Kabanata 19

1.1K 41 24
                                    

Kabanata 19
First Date

Third Person's POV


"Rafa, come here." Pabulong na hiyaw ni John kay Rafa.

"Wits lang fafa John." Maarteng usal ng bakla at malanding tumakbo palapit kay John.

Kasalukuyan silang tumatakas sa mga echoserang fans kuno nila (ayon kay Rafa). Paano ba naman kasi, tumili ang bakla nang makakita ng ipis sa loob ng lumang gym kaya ayun, nahuli sila ng mga ito.

Nang makalapit si Rafa sa binata ay dahan-dahan silang naglakad palabas ng campus. Ngunit di pa man sila nakakalagpas ng gate ay nakita na kaagad sila ng isa sa mga EFK nila. (EFK, short for echoserang fans kuno)

"Ayun! Ayun sila! Bilisan niyo, habulin natin!" sigaw ng babaeng kelaki-laki ng bunganga at leader yata ng EFK.

"OMG! Nakita tayo ni bunganga girl. Fafa John, I'm sca--" di na natapos ni Rafa ang maarte niyang speech sa kadahilanang hinila na siya ni John palayo doon. Takbo lang sila nang takbo hanggang sa...

"Arouch Fafa John!" malanding hiyaw ni Rafa. Anyare sa kanya? Ayun, nadapa lang naman. Eh paano ba naman kasi, nakaheels ang bruha tapos ang arte-arte pa kung tumakbo. Kaya ayan. Ayan ang napala n'ya. Sinubukan n'yang tumayo pero di niya makayanan. Subok nang subok pero hindi niya talaga kaya. Hanggang sa malapit na silang maabutan ng mga EFK nila ay di pa rin nakakatayo ang bruha.

"Oh my gosh, Fafa John! Ayan na sila. Paano na ake--" napatigil na naman s'ya ngayon sa kanyang dramatic speech nang bigla s'yang buhatin ng binata. Yung lovers' carry, yung buhat pangkasal, o kung ano pa man ang tawag niyo roon.

Habang buhat-buhat ni John si Rafa ay di mapigilan ng bruha na tumitig dito. Titig na titig s'ya sa mukha ng binata, as in titig na titig talaga, yung tipong kulang na lang ay maglaway siya. Ay hindi, naglalaway na nga ang juding oh.

"Mukhang nailigaw na natin sila." Masayang wika ni John. Nilingon niya ang buhat-buhat niyang si Rafa nang hindi ito umimik.

"Hey, Rafa?" Kunot-noong tawag niya rito, pero wala talaga, tulaley pa rin ang bruha sa kagwapuhan niya. Inalog-alog niya ito, tinapik-tapik at hahalikan niya pa sana para magising lang ito pero hindi niya itinuloy. Nandiri siguro sa tumutulong laway ng bakla.

"Rafa! Rafa!" Di na mapakali si John na halatang di alam kung ano ang gagawin. Di ito bumabalik sa sariling huwisyo kahit na anong gawin niya dito, kaya naman wala na siyang ibang choice kundi ang bitawan ito at ihulog.

"AROUCH! BA'T MO AKETCH JINULOG FAFA JOHN?" galit na hiyaw ni Rafa habang hawak-hawak ang kanyang balakang. Napakamot naman sa batok ang binata at di mapigilang mapangiti.

"Sorry na. Di ka kasi nagsasalita kanina eh. Namiss lang kita." Alangang sagot ni John.

"Kaya jinulog mo aketch?" Taas-kilay na usal ni Rafa na halata namang nagpipigil ng kilig.

Lablayp ng PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon