Kabanata 24

820 32 5
                                    

Kabanata 24
Ang Katotohanan

Third Person's POV

"Fafa John, I want to go to your houselalu later," ani Rafa sa matinis na boses habang nakapulupot na parang linta sa binata.

"B-bakit naman?" usisa ni John dito. Umirap ang juding saka iwinasiwas nito ang mga kamay.

"Duh? Of course I want to meet your family," maarteng litanya nito. Napalunok ng mariin si John sa narinig mula sa kasintahan. Although ang kapatid niya lamang na si Madison ang tanging nandoon sa bahay nila ay hindi pa rin siya mapalagay. Paano kung ayaw ng ate niya rito?

"Ano kasi Rafa--"

"Fine! Ayaw mo aketch makapunta sa bahay niyo," nakangusong ika ni Rafa saka agad na iniwan si John. Dagli namang kumilos ang binata para habulin ito.

"Babe, hey! Sorry na. Ano kasi--" John heaved a sigh nang hindi pa rin humihinto si Rafa sa madrama nitong pag-walkout. "Fine, we'll go there, later," anito na nagpahinto sa nagdadramang bakla.

"Really?" malawak ang ngiting utas ng juding. John nodded. Tumili pa ang bakla at kumapit muli sa binata.

"You're so mabait talaga, babe! Date muna tayo! Hihi!"

At dahil hindi naman makatanggi ang binata sa kanyang kasintahan, pumunta nga sila sa mall upang mag-date.

"I want to watch movie, Fafa John," biglang utas ni Rafa sa gitna ng kanilang masugid na paglalakbay.

"Okay, anything for you, babe. Ano bang gusto mong panuorin?"

"Hmm... lemme think first. How about... TALK BACK AND YOU'RE DEAD!" sigaw ng bakla. Ngumiti ang binata saka tumango bilang pagsang-ayon. Agad silang bumili ng ticket at di nga nagtagal ay nasa loob na sila ng cinema theatre.

"Fafa John, pasubo , please?" pagpapa-cute ng juding pagkaupo na pagkaupo nila. Iniaabot nito sa lalaki ang hawak na pop corn na binili nila sa labas. Agad namang tumugon si John sa kahilingan ng bakla.

Kaya ayun, habang nanunuod sila ay panay ang pasubo ng baklita kay John. Ultimo ang pag-inom ng softdrinks ay iniaasa pa nito sa kasintahan. Panay din ang hagikgik ni Rafa sa tuwing may nakakakilig na eksena kaya rinding-rindi na ang mga katabi nila. Kung saan-saan na ring parte ng katawan ni John napapadpad ang malikot na kamay ng bakla. So horny!

"'Wag dito, Rafa," bulong rito ni John. Ngumisi ng pagkalaki-laki si Rafa.

"So, pwede sa ibang lugar?" Kumislap-kislap pa ang mga mata nito.

"No, I mean--"

"Okay, fine!" Pagtataray nito at muling ibinalik ang atensyon sa pelikula.

Pagkatapos ng palabas ay wala pa ring kibo si Rafa. Nabahala si John kaya hinawakan niya ito sa braso upang pigilan sa paglalakad.

"Ano ba?" may tunog ng pagkairitang usal ng juding.

"Galit ka ba?"

"Hindi."

"Hindi eh, galit ka."

"Hindi nga. Hmp!"

"Sabihin mo--" Natigil si John sa pagsasalita sa biglaang pagsampal ni Rafa dito.

"P-para saan iyon?" Umirap si Rafa saka ngumuso.

"Ay? Hihi. Ginaya ko lang si Samantha. Sabihin mo kashi... one slap, one kiss." Nangunot ang noo ni John sa mga ipinagsasabi ng baklita ngunit nang maalala ang isang eksena sa pelikulang kakapanood pa lamang nila ay napangisi siya. Hinatak niya ang juding palapit sa kanya saka kinintalan ng mabilis na halik sa labi nito.

Lablayp ng PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon