KATHRYN’S POINT OF VIEW
“Hahaha. Bakit hindi mo magawang tumingin sakin? Nahihiya ka ba o hindi mo ko nakikita, bulag ka ba? Hahaha.” Nakakatawa talaga to. Parang bulag lang, Ni ayaw man lang tumingin sakin.
“Oo.” Sagot niya.
“Huh? Anong “Oo”? Bulag ka o Nahihiya ka lang?” Ako.
“OO BULAG. Bulag ako.” Dj.
At sa sinabi niyang yun, hindi ko na nagawang magsalita.
Kaya pala tagusan kung tumingin siya sakin nung una kaming magkita dito sa park.
“Sorry....”
“Ayos lang yun.” Dj.
“...........”
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil hindi ko man lang magawang magsalita ngayon dahil sa sinabi niya. Halos tumagal din sa limang minuto ang katahimikan kaya nagsalita na rin siya.
“Uyyyyy, Andyan ka pa ba?” Siya.
“Ah, Oo naman.” Sa lalim ng iniisip ko, nawala na sa isip kong kasama ko pala siya.
“Ah, Kung iniisip mo yung kanina, Ayos lang yun. Halos mag iisang taon na rin naman akong bulag eh kaya sanay na ko.” Dj.
“Ah. Ganun ba?” Pagtatanong ko sa kanya.
Ngayon lang nag sink in sa utak ko na totoo pala. Bulag nga siya.
“Oo, Pero kahit bulag ako, Hindi ko naman naramdamang mag isa ako dahil kay Mommy at kay Yaya. Sila kasi ang lagi kong kasama san man ako pumunta.”
“Ah. Wala ka bang kaibigan dito?” Pag uusisa ko sa kanya.
“Wala. Madalang lang kasi kung lumabas ako ng bahay. Kadalasan nakakulong lang ako sa kwarto ko at natutulog o naglalaro ng audio games.”Dj
“Ah, Gusto mo simula ngayon Bestfriends na tayo?” Ako.
"Bestfriends?"
DANIEL’S POINT OF VIEW
“Ah, Gusto mo simula ngayon Bestfriends na tayo?” Chandria.
Nagulat nalang ako nung marinig ko to sa kanya.
“Bestfriends?” Ako.
“Oo, Bestfriends. Kaibigan. Ayaw mo ba?”
“Huh? Hindi, hindi. Gusto ko pero ayos lang ba sayo yun?” Ako
“Huh? Na ano?”Chandria.
“Na bulag ang “Bestfriend” mo?” Ako.
Hindi lang kasi talaga ako makapaniwalang may isang batang gustong maging kaibigan ang isang bulag na katulad ko.
“Oo naman. Anu ka ba, wala namang problema sakin yun ih. Tsaka ano naman kung bulag ka, parehas lang naman tayong tao ih, yun nga lang hindi ka nakakakita katulad namin.” Siya.
Mas lalo akong nagulat ng marinig ko ang sinabi niyang yun. Parang hindi isang 8 years old na bata ang kausap ko. Ang mature niya magisip ng mga bagay bagay. Ni hindi man lang siya nag alinlangang kaibiganin ako kahit nalaman niyang isa akong bulag. Sana lahat ng tao katulad niya.
“Ah. Salamat. SALAMAT TALAGA!” Hindi ko na napigilan yung sobrang saya ko kaya napasigaw na ko.
“Oh Sir? Sino kausap mo dyan at nagsisisigaw ka pa dyan.” Yaya. Andito na pala siya.
“Ah siya po.” Sabi ko habang turo turo ang katabi kong swing.
"Hahaha, Nako Sir Dj. Mukhang nagugutom na nga ata kayo. Wala namang tao dito kundi ikaw lang at ako eh. Oh heto, kumain ka na.”
“Pero Yaya....” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nag salita na agad si Yaya.
“Hahaha, Nako Sir. Kumain nalang ho kayo. Eto ho oh.” Yaya. Sabay abot sakin ng sandwich at ng isang boteng juice.
Hayyyy, Ano pa bang magagawa ko. Kumain nalang ako at pagkatapos nun ay nagyaya narin akong umuwi.
"Multo kaya talaga siya?" Bulong ko sa sarili.