LNP

3.6K 112 30
                                    

Meet the characters of LNP:


Charlotta "Purita" Katigbak  ang panget na lumalablayp. Mabait, palaban at mapagmahal na kaibigan. Sadista nga lang minsan. Swerte, ika nga ng karamihan. Aba'y akalain mo ba naman kasing pinag-aagawan siya nitong dalawang lalaking ubod ng gwapo? Pero ang tanong, sino ang pipiliin niya?


Alexander James Soler  ang ideal prince. Gwapo, mayaman, mabait at hottie. Almost perfect kaya maraming nagkakagusto. Isa sa dalawang lalaking mapapaibig ni Purita. Pero ano-ano nga ba ang gagawin niya para siya ang piliin nito?


Lance Kervin Buenaventura  ang irritating prince. Gwapo, mayaman, hottie, kaso nga lang, ubod ng sunget. At ano kaya ang mga gagawin niya to win Purita's heart? Pipiliin ba siya nito?


Eduardo Rafael "Rafa" Reyes Jr. ang beki bespren. Ang juding na bestfriend ni Purita. Siya rin ang laging kasama nito pagdating sa mga kalokohan. Pero ano nga ba talaga ang magiging papel ng baklang ito sa storing ito?


Samantha Louise "Sam" Soriano  ang hater ng panget. Hate na hate niya si Purita dahil sa tingin niya ay inagaw nito sa kanya ang dalawang lalaking importante sa buhay niya. Pero ano-anong mga pambubwesit naman kaya ang gagawin niya para masira si Purita sa lahat, lalo na kina James at Lance?


The other characters ay lalabas na lang sa ibang chapters.

A/N: Iniba ko ang ilan sa mga pangalan at surname ng iba. Kaya kung may mabasa kayong pangalan na hindi ko na-edit ng katulad ng mga nasa taas, kindly understand na lang. -Emjay

Lablayp ng PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon