KATHRYN’S POINT OF VIEW
“Oh, Gising ka na pala.” Napabangon kasi ako mula dito sa kamang hinihigaan ko.
“Ahmm, sino ka? Tsaka nasaan ako?” Tanong ko. Hindi ko kasi matandaan ang mga huling pangyayari sakin. Masyadong naging mabilis ang lahat.
“Ah, Don't worry, andito tayo ngayon sa ospital. My Mom and I saw you na nakahiga sa kalsada and we thought that you’re dead kaya bumaba kami sa kotse para lapitan ka then we found out na buhay ka pa kaya dinala ka namin dito. Ahmm, Ako nga pala si Julia. Julia Barretto.“ Siya.
Oo nga tama, natatandaan ko na. Nawalan ako ng malay habang tumatakbo papunta sa bahay ng bestfriend ko. Pero teka, speaking of bestfriend, Nasan na kaya yun? Baka dumating siya ng wala ako dun. Kailangan ko na siyang puntahan ngayon. Baka kanina pa siya naghihintay.
“Ah, Ako naman si Kathryn. Pwede na ba akong lumabas dito ngayon? May pupuntahan pa kasi ako ih.” Ako.
“Hmmmmm. I don’t know yet. Antayin nalang natin sila Mommy para malaman natin kung ok ka na at pwede ka na bang lumabas.” Siya.
“Ahmmmmm, Kailangan ko na kasi talagang umalis ih. Baka hinihintay na ko ng bestfriend ko. Tsaka isa pa hinahanap na ko ng Mommy ko.”
“Dont worry. Tinawagan na ni Mommy ang Mommy mo. Hintayin nalang natin sila Ok?”
“Eh pano ang bestfriend ko? Kailan ko na siyang puntahan.” Ako.
“Sorry Kathryn pero bawal pa kasi talaga ih. Mapapagalitan lang tayo pag nagpumilit ka pa.” Paliwanag niya.
“.................................................” Hindi na ko sumagot pa sa kanya. Napayuko nalang ako at napaisip, Baka kanina pa ako hinihintay ng bestfriend ko.
“Ganun ba talaga kahalaga sayo ang bestfriend mo?” Napatingala ang ulo ko mula sa pagkakayuko kong yun sa sinabi niya. Napansin niya sigurong nalungkot ang mukha ko matapos niyang sabihing hindi pa ako pwedeng umalis dito para puntahan ang bestfriend ko.
“Oo naman, sobrang mahalaga sakin ang bestfriend ko no!” Sagot ko.
“Ang swerte naman sayo ng bestfriend mo.” Sabi niya sabay ngiti sakin, Pero bakit ganun? Parang may lungkot sa mga mata niya?
“Ha? Bakit naman?” Ako.
“ Cause you value him/her very much. Kitang kita ko sa mga mata mong nagaalala ka para sa kanya. Alam mo, siguro kung may bestfriend ako na katulad mo, I’ll be the happiest person.” Sabi niya.
“Bakit mo naman nasabi yan, wala ka bang kaibigan?” Ako.
“Meron. Pero hindi katulad mo na totoong kaibigan. Alam ko naman kasing they are just making friend of me because of my money. Pera lang at mga material na bagay ang habol nila sakin. Kaya nasasabi kong ang swerte ng bestfriend mo kasi nararamdaman kong totoo ka sa kanya. At pinapahalagahan mo siya bilang siya, hindi sa kung anong meron siya.“ Siya.
Natigilan ako sa sinabi niya. Ngayon alam ko na kung bakit may lungkot sa mga mata niya.
Mag sasalita na sana ako ng may marinig akong tumawag sa pangalan ko.
“Kathryn ‘anak!”
Napalingon ako sa may pintuan ng kwartong to at nakita ko si Mommy na agad namang lumapit sakin at binigyan ako ng mahigpit na yakap.