Kabanata 26

842 36 20
                                    

Kabanata 26
PurLan


Rafa's POV

"Uwaaahh!"

Nagpanic ang diyosa ng kagandahan nang may kung sinong poncho pilatong nagbuhat sa akin. Mukhang dadalhin niya aketch sa isang lumang classroom.

Oh my golly! Rape! Rape!

"Ssshh... Quiet. I will not harm you. Just... just quiet, okay?" paos na say ng aking rapist.

Isang impit na tili muli ang pinakawalan ng maganda kong bunganga. This time hindi dahil sa nagpapanic ako, kundi dahil sa naeexcite na ako sa mga happenings.

Kashi nemen, tunog gwapo ang voice ng papalicious na itey. Baka gwapo rin ang fes. Di ako sure kasi di ko naman makita fes niya. Bukod kasi sa buhat buhat niya ako ay naka-cap din siya.

So pagkapasok namin ng lumang chenes ay kinemerut niya akes. I mean pagkapasok namin ng lumang classroom ay ibinaba niya na ako. Tinanggal niya na rin ang cap na suot.

"Rafa..."

Shocked pero pretty pa rin ang lola niyo nang makita ko kung sino siya.

"Fafa John?"

Walang nagsalita sa amin for about one minute and thirty-nine seconds and fifty-seven milliseconds. Uh-huh, binilang ko talaga.

"Sorry..." sabay pa naming sabi kaya nagkatinginan kami at nagngitian. Then nagyakapan kami at nagchukchakan. Charr! Walang chukchakan, hanggang yakapan lang.

Sabado, sa oras na alas diyes ng umaga ay hindi pa rin dumarating ang chakang si Puritz.

Naku! 'Wag ko lang malaman-lamang nakalimutan niyang ngayon ang kembot namin papuntang Batangas.

"Her phone is not attended," ani Fafa James na kanina pa palakad lakad kakahintay kay Puritz.

"Iwan na nga natin iyon. She's not a VIP para paghintayin tayo 'no," sabat naman ni Amerikanang hilaw na sitting pretty na sa loob ng van.

Aba matindi! Bumuntot nga lang siya kay Fafa James tapos siya pa itong may ganang magreklamo? Kapal din ng hilaw na 'to.

"Babe, mauna na raw tayo. Tinext ako ni Lance. Susunod na lang daw sila ni Purita." si Fafa John.

Kumibot ang oh-so-gorgeous kong mga labi sa narinig. Kumekerengkeng ang chararat kong bespren, ah.

**

Purita's POV

Malaki ang ngiti ko pagkagising na pagkagising ko pa lang. Maaga akong bumangon dahil excited ako sa lakad namin mamaya.

Maganda raw kasi talaga at relaxing ang mga tanawin doon sa Batangas, lalo na iyong beach resort na tutuluyan namin. Isa pa, mas lalong naging exciting ito dahil makakasama at masosolo ko si mylabs sa buong lakad.

Kinikilig tuloy ang singit ko sa thought na mukhang sa Batangas ko masusuko ang Bataan. Emerghed!

Dahil maaga pa ay tumulong ako kina Manang sa paghahanda ng agahan. Naglinis din ako kahit papaano ng bahay para naman walang masabi ang charoterang maid na akalain niyo, Princess pala ang pangalan. Taray!

"Handa na ang agahan, tawagin niyo na si Sir Lance."

Agad akong nakipag-unahan sa prinsesang mukhang bruha paakyat sa kwarto ni Lance. Kakaapak niya pa lang sa unang baitang ng hagdan ay nadulas na siya.

"Aray! Walanghiya kang bakla ka! Panira ka talaga ng relasyon namin ni Sir Lance!" bulyaw nito habang hawak hawak ang kanyang balakang.

Aba at anong relasyon ang pinagsasabi nito? Marami pa siyang sinabi na kesyo masaya naman daw sila ni Lance nang hindi pa ako umeepal sa bahay. Mang-aagaw daw ako. At ang nakakaloka ay may nangyari na raw sa kanila ni shokoy. Jusko! Kung ano-ano nang lumalabas sa bibig ng bruha kaya nilayasan ko na.

Lablayp ng PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon