Chapter 42: Payo ni Devon

647 32 21
                                    

Purita's POV

Walang hiyang Lance na yun! Siya na nga itong may kasalanan tapos siya pa itong may ganang magalit huh? Hmp! Pasalamat talaga siya at mahal ko siya. Naks! Lumalandi na naman akooo! Haha.

After kasi naming kumain sa turo-turo e we went to Batangas. Yeah, sa Batangas, we visited lola Rosa and lolo Tasyo. And oh my gosh! I miss them, really.

Pero ang nakakaloka e hindi nila ako nakilala. Kinailangan ko pang mag-explain ng bonggang-bongga mapaniwala lang silang ako nga talaga si Purita. #Nangaasarlang??? -__-

Tapos ngayon iniwan pa ako ng tsukoy. Tss! Diba dapat ang mga manliligaw e nagpapa-impress sa mga nililigawan nila? Pero bakit itong tsukoy na'to e kabaliktaran ata? Abnoi talaga! -,-

Kaya heto, si James mylabs ang kasama ko.

"Naninibago ako," he said.

"Huh? Bakit naman?" 

"You're very pretty, mas gumanda ka lalo Lotlot."

"Ah hehe, thanks." tanging nasambit ko. Abala kasi sa pagcheck kung may message si Lance sa akin. Napangiti naman ako nang mabasa ang '1 Message Received' sa screen ng cherry mobile phone ko. Agad ko itong binuksan.

From: Lance Tsukoy

Mauna ka nang umuwi mamayang dismissal. I have to do something important.
***

Tss! Agad ring naglaho ang ngiti sa aking labi matapos kong basahin ang text niya. Hays! Kung kelan namang nagkaaminan na, saka naman naging busy. Tss tss! Buhay nga naman, parang life.

"Hey Lotlot, are you listening? Are you okay? What's bothering you?"

"Huh? Ah.." tss! Nakalimutan kong kasama ko nga pala si James mylabs.

"May problema ba?" tanong pa niya.

"Ahm.. w-wala naman. Tara?"

"Saan tayo?" tanong niya habang hila-hila ko na siya palabas ng campus.

"Date?" I said. Nakita kong napangiti siya nang bahagya saka umakbay sa akin.

"Tatanggi pa ba ako? Haha. Let's go." he said while wearing the most charming smile I've ever seen  on earth.

Ang sayaaaa! Nasa Amusement Park kami ngayon at kung saan-saang rides na rin kami sumakay. Nakakaloka! Nahihilo na nga ako e.

"I'm hungry. Kain tayo?" pagyayaya nitong kasama ko.

"Taraaa!" then kumain nga kami sa isang fastfood chain. Pagkatapos e naglibot-naglibot lang muna kami sa lugar.

"Lotlot, gusto mo ba nun?" napatingin naman ako sa itinuturo niya.

"Cotton candy? Waah! Opo, opo! Gusto ko nun!"

"Haha. Ok, ok, wait a minute, bili lang ako ah?" I nodded as he left.

Nilibot-libot ko ang paningin ko sa paligid. Fernes! Andaming couples na nagkalat. Psh! Di naman sila siguro excited sa Valentine no? Lol

At dahil sa ang tagal ni James mylabs, naupo muna ako sa bench na malapit lang sa kinatatayuan ko. Mula dito e kitang-kita ko ang mga naglalampungang couples sa paligid. Hala sige, sila na ang may mga lovelife. Tss! Teka, meron din naman ako huh? Busy nga lang. -__-

"Lance! Over here!" Lance? Napalingon ako sa babaeng nakaupo sa kabilang bench.

T-teka.. Ito si..

Lablayp ng PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon