Kabanata 8

1.4K 58 27
                                    

Kabanata 8
Ang P.A.
 

"Huy panget! Hindi ka ba lalabas diyan?" sigaw ni shokoy mula sa labas ng kwarto.

"Oo na, ito na. Lalabas na nga oh. Excited much?" ganting sigaw ko. Lumapit ako sa may pintuan at binuksan ang pinto. Pagkabukas na pagkabukas ko nito ay agad namang bumungad ang napakagwapong mukha... ay este ang malaunggoy na mukha ni shokoy.

"Tara," aniya at nagsimula nang maglakad.

"Saan tayo pupunta?" Kunot noong tanong ko. Napahinto siya saka kunot noo ring lumingon sa akin.

"Can you shut your mouth? Sumunod ka na lang, pwede?" Iritadong untag nito at nagsimula na ulit maglakad.

Antipatiko talaga! Nagtatanong lang naman, e. Kaya ito tuloy,  para akong tangang aso na nakabuntot sa amo niya.

Matapos namin halos libutin ang napakalawak niyang bahay ay nakarating kami sa dining area. Walang'ya! Sa dining area lang naman pala ako dadalhin ng kurimaw, kailangan pa talagang maglibot?

"Take a seat, panget," utos niya. Umirap muna ako bago umupo. Sinadya ko talagang umupo sa silya na pinakamalayo sa kanya. Aba! Sinusuwerte siya kung tatabihan siya ng isang Purita Katigbak.

"Huy panget, why don't you sit here?" usal niya habang tinatapik ang upuang nasa tabi niya. "Come here, and take this seat." Ugh! kung wala lang talaga ako sa teritoryo niya naku, baka kanina ko pa ito nasapak.

Sinunod ko siya at umupo ako sa tabi niya kahit na labag sa kaloob looban ko. Ilang saglit lang ay dumating na ang mga maids kasama iyong echoserang katulong at may mga dala silang iba't ibang klase ng pagkain.

WOW! Ang dami at mukhang masasarap. Fuchsia! Nakakatakam. Teka, ang dami talaga. Halos mapuno na nga ang mesa. May fiesta ba? Or some occasions? Matanong nga ang shokoy.

"Huy!" tawag ko sa kanya.

"Hindi huy ang pangalan ko. It's Lance." Irap niya. Napairap din tuloy ako.

"Wala akong pakialam sa pangalan mo. Itatanong ko lang naman kung bakit ang dami ng pagkain saka tayo lang ba ang kakain ng lahat ng ito?"

"Oo, tayo lang kakain niyan. 'Wag ka nang madaming tanong. Alam ko namang ngayon ka lang makakatikim ng mamahaling pagkain kaya sulitin mo na habang libre."

Ang yabang talaga ng kurimaw na 'to. Sarap sipain where it hurts the most. Well, to tell you the truth, tama naman siya eh. Ngayon pa lang talaga ako makakatikim ng mga pangmayamang pagkain, pero kahit na, hindi pa rin sapat yun para maliitin niya ako. Hindi niya ba alam ang salitang "humble" at "down to earth"?

Nag-eemote ako dito nang bigla kong maalala ang sinabi niya. Sinabi niya kakong sulitin ko ito habang libre. Isang ngisi ang gumuhit sa labi ko. Ngayon, pagsisisihan niya at sinabi niya pa iyon, dahil gagawin ko talaga yun. Bwahaha!

Okay, simulan na natin. Kumuha ako ng plato, mga lima lang naman. Mahaba habang kainan din ito. Inilatag ko ang limang plato sa mesa at isa isang nilagyan ng pagkain. Wait, take note ah? Lahat ng klase ng pagkain na nakahain doon ay ita-try ko.

Habang sumasalin ako ng pagkain ay napansin kong titig na titig si shokoy sa mga plato ko at napapailing. Yiiiee... Ang cute. WHAT??? Sinabi ko bang cute siya?!? Nooooo!!! Binabawi ko na! Hindi siya cute kasi gwapo siya. Waaahhh! Oh men! Hindi, hindi siya gwapo. Never. Ever.

Lablayp ng PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon