Chapter 8

75 3 2
                                    

DANIEL’S POINT OF VIEW

Ang saya saya ko ngayon. Alam niyo kung bakit? Ngayon na kasi yung araw na pinakahihintay ko. Babalik na kami ni Mommy sa Pilipinas at ngayon, inaayos ko na tong gamit ko dito sa kwarto ng condo unit na tinutuluyan namin ni Mommy. Halos isang lingo na rin nga pala kami dito magmula nung makalabas ako ng ospital pagkatapos nung operasyon ko. Kaya naman sa dalawang linggong pamamalagi namin dito sa America ay sobrang miss na miss ko na yung bestfriend ko. Excited na kong makita ulit siya.

Kanta lang ako ng kanta dito sa kwarto habang nagaayos ng gamit ko, Pero teka, Sino yung maingay sa labas? Obviously si Mommy yun dahil kami lang naman ang nandito pero sino naman yung kasigawan niya?

Dahan dahan akong lumapit sa pinto para marinig ko lalo si Mommy at yung kausap niya. Nakakapagtaka naman kasing sigaw siya ng sigaw.

“HINDI KO INAKALANG MAGAGAWA MO SAKIN TO ROMMEL!”

“Si Daddy? Si Daddy ang kausap ni Mommy?” Bulong ko sa sarili ko.

Binuksan ko bahagya yung pinto para silipin si Mommy at nakita kong may kausap nga siya sa phone. Siguro nga si Daddy nga yung kausap niya. Pero bakit naman sila nag sisigawan?

“....................................”

“SORRY?! ANONG MAGAGAWA NG SORRY MO HA!”

“...................................”

“MAGSAMA KAYO! MAGSAMA KAYO MALANDI MONG KABET!”

Nabigla ako sa narinig ko. Kaya naman bago ko pa masara yung pinto ay natabig ko yung vase na nakapatong sa maliit na table malapit dito sa pinto. At dahil dun, napatingin dito sa gawi ko si Mommy at nakitang nakikinig ako sa usapan nila Daddy kanina pa.

Akala ko ay papagalitan niya ako pero bigla siyang naglakad ng mabilis papunta sakin habang umiiyak at bigla akong niyakap. Naramdaman ko yung lungkot ni Mommy. Ganto yung naging pakiramdam ko nung araw na nagpaalam  kay  Chandria nung huli naming pagkikita. Alam kong sobrang nasasaktan si Mommy.

“Dj, Anak......” Lungkot na lungkot yung boses ni Mommy. Ayokong nagkakaganto siya, gagawin ko lahat wag ko lang makitang ganto ang Mommy ko.

“Ano po yun Mommy?” Kalmado lang din yung boses ko. Ayoko nang ipakita kay Mommy na sobra din akong nasasaktan sa pinagdadaanan nila ni Daddy.

“Anak, pwede bang dumito na muna tayo?” Mommy. Yakap yakap niya parin ako habang nakaupo kami sa sahig.

“Po? Dito?” Hindi ko masyadong naintindihan yung sinabi ni Mommy. Double meaning kasi, pero sa pagkakarinig ko nun ay bigla akong kinabahan.

“Gusto ko muna sanang dito muna tayo sa America. Yung malayo sa daddy mo. Hindi pa kasi handa ang Mommy para makita ulit ang Daddy ih. Anak please? Para kay Mommy? At para na rin sayo. Ayokong maapektuhan ka pa ng gulong nangyayari samin ng Daddy mo ngayon.” Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Mommy.   

"Huh? Eh pano po yung flight natin mamaya? Tsaka ano po bang nagyari? May problema po ba?" Ewan ko, sobra akong naguguluhan sa sitwasyon. May pangako ako kay Chandria na babalik ako, Pero pano naman ngayon? Pano ngayong kailangan ako ni Mommy?

"Anak, Wala na kami ng Daddy mo. Alam kong bata ka pa para bagay na to, pero sa tamang panahon ay maiintindihan mo din." Sabi ni Mommy habang umiiyak parin.

“Siii.... Sige po Mommy.” Hindi pa man buo ang desisyon ko ay sinagot ko na ang tanong ni Mommy. Mahal ko si Chandria at mahal ko din si Mommy. Naguguluhan ako, pero tingin ko mas kailangan ako ng Mommy ko ngayon. 

“Salamat ‘anak. Salamat.” Iyak ng iyak si Mommy. Sobra siyang nalulungkot. At maging ako ay nalulungkot para sa kanila ni Daddy. Alam kong mahal pa nila ang isat isa kaya sana maayos pa nila to at sa tamang panahon ay magkita muli kami ni Chandria.

NO MATTER WHATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon