---------
Multimedia
Photo: Vince x Maika [Myungzy] Gif
Youtube Video: 긱스 (Geeks) - Wash Away (Feat. 에일리) _ MV
---------
A/N: May bago akong short story, 'Confessions of a Playboy' SANA MABASA! \ ( ^ O ^ ) / pero coming soon palang. Chos! Excited si author.
======
Maika's POV
Pagkamulat ko ng mata ko, parang hindi ako makahinga.
Parang may nakasakal sa leeg ko.
Napa-ubo ako. Pagkahawak ko sa leeg ko parang may nakapalibot. Huh? Parang necklace.
Sira ulo naman yung nagsuot sa akin gusto ata ako patayin.
Tinignan ko yung pendant, bato siya. Hindi ko mapigilan na ngumiti, naalala ko kasi nakita namin ni Vince si TV na binebenta pieces ng mga shooting stars na necklace. Siya lang naman ang may alam na mahilig ako sa stars eh.
Hindi kaya totoo yung panaginip ko kagabi yung hinalikan ako ni Vince? Aiish, pabayaan na kinikilig ako eh, sheeeet. Libreng mangarap, laging tandaan.
======
Vince's POV
Narinig ko na may pababang dambuhala sa hagdan. Ang lakas ng yapak, parang hindi babae ang pababa. Tumatalon-talon pa si Maika papunta sa akin. Suot niya yung bigay ko sakanya.
Akala ko tatapon niya medyo slow yung utak niya baka akala niya rock lang.
Ang laki ng ngiti sa mukha niya "Vince ikaw ba nagbigay nito?"
Tumingin ako sakanya ng saglit lang.
"Oh"
"Thank You pooo" Huhug niya ako kaso pinigilan ko siya.
Mas linakihan pa niya yung ngiti niya.
"Kaya ka pala wala kahapon noh? ANO? ANO? tapos nagsusungit ka pa hahahaha" Aiish, ang kulit niya galaw siya ng galaw sinusubukan pa rin niya akong ihug.
Pinisil ko na yung cheeks niya, parang marshmallow lang yung cheeks niya sa lambot.
Pag kinagat ko kaya lasang marshmallow?
Mahilig ako sa marshmallow.
"Divvuh? Divuuuh? Divuuh?" Hindi rin makulit itong isang ito noh? Hindi niya ako maabutan kasi mas mahaba braso ko sakanya.
Tch, medyo cute siya.
Napailing ako sa inisip ko.
Tinulak ko siya ng mahina.
"Tss, nadaanan ko lang yan" palusot ko.
"Sus, bahala ka" Yung tono ng boses niya parang nang-aasar lang. Nakangiti pa rin siya habang hinihimas yung cheeks niya.
"Ako nalang nag magdidishwash, relax ka lang diyan ha?" Binuksan niya yung TV at dumiretso sa kitchen.
Hindi ako mapakale kaya sinundan ko siya sa kitchen.
Lumingon siya sa akin "Haha tulungan mo nga ako, hindi ko keribells"
Sabi ko na nga ba eh. Tumabi ako sakanya at pinunasan yung mga plates na nahugasan na niya.
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Bad Boy [On Going]
Genç KurguAng sabi nila mas gusto daw ng mga babae ang mga bad boy. Meet Maria Katherine Villanueva or 'Maika' for short, Ang babaeng wala nalang laman ang utak kungdi si Tristan Cortez ang Mr. Popular o Mr. Nice Guy ng Austin College High School. Hindi lang...
![Falling for Mr. Bad Boy [On Going]](https://img.wattpad.com/cover/7735026-64-k920522.jpg)