Kabanata 3

1.9K 62 27
                                    

Kabanata 3
Si James
 
 
Huminga ako ng malalim saka ko itinulak si Rafa palayo kay James.

"Hi, James. Nasa harapan mo ngayon si Purita, ang pinakamagandang babae sa Brgy. Tralala," pagpapakilala ko with matching pose pa 'yan ha. Oh, pak! Itong si mylabs naman ay halatang nagpipigil ng tawa.

"So anong nakakatawa, James?" pagtatanong ko at humagalpak na nga siya sa tawa.

"Pureyta," anito at lalo pang natawa.

"Purita, hindi Pureyta," pailing iling na pagtatama ko. Tumango tango naman siya pero halakhak pa rin nang halakhak.

"Is that how you pronounce it?" tanong niya nang mahimasmasan. Tumango ako saka inulit ko ulit ang pagbanggit sa Purita na naging dahilan nang pagtawa niya ulit.

Sus ginoo! Nabuang na ang gwapong 'to. Napahawak na siya sa kanyang tiyan at halos umabot na sa kanyang dibdib ang pamumula ng kanyang katawan kakahalakhak.

"Pureyta..." tawag nito sa akin at kasunod nun ay malalakas na tawa.

"May problema ka ba sa pangalan ko?" Pumamewang ako sa harap niya. Sinikap niya namang pigilan ang kanyang paghalakhak saka nag peace sign.

"Yung Pureyta kasi eh, nakakatawa," aniyang halos bawian na ng hininga. Hala sige, hikain ka sana d'yan! 'Lang'ya, kung pagtawanan naman ako nito eh parang hindi niya ako asawa!

Bumaling ako kay Rafa para tingnan ang reaksyon nito sa inaasal ni James, kaso ang juding, ayun at madramang nakahilata sa sahig.

"Anong kadramahan naman 'yan, Rafaella?" Sumama ang tingin nito sa akin.

"Gaga! Dahil ito sa panunulak mo sa akin kanina!"

"Kanina pa yun ah? Ba't di ka pa tumatayo diyan?"

"Para makita ni Fafa James kung gaano ka kasadista," irap nito.

Tiningnan ko si mylabs saka napaangat ng kilay. Paano pa siya mapapansin ng isang 'to eh nawili na sa kakatawa?

Nang magdismissal ay dumiretso kami ni Rafa sa kanilang bahay. Tumambay kami doon at nagfacebook. PC yung gamit niya samantalang laptop yung akin. Pinahiram niya ako, yayamanin din kasi itong juding na 'to eh.

"Oh my gosh, Rafa! Oh my gosh!" Pinakita ko kay Rafa ang notifications ko. "In-accept na ako ni mylabs!"

"Waaahh! Baka ako rin! Check ko nga..." Excited niyang tinignan ang notifications niya pero kaagad ding nawala ang kanyang excitement nang makitang hindi pa siya in-aaccept ni James. "Putres! Bakit ikaw lang?"

Pinainggit inggit ko ang juding kaya lalo itong napasimangot. "Magaganda lang daw kasi ang in-aaccept niya," panunuya ko.

"Kung ganun nga, ba't ka in-accept?"

"Kasi siguro nagagandahan siya sa akin."

Lablayp ng PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon