapa ko bibig ko. Eh?!

O baka naman sa TAPE?

Tumingin ako kay Georgina naka-tape na rin yung bibig niya parehas kaming nagtataka. 

Falling for Mr. Bad Boy [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon