Chapter 2

110 5 3
                                    

KATHRYN’S POINT OF VIEW

Halos mag tatatlong araw na simula nung makita ko yung batang lalaki dito sa playground at halos tatlong  araw na rin akong  pabalik balik dito at naghihintay sa kanya.

“Babalik pa kaya yun?”

Nandito ulit ako ngayon sa Playground ng Park. Nagbabakasakaling nandito ulit yung batang lalaki. Gusto ko ulit siyang makausap.

Ewan ko ba, Pero simula nung nagkita kami hindi na siya nawala sa isip ko.  Siguro dahil siya ang first friend ko dito kung sakali. Wala din kasi akong nakakalaro at kakilala dito eh. Halos kakalipat lang namin dito last month.

Lumipas na ata ng halos isang oras pero hindi ko parin siya nakikita.

“Makauwi na nga lang.” Bulong ko.

Kagaya ng inaasahan ko hindi ko nanaman siya nakita.

“Hayyyy, Siguro bukas makikita ko na siya.”

Sa sobrang pagod ko, maaga akong nakatulog kaya pag gising ko kinabukasan ay halos wala pang araw. Halos tulog pa nga lahat ng tao pati sila Mommy.

Pinilit kong matulog ulit pero hindi ko na magawa. Pumasok nanaman kasi sa isip ko yung batang lalaki.

Sa kakatitig ko sa kisame habang nagiisip, hindi ko namalayang 7:00 na pala. Kaya bumaba na ako para kumain at maligo.

“Mommy, Pwede po bang pumunta ulit ako sa Park?” Pangungulit ko kay Mommy.

“Aba, Napapadalas ata ang pagpunta mo dun anak. Baka umitim ka niyan, Sige ka.” Ito talagang si Mommy nagbiro pa.

“Hahaha, Hindi naman po Mommy, Nakasilong naman po ako palagi ih.”

“Oh sige, Umuwi ka bago magtanghalian ha, uuwi raw ang Daddy mo. Sabay sabay na tayong kumain. Mag iingat ka.”

Hindi ko na pinatapos si Mommy at tumakbo na ko palabas.

“OPOOOO MOMMYYY” Sigaw ko habang tumatakbo papalabas.

“Sana naman ngayon magkita na ulit tayo.” Bulong ko sa sarili ko habang naglalakad papunta sa park.

DANIEL’S POINT OF VIEW

“Yaya, Pwede bang samahan mo uli ako sa Park? Ang tagal ko na rin po kasing di nakakabalik dun ih” Ako.

“Sandali at tatawagan ko ang Mommy mo para makapagpaalam tayo.” Yaya.

“Sige po.”

“Hello Maam, ...........”

“Sige, Basta ..............”

“Sige po Maam.”

Hindi ko masyadong marinig yung pag uusap nila, kaya hinintay ko nalang si Yaya ang mag sabi sakin.

“Ano Yaya, Pumayag po ba si Mommy?” Tanong ko.

“Oo, Basta daw hindi ka lalayo sa akin at baka mawala ka.”

“Sige po. Tara na”

Habang nandito kami sa playground ni Yaya, ineenjoy ko lang itong swing. Lagi rin kasi akong nandito pag lumalabas ako ng bahay.

“Yaya?”

“Yes, Sir?” Yaya.

“Yaya, DJ nalang po itawag mo sakin. Hindi ka narin naman naiba sakin ih.”

“Hayyyy nako, Kabait mo talagang bata ka. Oh sige ano yun?”

“Paki bili naman po ako ng pagkain. Hindi parin po kasi ako nagaalmusal eh.”

“Ah, Oo nga pala. Sandali at kukuha nalang ako sa bahay. Antayin mo lang ako dito ha. Wag kang aalis.”

“Yaya naman ih, Sa tingin mo ba makaka alis ako dito mag isa?” Biro ko sa kanya.

“Hahaha, Sige na. Antayin mo lang ako ha.” Yaya.

“Sige po”

Naka upo lang ako dito sa swing nang bigla akong may marinig na boses sa tabi ko.

“Hiiiii Dj”

“Hi, Pano mo ko nakilala?”

“Eh diba nagpakilala ka sakin dati. Ako yung batang nakasama mo dito 4 days ago. Ako nga pala si Kathryn Chandria Manuel Bernardo. 8 years old na ko” Hahaha, nakakatuwa naman. Nag explain talaga siya.

“Ang haba naman ng pangalan mo." Ako.

“Hahaha, Edi Chandria nalang itawag mo sakin.” Sagot niya.

“Ah sige, Hello Chandria. Parehas pala tayo. 8 years old narin ako eh.” Nakangiti kong bati sa kanya, Baka mamaya kasi isipin niyang suplado ako.

“Hahaha. Teka lang, Bakit hindi mo magawang tumingn sakin? Nahihiya ka ba o hindi mo ko nakikita, bulag ka ba? Hahaha.” Pabiro niyang sabi sakin.

“Oo.” Yan nalang ang nasagot ko.

“Huh? Anong “Oo”? Bulag ka  o Nahihiya ka lang?"

“OO, BULAG. Bulag ako.” 

NO MATTER WHATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon