CHAPTER 6
DANIEL’S POINT OF VIEW
Kagaya ng sabi ko, mabilis na lumilipas ang panahon kasama si Chandria. At ito na nga, Dumating na ang araw na pinaka ayaw ko. Ang araw ng pag alis ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa nasasabi kay Chandria na aalis ako. Kaya naman namomroblema ko. Sana naman hindi siya magalit.
“Yaya! Anong oras na po?” Sigaw ko kay Yaya para marinig niya mula dito sa kwarto ko.
“11:26 po Sir!” Sigaw naman ni Yaya mula sa labas ng kwarto.
“Sige po, Thank youuuu!” Sigaw ko ulit.
Since 3:30 pa naman kami aalis dito sa bahay, I still have almost 4 hours para masabi to kay Chandria. Sana lang talaga wag mangyari yung kinakatakot ko. Yung magalit siya sakin.
Inayos ko muna yung gamit ko para wala na kong problemahin mamaya pag alis then nagpasama ako kay Yaya bumili sa Mall ng necklace na ibibigay ko kay Chandria. And ngayon, papunta na kami ni Yaya sa Park para gawin yung plano ko.
“Yaya, Anong oras na?” Tanong ko nanaman kay Yaya.
“1:40 na po Sir.” Yaya.
“Ah sige po.” Sabi ko habang hawak ko yung necklace na ibibgay ko kay Chandria.
“Sige po Yaya, Dito na po muna ako.” Sabi ko kay Yaya. Hinatid niya na kasi ako dito sa Swing kung saan kami parating nagkikita ni Chandria.
“Oh sige sir, susunduin na muna namin ang Mommy niyo. Tatawagin ko nalang po kayo kung aalis na.” Yaya.
Tumango nalang ako. Kinakabahan kasi ako ngayon ih. Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari. Baka magalit siya o baka hindi na ko ang maging bestfriend niya. Hayyyy! Basta ang daming tumatakbo sa isip ko ngayon.
5 minutes.....
10 minutes....
20 minutes.....
Then eto na! Mukhang nandito na siya. Mas lalo tuloy akong kinabahan.
*AN: Paki play nalang yung Music Video sa gilid para mas dama niyo, Salamat! :)))
“Hi Bezpren! Wazzup?” Siya.
“Hahaha. Ayos lang.” Ako
“Aba, Pormadong pormado ah. San lakad natin? Hahahaha.” Siya.
Nakitawa nalang ako sa kanya.
“Hahaha, Dyan lang.” Sabi ko.
“Hahaha. Dyan lang? Saan dyan? Malapit lang ba? Sama naman ako oh?” Sabi niya. Habang mahina niyang inuugoy yung swing ko.
“Ahmmmm. Hindi kasi pwede ih.” Mahina kong sabi sa kanya habang unti unting humihina yung pag ugoy ng swing.
“Huh? Bakit naman? Malayo ba pupuntahan mo?” Sabi niya. Umupo na rin pala siya sa tabi kong swing.
“OO. Malayong malayo.” Ako.
“Ahhhhhhhhhh, Saan naman?” Parang nakikipag biruan lang siya sakin. Mas lalo tuloy akong nahihirapang sabihin sa kanya pero hindi pwede, kailangan ko nang sabihin sa kanya kasi anytime aalis na ko dito.
“Sa America.....” Napayuko nalang ako pagkasabi ko nun.
“America? Ang layoooo nga! Hahahaha.” Hanggang ngayon akala niya nakikipag biruan lang ako sa kanya. Pano ko ba to sasabihin sa kanya? Hayyyyy -.-
“Chandria.......” Bigla akong nalungkot nung sinabi ko yung pangalan niya. Siguro naman naramdaman niya yun sa boses ko.
“Oh? Bakit?” Iba narin yung tono ng boses niya. Mukhang seryoso na nga siya.
“Chandria... Ano kasi ih..... Ah... Ano ih.....” Kinakabahan talaga ako sa magiging reaksyon niya kapag sinabi ko na. Alam ko kasi kung gaano siya kaemotional pagdating sa mga gantong bagay.
“Oh ano yun? Bakit ka nauutal?” Halata ko sa boses niya na nagaalala siya.
“Ano kasi ih..... Pupunta kasi talaga kami ng America. Doon daw ako ipapagamot ni Mommy para makakita na ko. Nagkaroon na kasi ako ng Eye Donor kaya kailangan pa naming pumunta dun para sa operation.”
“Hahahaha,Ang galing talagang mag joke ng Bestfriend ko oh!” Kahit tumatawa siya, alam kong patulo na ang luha niya. Ramdam ko yun sa pag sasalita niya.
“Chandria..... Seryoso ako. Ayaw mo ba nun? Makakakita na ang Bestfriend mo?” Pinipilit kong palakasin yung loob niya pero hindi ko nagawa, Nag break down na siya. Iyak na siya ng iyak. Eto na nga ba ang ayaw ko ih.
“.................”
“Sorry... Sorry kung ngayon ko lang to sinabi sayo. Ayoko lang naman kasing maging malungkot yung mga natitirang araw na magkasama tayo bago ako umalis eh. Pero promise ko sayo, Ikaw parin ang bestfriend ko pagbalik ko dito.” Ako
“Promise?” Ramdam na ramdam kong lungkot na lungkot siya sa bawat hikbi niya. Para tuloy nadudurog yung puso ko. Ngayon ko lang kasi ulit siya narinig na umiiyak mula nung araw na naging bestfriend ko siya 1 year ago.
“Oo naman. PROMISE NA PROMISE!” Sabi ko sa kanya sabay taas ng dalawa kong kamay.
Bigla nalang tumulo yung luha ko nung niyakap niya ko habang nakaupo ako dito sa swing. Rinig na rinig ko ang pagiyak niya, sobra siyang nasasaktan. Tuloy tuloy na tumulo ang luha ko habang nakayakap siya. Hindi ko na kasi napigilan yung nararamdaman ko ngayon ih, pero pinunasan ko agad to para hindi na niya makita pa. Baka sakaling pag nakita niya kong hindi umiiyak ay lumakas yung loob niya.
“Wag ka mag alala, Babalik pa naman ako ih.” Sabi ko habang pinupunasan ko ang luha ko.
Hindi siya nagsasalita. Bumitiw siya ng yakap kaya tumayo ako mula sa pag kakaupo ko sa swing.
Naglakad ako sa likod niya habang kinukuha ang necklace na binili ko. Kanina ko pa pinapractice na isuot to ng walang tulong nino man, kaya sana magawa kong isuot to kay Chandria bago ako umalis.
“Mawala man ako ng mahabang panahon, Ikaw parin ang nag iisang BEST Bestfriend ko.” Sabi ko habang isinusuot sa kanya yung necklace. Iyak parin siya ng iyak. Ramdam na ramdam ko talaga kung gaano kabigat yung nararamdaman niya. Hindi man siya nag sasalita, halos rinig ko naman ang sigaw ng puso niya sa sakit na nararamdaman niya.
Nung masuot ko na yung necklace, niyakap ko siya mula sa likod.
“Mamimiss kita Bespren.” Ako.
“Mamimiss din kita *sniff* Babalik ka ha? *sniff* *sniff* ” Siya.
Hindi na ko nakapag salita pa dahil tinawag na ko ni Yaya. Sinabi niya rin kasi na hinihintay na daw ako ni Mommy habang nakatayo sa harap nung Van na sasakyan namin kaya bumitaw na ko sa pagkakayakap ko kay Chandria at naglakad na ko papalayo.
KATHRYN’S POINT OF VIEW
“Mamimiss kita Bespren.” Hindi ko mapigilang umiyak lalo na nung marinig kong sinabi niya to.
“Mamimiss din kita *sniff* Babalik ka ha? *sniff* *sniff*. ” Iyak lang ako ng iyak hanggang sa tawagin na siya ng Yaya niya. Nakita ko na rin ang Mommy niya na nakatayo sa may van kung saan siya sasakay. Dahil medyo blurry ang paningin ko dahil sa luha halos hindi ko na gaanong napagmasdan ang mukha nila. Sinundan ko nalang siya ng tingin hanggang sa maaka alis sila ng Mommy niya.
“Mamimiss *sniff* kita” Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa sasakyang sinasakyan nila hanggang sa hindi ko na to makita.