Kabanata 27

858 37 15
                                    

Kabanata 27
Batangas [Part 1]

Nagising ako dahil hindi ko na talaga nakayanan ang sikip ng higaan. Kung kagabi ay masikip na ito, ngayon ay lalo yatang sumikip.

Iminulat ko ang mga mata ko at halos mapatili ako sa mukhang bumungad sa akin. Tinikom ko kaagad ang aking bibig. Ang lapit naman kasi ng mukha ni shokoy sa akin.

Jusko! At kaya lalo palang sumikip dahil ang talipandas na Lance ay nakayap at nakadantay sa akin. At ang nakakaloka ay pati ako, nakayakap din sa kanya.

Pilit akong kumawala sa pagkakayap at pagkakadantay niya kaso walang'ya, ang bigat ng braso at ng kanyang hita.

"A-aray! Ano ba!" Napadaing ako nang humigpit ang yakap niya. Gumalaw galaw ako kaya gumalaw din siya.

"Ang likot mo," aniyang nakapikit pa rin. Hindi ako sumagot dahil feeling ko bad breath ako. Nang inalis na niya ang braso at hita niyang nakapulupot sa akin ay agad akong tumayo. Sumunod din siya at sabay kaming lumabas ng kwarto.

Nadatnan namin si Lola Rosa kasama ang kanyang asawa na si Lolo Tasyo sa hapag. Naghilamos muna kami bago sila sinaluhan doon.

Habang kumakain ay panay ang kwento ni Lola Rosa sa love story nila ni lolo. Nakakainspire dahil sa dami ng pagsubok na pinagdaanan nila nanatiling matatag ang kanilang relasyon.

"O siya, kayo naman ineng ang magkwento ng love story niyo ng pogi mong kasintahan. Naku kinikilig talaga ako sa inyo. Kaninang umaga nakita ko kayong magkayakap habang natutulog."

Pinamulahan ako ng mukha sa mga pinagsasabi ni lola. Talagang akala niya magjowa kami ni shokoy. At ang nakakaloka ay kinikilig siya.

Iko-correct ko na sana si lola na hindi ko jowa si Lance nang sumabat bigla ang kurimaw.

"Ako na lang po ang magkukwento, lola. Mahiyain kasi itong girlfriend ko." Kinunutan ko siya ng noo pero ang bugok kinindatan lang ako.

May sapak yata 'tong lalaking ito, eh. As if may ikukwento siya. Eh una sa lahat, wala kaming love story, war story siguro meron pa.

"O sige hijo, magkwento ka," anang matanda.

"Hmm, ganito po kasi yun, ito pong girlfriend ko was the ugliest creature I've ever met in my life." Nginiwian ko si Lance dahil sa panlalait niya. Ito namang si lola pinasadahan muna ako ng tingin bago tumango tango na animo'y agree'ng agree sa sinabi ni shokoy.

"Yes po, she's the ugliest at war freak pa. Sinugatan nga po ako niyan sa paa nung first encounter namin. At imbes na magsorry, siya pa po itong nagalit."

"Eh tinawag mo kaya akong ugly creature nun! Sinong hindi maiinis sa kahambugan at pang iinsulto mo aber?"

"Well, I didn't insult you, I just stated the obvious."

"Wag mo akong maingles ingles. Nasa Pinas ka!"

"English or not naiintindihan mo ang sinasabi ko."

"Oo, na pangit ako! Huwag mo nang ulit ulitin dahil hindi ko naman nakakalimutan."

"Yes pangit ka, pero ikaw yung pangit na nagpapabaliw sa akin."

Katahimikan. May bumara yata sa lalamunan ko at hindi na ako nakatalak. Sina Lola Rosa at Lolo Tasyo ay parehong nakanganga. Si Lance ay nakatingin sa akin ng seryoso. Iniwasan ko yun.

Nakakainis! Naiinis ako dahil ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa hindi ko alam na dahilan.

"E-excuse po," wala sa sariling untag ko sabay karipas ng takbo palabas ng bahay.

Lablayp ng PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon