Kabanata 14

1.1K 46 21
                                    

Kabanata 14
Akin Siya [Part 1]


Rafa's POV

"Girl, nakita mo ba yung guy kanina? My God! Ang gwapo n'ya diba?"

"Oo. New student yata dito. Ngayon ko lang nakita dito sa school eh."

"Baka transferee from other schools. OMG! Ang gwapo talaga. Ang hot pa. My goodness! Mahal ko na yata siya!"

"Ako rin! Kyaaaahh!"

Ay kalurkey! Ang haharot ng mga bruhang itey, ha? Gwapo lang, hot lang, mahal na agad? Diba pwedeng it depends kung gaano kahaba at kataba mayroon ang lalaking yun? Oops! As in, kung gaano kahaba ang pasensya at kung gaano kataba ang puso mayroon ang lalaking yun. Ganern! Wag kayong green.

Dahil sa naku-curious at maharot din ang lola niyo, lumapit ako sa dalawang bruhakels upang magkalap ng information about sa sinasabi nilang new student na wafu.

"Ehem! Excuse me. May I ask?" Pinasadahan ako ng tingin ng dalawa kaya tinodo ko ang smile ko. "Ahm... Tama ba ang dinig ko na may new student na wafu?" Imbes na sagutin ang tanong ko ay nihead-to-foot ako ng dalawang bruhilda saka pinagtaasan ako ng kilay. Ang tataray ng mga Inday, hindi naman sa kanila bagay.

"Yep, you're right. Why?" maarteng sagot ng babaeng halos pumutok na ang bunganga sa laki ng gilagid nito. Pilit akong ngumiti.

"Oh my gosh! Where ko ba siya makikita?"

"At bakit naman namin sasabihin sayo? Ha bakla?" taas kilay na usal ng isa pang babae na puno ng libag ang leeg.

Nangunot ang noo ko. Talagang sinusubukan ako ng mga ogre na 'to ha? Well, fine! They want war, I'll give them war. Lumapit ako sa kanila. Dahan-dahan kong hinaplos ang kanilang mga chakang buhok nang nakangisi.

"Kasi... kapag hindi niyo sinabi sa akin... MAS MALALA PA DITEY ANG GAGAWIN KO!" hiyaw ko sabay hila sa buhok nila.

"O-ouch!" himutok ng dalawang bruha. Lalo pa akong ngumisi.

"O ano? Sasabihin niyo ba? O KAKALBUHIN KO KAYO?" Pinandilatan ko sila ng mata na kanila namang ikinatakot.

"S-sabihin na namin," ani libag girl.

"N-nasa corridor siya," pag-aamin naman ni gilagid girl. Binitawan ko ang mga buhok nila at nagpunas ng kamay. Pinasadahan ko sila ng tingin saka ngumisi.

"Good. Sasabihin niyo naman pala, gusto niyo pang masaktan muna," usal ko bago ko sila iniwan doon na umuusok na sa galit.

Sa corridor...

5 mins... 10? 30 minutes? Halos isang oras na akong nandirito sa corridor at naghahanap sa sinasabi nilang bagong estudyanteng gwapo. Pero hanggang ngayon, HANGGANG NGAYON wala pa rin akong makita. Puro chakabells itong naglipana dito. Kaimbyerna! Siguro inuto lang ako ng mga gremlins na yun.

"OMG! Ang gwapo!" tili ng mga nagkukumpulang babae habang nakatingin... SA AKIN?! Halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat. Jusme! Girl na girl ang outfit ko today with matching make-ups and ribbons pa. Tapos... tapos tatawagin lang nila akong gwapo? Aba'y labag na sa batas yun!

"Huy bakla! Chupi ka nga diyan! Nasisira ang view!" sigaw ng girl na mukhang mas baklush pa kesa sa akin. Sinamaan ko ito ng tingin ngunit irap lang ang iginanti nito sa akin. Walang'ya! Tatalakan ko na sana ang babaeng yun nang magsigawan na naman sila.

"Oh my gosh! Oh my gosh! Ang gwapo! Sheyt! Ang hot pa. So yummy!" Lalo pang tumaas ang kanina pang nakataas na kilay ko. Mas lumala yata this time. Fuchsia. Ako? Yummy? I know right, pero hindi sa mga paningin nila, kundi sa paningin lang ng mga fafa. Hmp! Ano ba talaga ang mga problems solving nila? Ba-- Teka. Wait. Saglit. Sandali. Mukhang... mukhang nagegets ko na. Mukha lang naman. Hihi. Baka... baka yung hinahanap ko na new student na wafu at ang tinitilian ng mga stupident ditey ay ang sinasabi nung babaeng mukhang baklush na view kuno... which is nasa likod ko? OMG! Oh my God! Oh my gulay! Oh my gosh! Naeexcite akong lumingon. Hihi. Okay, all right, I composed myself. Hingang malalim and... I looked back.

LAGLAG ANG PANGA. Ayan ako pagkaharap na pagkaharap ko sa likod. Sheyt na malagkit! Ito na ba yung sinasabi nilang new student na guwapo? Anak ng-- ang guwapo nga! Fuchsia! Sa akin ba siya nakatingin? Naiihi aketch. Putrages! Ba't ganyan makatingin ang hunk na 'yan? Don't tell me na-love at first sight siya sa taglay kong natural na kagandahan? OMG! Wish ko lang, wish ko lang. Please!

Dinig na dinig ko ang naghuhuramentado kong puso nang ngumiti yung lalaki. Packing tape! Halos mangisay ako sa mga ngiti at titig niya. Unti-unti siyang lumapit. Oh my! What to do? What to do? Agaran kong kinuha ang make up kit sa nagtataray kong shoulder bag at agad na nagretouch. Abalang abala ako sa pagreretouch na hindi ko na namalayang nasa harapan ko na siya.

"You don't need to put make ups. You're beautiful without them," anito habang nakatingin mismo direkta sa mga mata ko. Ramdam ko ang pamumula ng rosy cheeks ko. Ngumisi siya na mas lalong nagpalaglag sa super laglag nang panga ko.

Ang guwapo! Sheyt. Yung super puti niyang mga ngipin. Yung mapupungay niyang mga mata. Yung perfectly pointed niyang ilong. Yung super lalim niyang dimples sa magkabilang sides ng makinis niyang pisngi. Yung umaalon at super yummy niyang adams apple. Yung nang-aakit niyang mapupula't maninipis na labi. Yung super masculine niyang katawan. Yung bakat sa pagitan ng mga hita niya. Napapalunok na lang ako. Lahat na ng hinahanap ko sa isang lalaki ay nasa kanya na.

"Ah eh... shelemet," demure na usal ko at walang pakundangang itinapon ang make up kit. Isang nakakabaliw na ngiti muli ang pinakawalan niya.

At mula sa kinatatayuan ko, dinig ko ang mga bulung bulungan ng mga tao sa paligid. Kesyo nilalandi ko raw ang super guwapong bagong student na 'to. Gosh! Mga mapanghusga! Bahagya ko silang inirapan.

Sige, malandi na kung malandi. Maharot na kung maharot. Mainggit lang kayo riyan dahil sa akin siya... sa akin lang.

[TO BE CONTINUED...]

Lablayp ng PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon