Kabanata 20

1K 35 15
                                    

Kabanata 20
Kaarawan ni Rafa

Today is Monday, at alam niyo na kung ano ang meron sa araw na ito... school at nakakatamad pumasok, ever.

Pero ganoon pa man ay naligo't nag-ayos na ako. Pagkatapos ay bumaba at nag-almusal. At himala yatang ni hindi ko man lang nakita ang kurimaw. Hmm? Hindi naman sa gusto ko siyang makita, usually kasi kapag bababa ako ay nag-aalmusal na yun. Oh well, mabuti na rin itong ganito kesa naman sa masira kaagad ang araw ko.

At dahil nga sa missing in action ang shokoy ay naglakad ako papuntang school. Lakad-takbo kong tinungo ang Irosin High, at sa awa ni Papa God ay nakarating din naman ako on-time.

Agad kong inayos ang nagulo kong buhok bago pumasok. Feeling ko tuloy mas lalo akong pumangit. Tss!

Di pa man ako nakakalayo sa gate ay may biglang kumaladkad sa akin.

"A-aray! Sino ka?" Daing ko. Dahan-dahan ko itong nilingon at halos masapok ko ang taong 'to nang mapagtanto ko kung sino siya.

"RAFA?! Jusko! Baklang 'to, anong trip mo ha? Papatayin mo ba ako sa nerbyos?"

"Ay? Sarreh po," aniya nang pabebe. Binatukan ko nga.

"Arouch! Mapanakit ka talagang panget ka!"

"Heh! Bakit mo ba ako kinaladkad ha? At talagang dito mo pa ako dinala sa rooftop eh 'no? May plano ka sigurong ihulog ako 'no?"

"Gaga! Kung pwede lang, matagal ko nang ginawa." Irap niya. Aba! Mabatukan nga ulit.

"Arouch! Sadista talaga 'to. Joke lang yun."

"Tse! Eh bakit mo ba kasi ako dinala dito?"

"Eh kasi Puritz, I need your help."  Napataas ang isa kong kilay.

"Bakit? Ano bang nangyari?" Napabuntong-hininga siya.

"Dadating si pudrakels mamayang gabi." Halatang kabadong tugon niya.

"Oh tapos? Mabuti nga yung uuwi si tito diba?" Inismiran niya ako.

"Puritz naman! Remember, di alam ni pudrakels na dyosa aketch, diba?"

Napasapo ako. Oo nga pala. Kapag dumarating kasi 'yang si tito ay nagiging lalaki bigla itong si Rafa, at kahit ayaw niya, Eduardo Rafael na ulit ang tawag sa kaniya. Tanging si tita lang ang nakakaalam na dyosa kuno siya.

"Problema nga ito," usal ko. "So, anong plano mo?" Pumakawala ulit siya ng malalim na hininga. Napatakip tuloy ako ng ilong.

"Well, katulad pa rin ng dati. Pero Puritz, diba birthday ko na next week?"

"Oo, tapos?"

"May ipapakilalang girlalu sa akin! Fuchsia! Kaderder, now pa lang nasusuka na aketch!" Napahalakhak ako.

Lablayp ng PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon