DANIEL’S POING OF VIEW
Hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung nangyari kahapon. Multo nga kaya siya?
Andito nga pala ako ngayon pa park kung saan kami unang nagkita ni Chandria. Hindi ko kasama ngayon si Yaya dahil may pinagagawa pa daw sa kanya si Mommy kaya hinatid niya nalang ako dito. Tawagan ko nalang daw siya through phone kung uuwi na ko para masundo niya raw ako. At kung nagtataka kayo kung pinayagan ba ako ni Mommy, Well, hindi niya to alam. Alam ko naman kasing kung mag papaalam pa ko ay hindi niya ko papayagan kaya sinabi ko nalang din kay Yaya na alam to ni Mommy para pumayag na rin siya. Masydo din kasing loyal yun kay Mommy ih, simula pa kasi nung pinanganak ako siya na daw ang Yaya namin, naging alaga pa nga daw niya si Mommy nung dalaga pa siya eh.
“Pssst!” Sino naman kaya to?
Hindi na ko kumibo. Malay ko ba kung sino ang sinisitsitan niyan.
“Uyyyy, DJ!” Teka, Parang boses yun ni Chandria ah.
Dahil sa pananabik kong nakita si Chandria ay lumingon ako kung saan nang galing ang boses na narinig ko.
“Hiiii!” Chandria.
Binalik ko ang pagkakalingon ko mula kay Chandria.
“Galit ako sa kanya.” Bulong ko sa sarili. Iniwan niya nanaman kasi ako sa ikalawang pagkakataon.
Naramdaman kong umupo na siya sa katabi kong swing.
“Uyyyy. Galit ka ba sakin?” Siya.
Hindi lang ako kumikibo at nagkukunwaring walang naririnig. Galit nga kasi ako sa kanya ih.
“Hmmmm. Dj....” Chandria.
Hindi pa rin ako kumikibo. Hinihintay ko lang yung mga sunod pa nyang sasabihin.
“Alam ko na kung bakit ka galit sakin. Sorry na Oh?” Siya
“Oo.” Sabi ko ng wala man lang kaemoemosyon.
“Dj naman ih. Diba sabi mo Bestfriend na tayo? Sorry na.” Chandria.
Mukhang sincere naman siya sa mga sinasabi niya kaya nag salita na ko.
“Eh bakit ba kasi lagi mo nalang ako iniiwan mag isa?” Medyo pagalit yung boses ko habang sinasabi yan. Totoo naman kasi ih. Pangalawang beses na niyang ginawa sakin yun.
“.......................................” Siya.
“Oh, Bakit hindi ka makasagot?”
Pagkatapos kong sabihin yun, narinig ko siyang humikbi. Umiiyak ba siya?
“Sorry......” Chandria.
Hala! Umiiyak nga siya. Anong gagawin ko?
Sa taranta ko, kinuha ko nalang yung panyo sa bulsa ko at inabot ko sa kanya.
“Oh....” Sabi ko sabay abot sakanya ng panyo ko.
Pinilit kong pakalmahin yung sarili ko para makapag isip ng sasabihin ko. Umiiyak parin kasi siya hanggang ngayon.
“Chandria... Sorry kung napagtaasan kita ng boses. Sige bati na tayo, wag ka nang umiyak. Nagtampo lang naman ako sayo kasi lagi mo nalang akong iniiwan. Una, nung una tayong nagkita tapos yung kahapon.” Ako.
“Sige na tumahan ka na. Hindi naman ako galit sayo ih. Bati na tayo.”
Hindi parin siya nagsasalita. Iniwan nanaman ba niya ako?
“Oh, Iniwan mo nanaman ata ako.” Biglang nalungot yung boses ko. Tumayo na ako at akmang lalakad. Mukhang wala na naman siya.
Nagulat nalang ako ng biglang may yumakap mula sa likod ko.
“Sorry Dj, Hindi na kita iiwan. Promise ko sayo yan. Bestfriends tayo diba?” Umiiyak padin siya habang sinasabi nya yan.
Bigla akong nakaramdam ng butterfly sa tyan ko. Ano kaya tong nararamdaman ko? Pakiramdam ko pulang pula na ko.
"Ahhmmm.. Chandria? Hindi ako makahinga ih. Sige na bati na tayo.” Nagpalusot nalang ako para tanggalin niya yung pagkakayakap niya sakin.
Humarap ako sa kanya at para mas maramdaman niyang hindi ako galit sa kanya.
“Promise mo yan ha. Hindi mo na ko iiwan?”Ako.
“Oo naman. Promise na Promise! Bestfriend kita eh.” Chandria.
At doon na nagsimula ang lahat. Sobra kaming naging close sa isa’t isa. Mas lalo kong naramdamang hindi ako nag iisa. Halos siya na nga ang naging mata ko sa loob ng halos isang taon naming pagkakaibigan. Bulag man ako, hindi ko naramdaman ang dilim ng buhay dahil siya ang naging liwanag ko.
Ang swerte ko sakanya, Hindi niya ko pinabayaan. Tinupad niya ang promise niyang hindi na niya ako ulit iiwan, Lagi lang siyang nasa tabi ko san man ako pumunta maliban nalang kung maliligo ako, baka kasi kung anong isipin niyo eh. Hahaha. Pero seryoso. Hindi niya ako iniwan. Kung nasan ako andun din siya at ang mga bagay na dapat ako ang gumagawa bilang lalaki sa isang babaeng katulad niya, siya na ang gumamagawa sakin.
Ang dating buhay ko na walang kulay ay binigyan niya ng buhay. Siguro lahat na ng tao ay hihilinging magkaroon ng kaibigang katulad niya. Kaya malaki ang pasasalamat ko sa Panginoon na sakin niya ibinigay si Chandria.
Akala ko parehas lang siya ng ibang taong material na bagay lang ang habol sa isang katulad ko. Pero nagkamali ako. Dahil ngayon alam kong iba siya. Ibang iba sa lahat.