Chapter 1

145 7 2
                                    

Time Setting: 8 years old.

DANIEL’S POINT OF VIEW

“Mommy pwede po ba akong lumabas. Dyan lang po ako sa park. Magpapasama nalang po ako kay Yaya. Please?” Paalam ko kay Mommy.

“Sige Anak,  Mag  iingat ka ha. At wag kang magpapatuyo ng pawis. Umuwi kayo  kaagad.” Bilin naman sakin ni Mommy.

Lumakad na kami ni Yaya palabas ng bahay  habang hawak-hawak niya ako sa kamay at dumiretso na kami  sa playground ng park. At dahil wala naman akong kalaro, umupo nalang ako sa swing.

“Yaya, gusto ko po ng ice cream. Bili mo naman ako oh? Please. Please. Please. *Puppy dog eyes*

“Hay nako, Ikaw talaga bata ka, Sige na. Dito ka lang ha at wag kang aalis baka mawala ka, Sige ka.” Yaya.

“Opo.” Ako.

Habang naghihintay kay yaya, napabaling ang tingin ko sa malayo at naalala ang panaginip ko. Bigla nalang lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit.

At sa sobrang lalalim ng iniisip ko, Hindi ko napansing may kasama na  pala ako dito.

“Bata! Anong pangalan mo?” Sabi nung batang parang nasa tabi ko dito sa swing.

Hindi ako kumikibo. Sabi kasi sakin ni Mommy wag akong makikipag usap sa ibang taong di ko naman kakilala.

“Uyyyyy! Bata, Ano bang pangalan mo?” Pangungulit niya. Pero hindi parin ako sumasagot.

“Wag kang matakot hindi naman ako masama eh.”  Biglang nag bago yung tono ng pananalita niya. Parang bigla siyang nalungkot.

Bumaling ako ng tingin sa kanya at pakiramdam ko ay naka tingin parin siya sakin.

“Hayyyy! Sige na nga kakausapin ko na to. Mukhang hindi naman siya gagawa ng masama eh.” Bulong ko sa sarili ko.

“Dj, Dj ang pangalan ko.” Pag kasabi ko nun ay umiwas ako ng tingin.

“Ako naman si Ka.....” Hindi na niya natapos ang pagsasalita niya ng may tumawag sa kanya. Pambabae at mukhang medyo may edad na ang boses ng tumawag sa kanya, siguro ay Mommy niya yun.

“ANAKKK! HALIKA NA! AALIS NA TAYO!” Sigaw nung babaeng wari ko'y nasa likod namin, Mommy nya nga.

Bigla naman tumakbo yung batang babaeng kanina ay kausap ko lang.

Sakto namang dumating si Yaya dala dala yung ice cream ko. Yehey! Hahahaha.

Pagkatapos kong kainin yung ice cream ko ay umuwi na rin kami ni Yaya. Medyo magdidilim na rin daw kasi ih.

KATHRYN’S POINT OF VIEW

“Ako naman si Ka.....” Hindi ko na natapos yung sasabihin ko nang tawagin ako ni Mommy.

“ANAKKK! HALIKA NA! AALIS NA TAYO!” Mommy.

Agad na kong tumakbo kay Mommy. Hindi man lang ako nakapag pakilala dun sa batang lalaki.

“Oh anak, Sumakay ka na sa sasakyan at aalis na tayo.”  Mommy.

“Opo Mommy.” Sagot ko.

Nandito na ako ngayon sa van. Kasama ko sila Mommy Min at Daddy Teddy.  May pupuntahan daw kami kaya sumama nalang ako kesa naman nasa bahay lang ako.

Habang nasa biyahe kami, hindi mawala sa isip ko yung batang lalaking nakita ko sa park.

“Ano nga bang pangalan nun?” Bulong ko sa sarili ko.

“DJ! Tama DJ nga pangalan niya!” Napasigaw ako ng di ko namalayan.

“Oh Anak!? Sinong DJ ang sinasabi mo dyan?“ Tanong naman agad ni Mommy Min.

“Ahhhh... A.. ano po... “  Hayyyy. Ba’t ako nauutal? -.-

“Ano po, Bida po yun sa pinapanood kong cartoons.” Kahit nakakatawang pakinggan, yun nalang ang naisip kong idahilan sa kanila.

“Asusss! Baka naman boyfriend mo na yan anak ha!” Pangaasar ni Daddy Teddy.

“Ayieee! Dalaga na ang Baby Girl ko!” Hayyyy,  Dumagdag pa tong si Mommy.

“Mommy, Daddy!” Naiirita kong sagot sa kanila.

“Biro lang anak, Ang init naman ng ulo ng dalaga namin. Hahaha.” Daddy.

“Basta ipapakilala mo samin yang “DJ” na yan ha!” Pang aasar pa ulit ni Mommy.

“MOMMY!!!” Ako.

“Oo na anak, Biro lang.” Mommy. Sabay ngiti ng nakakaloko.

“Hayyyyy!”

Para hindi ko na marinig ang pang gagatong sakin nila Mommy’t Daddy, Isinuot ko nalang yung earphone ko at pumikit. Hanggang sa makarating kami sa pupuntahan namin.

Pag kababa namin ng Van, May sumalubong agad saming mga tao.

“Wow, Sosyal!” Bulong ko sa sarili ko. Ang ganda kasi talaga. Pang mayaman yung mga gamit. Ang gaganda ng chandelier at mga paintings, halatang mayaman nga ang may ari nito.

Pinaupo kami ni Mommy sa mahabang sofa, at doon nalang daw naming hihintayin si Daddy.

Pagkalipas ng mga halos isang oras na paghihintay ay sakto namang lumabas si Daddy kasama ang isang gwapong lalaki. May edad narin siya, siguro ka age lang din siya daddy.

“Min, This is Rommel Padilla, our new business partner.” Inoffer agad nung gwapong lalaki yung kamay niya kay Mommy.

“Nice meeting you Mr. Padilla.” Sagot ni Mommy  while shaking their hands.

“And this is my daughter, Kathryn.” Daddy.

“Hello po, Ang gwapo niyo naman po.” Sabi ko.

“Aba bata ka palang pero marunong ka nang pumili ha.” Pabirong Sagot sakin ni Tito Rommel.

“Hahahaha, Aba syempre anak ko yan ih.” Daddy.

Nagtawanan kami sandali at nagpaalam na rin kaming uumuwi nila Daddy at Mommy pagkatapos nun.

Halos gabing gabi na nang makarating kami sa bahay kaya pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ko sa kwarto ko.

Hihiga na sana ako sa kama ko nang bigla kong maalala yung batang lalaki kanina. 

"Bakit ba ayaw mong maalis sa isipan ko. Hayyyyy!" Bulong ko.

Nagtakip nalang ako ng unan sa mukha ko at pinilit na mapikit ang mga mata ko.

NO MATTER WHATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon