KATHRYN’S POINT OF VIEW
Limang araw na ang nakakalipas mula ng makaalis sila Dj dito sa Pilipinas, Pero pakiramdam ko isang taon na agad. Ang bagal ng takbo ng oras pag hindi ko siya kasama. Siguro dahil nasanay akong lagi siyang kasama. Namimiss ko na ang Bestfriend ko, sana bumalik na siya dito.
“Oh anak, Nakakalunod naman yan?” Nakakagulat naman. Si Mommy pala. Bigla kasi siyang sumilip sa pinto ko.
“Huh? Ng alin po?” Hindi ko maintindihan si Mommy. Kanina pa ba siya dyan?
“Ang lalim nanaman kasi ng iniisip mo. May problema ka ba anak?” Tumabi sakin si Mommy dito sa kama ko.
“Ah. Wala naman po Mommy. May iniisip lang po” Sagot ko kay Mommy.
“Alam mo anak, ang sugat pag hindi mo ginamot, mas lalong lalala. Kaya kung ano man yan, andito lang ako, makikinig ako. ” Ngayon lang ulit naging ganto sakin si Mommy simula nung nagkaproblema sila ni Daddy.
“Mommy kasi....” Ayoko na sanang sabihin pa to kay Mommy para hindi na makadagdag pa sa problema nila ni Daddy pero kung ito yung paraan para naman mabawasan yung lungkot na nararamdaman ko, sasabihin ko nalang.
“Ano yun anak? Sige sabihin mo lang.” Habang sinasabi yun ni Mommy ay Isinandal niya ako sa balikat niya para mas maging comfortable ako.
“Natatandaan niyo pa po ba nung araw na umalis tayo para samahan si Daddy sa Business Partner niya?” Panimula ko.
“Oo naman anak.” Nakita kong napakagat ng labi si Mommy. Hindi ko alam kung bakit pero pinagpatuloy ko nalang yung kwento ko.
“Natatandaan niyo pa rin po ba nung napasigaw ako sa van habang nasa biyahe tayo papunta dun tapos inasar niyo ko ni Daddy?” Ako.
“Oo. Bakit mo naman natatanong anak?” Mommy.
“Ano po kasi ih....Yung pangalan po kasi na isinigaw ko nung araw na yun, hindi po talaga siya cartoon character kagaya ng sinabi ko.” Ako.
“Eh ano siya?” Mommy.
“Bulag po. Pero kahit bulag siya, naging kaibigan ko po siya at hindi lang po basta kaibigan, naging bestfriend ko pa po siya. Halos isang taon na po simula nung magkakilala kami sa park at simula po nun, lagi niya na akong kasama. Bulag man siya, kuntento na akong siya lang ang kaibigan ko. Masaya ako pag kasama ko siya hanggang sa dumating yung araw na nagpaalam siya saking aalis. Pupunta daw po sila ng America para ipaopera yung mata niya.” Ako.
“ Oh, Diba nga dapat matuwa ka kasi makakakita na ang bestfriend mo?” Tanong naman ni Mommy.
“Oo nga po, Pero pano po kung hindi na siya bumalik at makalimutan na niya ako.” Ako.
“Alam mo anak nung bata ako, may bestfriend din ako katulad mo. Pero kagaya ng sitwasyon mo kinailangan niya ring iwan ako at umalis. Lumipas yung mahabang panahon na hindi siya bumabalik. Pero hindi ako sumukong maghintay. Hanggang one day, pinagtagpo ulit kami. At hanggang ngayon, hindi pa rin kami naghihiwalay. Kaya sana kagaya ni Mommy, matuto ka lang maghintay. Kung hindi man siya bumalik ngayon, darating at darating ang araw na pagtatagpuin ulit kayo.” Mommy.
Napaisip ako ng malalim sa sinabi ni Mommy. Siguro nga tamang maghintay nalang ako hanggang sa bumalik na ulit siya. Sabi nga niya, “Limipas man ang mahabang panahon, ako parin daw ang BEST bestfriend niya.” At isa pa sinabi niya rin saking babalik siya kaya maghihintay na nga nalang ako.
DANIEL’S POINT OF VIEW
“Anak, Gising na.” Nagising ako sa pagkakayugyog na yon ni Mommy.
Pero teka lang, akala ko ba tapos na ang operasyon pero bakit itim parin ang nakikita ko.
“Ah, Mommy? Tapos na po ba ang operasyon ko?” Ako.
“Oo anak. Kanina pang umaga isinagawa ang operasyon mo at hinihintay nalang natin si Doc. para tanggalin ang bondage dyan sa mukha mo.” Mommy
Kaya pala wala pa akong makita ay dahil sa benda dito sa mukha ko.
Ilang sandali lang ay dumating narin si Doc.
“Ah Dj, Anak? Andyan na si daw Doc. Tatanggalin na nila ang benda dyan sa mukha mo. Relax ka lang ha.” Sabi ni Mommy habang hawak ang kamay ko para iparamdam na nasa tabi ko siya.
“Opo, Mommy.” Sagot ko.
Habang kasalukuyang tinatanggal ang benda sa mukha ko, pahigpit ng pahigpit ang hawak ko sa kamay ni Mommy.
“Now, open your eyes.” Doc.
Dahan dahan kong iminulat ang mata ko. Ang liwanag. Naninibago akong nakakakita na ako ngayon.
“Ma, Nakakakita na ko!” Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya napasigaw na ko. Tuwang tuwa akong bumalik na ang paningin ko after 2 years.
Nakita kong napaiyak si Mommy. Masaya din siya para sakin. Naisip ko nanaman tuloy ang Bestfriend ko, Siguro kung andito siya magiging masaya din siya katulad ko.
“Mommy, Pwede na po ba tayong bumalik ng Pilipinas bukas?”Ako. Excited na kasi akong makita ang bestfriend ko ih.
“Hahaha, Hindi naman ganun kadali yun anak pero wag kang mag alala, as soon as possible ay magpapabook na ko flight para makabalik na tayo ng Pilipinas.” Mommy.
“Sige po Mommy.” Ako.