Chapter 11

99 5 1
                                    

KATHRYN’S POINT OF VIEW      

“Happy 8th Anniversary Bestfriend!” Sabi ko habang nakaupo dito ngayon sa swing at nakatanaw sa puno kung saan namin inukit yung mga pangalan namin seven years ago.

“Hay buhay! Parang life. Tignan mo oh, Inuugat na ko kahihintay sayo dito hindi mo parin ako binabalikan.” Para akong sira ditong kinakausap yung necklace na bigay niya sakin the last time na magkita kami.

“Alam mo kung hindi lang kita mahal as bestfriend, hindi ako magpapakahirap  hintayin ka ng pitong taon no.”Ako.

Medyo tumagal din ng ilang minuto ang katahimikan matapos kong sabihin yun, Pero nagsalita ulit ako.

“Ah! Nga pala, Malapit na kong magdebut. Next year na, kaya dapat bumalik ka na para naman maisama kita sa 18 roses ko. Please! Hahahaha” Natawa nalang ako sa sarili ko. Lagi nalang akong ganto, para akong hindi 17 years old sa inaasta ko. Oo, 17 years old na ko at 7 years na rin akong naghihintay sa mokong na yun. Muntik na nga akong mamatay at lahat-lahat, Aba’t hanggang ngayon di pa rin ako binabalikan. Ilang mata kaya ang pinaopera nun? Hahahaha.

Tinanaw ko nalang ulit yung punong pinag-ukitan namin ng pangalan  namin dati habang mahina kong inuugoy ang swing na kinauupuan ko ngayon. Nagsisimula nanaman akong mag daydream na balang araw ay babalik ulit siya pero hindi pa nagtatagal ay nagising ako sa realidad ng bigla kong naramdamang may malakas na humihip ng tenga ko.              

“AY KUKO NG  KABAYONG MAY NAIL ART!” Napasigaw ako sa pagkakagulat ko at muntik pa kong bumaliktad sa kinauupuan kong swing ngayon.

“HAHAHAHA! ANONG “AY KUKO NG  KABAYONG MAY NAIL ART” PINAGSASASABI MO DYAN? HAHAHA.”

“WALA! BWISIT KA TALAGA BARRETTO! NAKITA MONG NAGMOMOMMENT AKO DITO IH, TAPOS GINUGULAT MO KO!” Ako. Nakakainis kasi, Muntik na nga akong malaglag sa swing dahil sa kanya tapos tinatawanan pa ko.

“HAHAHA, Relax girl. Sorry na. Wag ka na mainis, Ok? Na carried away lang ako ng “AY KUKO NG  KABAYONG MAY NAIL ART!” mo. HAHAHA” Sabi niya with matching pang gagaya sa reaksyon ko kanina nung ginulat niya ko.

“Nag so-sorry ka ba o nang aasar?” Sabi ko sabay irap sa kanya.

“Uy! Bernardo, Joke lang. Peace na tayo pleaseeeeee?” Siya sabay peace sign sakin ng matinding matindi, With matching ngiting hanggang tenga.

“Che!” Sabi ko sabay tayo at lakad papalayo, pero hindi pa man ako nakakarami ng hakbang ay bigla nang may nag cling sa braso ko and obviously, Si Julia to.

“Sorry na Bes. Joke lang naman yun ih, Promise ko sayo hindi na ko tatawa pag sinabi mong “AY KUKO NG  KABAYONG MAY NAIL ART!”. PROMISE!“ Halatang nagpipigil ng tawa tong si Julia kaya iirapan ko ulit sana siya pero ng magtama ang mga mata namin ay...

“HAHAHAHAHAHAHAHAHA” Natawa  nalang din ako kaya naman hindi na niya pinigilan pa ang kanyang sarili at  humalakhak nalang kami at naglakad palayo sa park.

Nakakainis, hindi ko siya matiis na hindi pansinin. Hahahaha.

DANIEL’S POINT OF VIEW

“Hi Sir Daniel, Welcome back to Philippines.”

Kung sino man tong matandang to, hindi ko na siya pinansin at pumasok nalang ako sa kotse sabay suot ng earphones sa tenga ko. At dahil hindi naman traffic ay mabilis kaming nakarating sa bahay. Lumabas agad ako ng kotse at naglakad papalapit sa bahay namin at pumasok dito. Bahala na silang magpasok ng gamit ko. Sinuswelduhan sila ng malaki para pagsilbihan kami kaya dapat lang yun.

“Welcome back My son!” Bungad sakin ni Dad habang binibigyan ako ng manly hug.

“Where’s my room?” Matigas kong sabi agad sa kanya. Matanda na ko at hindi na bagay pang maglambing ako sa Daddy ko. Kung hindi niya naranasang lambingin ng anak ay kasalanan niya na yun. Siya ang nagloko hindi kami ni Mommy.

“Di ka ba man lang magmamano muna o babati sa Daddy mo?” Sabi niya habang nakangiti parin sakin.

Kinuha ko ang kamay niya at napilitan akong magmano.

“Oh tapos na. Can you now tell me kung nasan yung room ko?” Alam kong medyo nagiging rude na ko as a son sa kanya pero higit naman sigurong rude ang panloloko sa Mommy ko diba?

Tinignan niya lang yung isang maid dito sa bahay at itinuro na nito sakin yung kwarto ko pero bago pa man ako tuluyang makaalis ay narinig kong may sinabi kay Daddy yung matandang babaeng sumundo sakin sa Airport.

“Sir Rommel, Ang laki na ho pala ng pinagbago ni sir DJ parang - - -hdjsahdshdkjhsdhjshdshks” Hindi ko na narinig pa yung mga sunod na sinabi niya dahil sinundan ko na yung isang maid namin dito sa bahay at tinuro ang kwarto ko.

Sinong DJ? Tssss. Wala akong pake! Nagdirediretso na ko sa kwarto ko at humiga na sa kama ko. Pagod ako sa byahe at isa pa wala ako sa mood makipag usap sa kahit sino man kaya nilock ko nalang  yung pintuan ng kwartong to at natulog habang nakasuot sa tenga ko yung earphones ko.

*RRRRRRRRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNGGGGGGGG*

“Shet naman oh! Ano bang ingay yun?!” Minulat ko yung mata ko at nakita kong yung alarm clock pala. “Tsssss. Parang kakahiga ko palang ah tapos umaga na agad? Badtrip!” Bulong ko.

Pinilit kong matulog ulit pero nawala na yung antok ko kaya bumaba nalang ako sa baba at nakita kong kumakain na si Daddy ng Breakfast.

“Good Morning, Kumain ka na oh.” Siya sabay lagay ng fried rice sa pinggan ko.

Hindi na ko nagsalita at umupo nalang ako’t kumain ng mga pagkaing nakalagay dito sa lamesa. Medyo gutom din kasi ako dahil hindi ko na nagawang kumain paguwi ko kagabi.

Kain lang ako ng kain hanggang sa biglang magsalita si Dad kaya nakuha niya yung atensyon ko.

“I already enrolled you to a university, Kailangan mo nalang pumili ng course na gusto mo. Ipapahatid nalang kita dun para maasikaso mo na then dumiretso ka na rin sa mall para bumili ng mga gagamitin mo.” Dad.

Tumango nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko. Pagkatapos nun ay naligo na ako at pumunta sa university na sinasabi niya.

NO MATTER WHATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon