KATHRYN’S POINT OF VIEW
Ang bagal ng takbo ng buhay ko simula nung umalis ang bestfriend ko. Palagi lang daw akong tulala o kaya naman nagsasalita magisa. Hindi ko alam pero ang hirap pala ng wala ang Bestfriend ko. Sana bumalik na siya. Gustong gusto ko na siyang makita at makasama.
“Please Bestfriend, Bumalik ka na. Kahit bulag ka pa rin, Ok lang. Aalagaan nalang ulit kita. Please? Miss na miss na kita ih.” Bulong ko sa sarili ko. Para nanaman akong tanga ditong kausap ang sarili ko. Pero nagulat nalang ako ng may magsalita sa tabi kong swing.
“Hi. Sinong kausap mo?”
Teka, Pamilyar tong boses na to ah. Si Dj ba to?
“DJ? BESPREN!” Napasigaw ako ng makita ko ang mukha niya. Siya nga ang best friend ko.
“Hahaha, Hindi mo naman ako namiss no?” Sabi niya. Yakap yakap ko kasi siya ngayon ng mahigpit na mahigpit.
“Ha? Hindi ah.” Pagpapanggap ko. Bumitaw ako ng yakap ko sa kanya at pinagpagan ang damit ko.
“Ah, Sige aalis nalang ulit ako.” Tumalikod siya at naglakad na papalayo mula sa swing na kinauupuan ko. Nagtampo ata sa sinabi ko.
“Uyyyy. Joke lang. Di ka naman mabiro oh!” Sigaw ko. Medyo nakakalayo na rin kasi siya mula dito.
Hindi man lang siya lumingon pabalik kaya hinabol ko na siya pero bigla nalang siyang nawala. Bigla nanaman akong kinabahan.
“Dj! Bespren? Asan ka!” Sigaw ko. Kinakabahan ako, baka iwan nanaman niya ako.
“Dj! Lumabas ka na oh? Hindi ka na nakakatuwa!” Ako. Medyo naiiyak na ko. Pakiramdam ko ay may masamang mangyayari.
“Iiyak na talaga ako pag di ka pa lumabas!” Pananakot ko sa kanya pero hanggang ngayon ay hindi ko parin nakikita ni anino niya.
