Kabanata 34

716 24 43
                                    

Kabanata 34
Tatlong Rosas

 
Lance's POV

"Manang, nakauwi na ba si Purita?"

"Hindi pa ho Sir Lance."

Tss! Saan na naman kaya nagsususuot yun? It's already late. I looked for her kanina sa campus but she's nowhere to be found. That ugly creature is really a pain in the ass.

Kahit na sinabi ni manang na hindi pa dumarating si Purita ay ni-check ko pa rin ang kwarto nito. Malay ko ba kung di lang napansin ni manang na nakauwi na ang panget na yun.

Her room was empty. No signs of that flat-chested gorilla-look-alike girl.

Pero ang umagaw sa pansin ko ay ang papel na nakapatong sa kama niya. It caught my attention because my name was written on it. Large and very legible.

"LANCE KERVIN BUENAVENTURA. The creepiest creature I've ever met," I read the first line. Seems like an article about me, huh?

"The creepiest yet the cutest. Luh, sinulat ko ba talaga 'yan? Haha, oo na! Cute na ang shokoy na 'yun."

Bahagya akong napangisi sa nabasa. Sinasabi ko na nga ba't pinagnanasaan ako ng panget na yun. Oh crap that! Umamin na nga pala siya noong nakaraang araw.

I continued reading.

"Oo lagi siyang naka-poker face. Lagi siyang masungit in front of many people. But one thing I discovered about him. He's nice. He's very nice to the point na he is willing to sacrifice his reputation for his friend's sake."

Medyo mahaba pa ang sulat ngunit hindi ko na nagawa pang tapusin ang pagbabasa dahil sa biglang pagbukas ng pinto.

"Anong ginagawa mo sa kwarto ko?!"

**

Purita's POV

"Huy Lance! Buhay ka pa?" Tamo 'to! Natulala na ang kurimaw. Ilang saglit ako nitong pinasadahan ng tingin bago hinigit para sa isang yakap. Tae! Ang higpit makayakap ng shokoy. Balak yata akong patayin nito e.

"Aray! Ano ba, Lance? May problema ka ba?" pagpupumiglas ko sa kanyang yakap. Walang anu-ano ay kaagad din ako nitong binitawan.

"S-sorry," anito bago ako iniwan para pumasok sa kanyang kwarto.

Problema nun?

"Ouch!"

"What happened?"

"I cut my finger. Oh my gosh! It's bleeding."

"Akin na. Gamutin ko."

Keaga-aga ay nasira na kaagad ang araw ko nang madatnan ko sa kusina ang paglalandian ng shokoy at ng Amerikanang hilaw. Hawak-hawak ng kurimaw ang kamay ng malantod na si Sam dahil nasugatan nito ang sarili. Inuuna kasi ang paglalandi kaysa sa pag-aaral kung paano ang tamang paghiwa. Ayan tuloy, mabuti nga sa kanya.

Naka-chin up akong naglakad sa pagitan nila, patungo sa fridge para kumuha ng tubig. Haharang-harang ang mga walanghiya kaya bahala sila. Kusina ito, hindi motel.

"Don't you know the word respect?" medyo iritadong untag ng bruhilda nang sadya ko itong tinabig palayo kay Lance.

Confident ko itong binalingan ng tingin. "Respect? It is a noun. A feeling of admiring someone or something that is good, valuable, important, etc. It is a feeling or understanding that someone or something is important, serious, etc., and should be treated in an appropriate way. Furthermore, it is a particular way of thinking about or looking at something."

Lablayp ng PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon