Nagsiyukuan ang mga lalaking may mga dalang armas ng may humintong itim na kotse sa kanilang harapan. Mula doon ay lumabas ang isang lalaki na malaadonis kung titignan. Puno ito ng awtoridad at pinalilibutan ng itim na aura
"Yow Draven!" - isang boses ng lalaki ang umalingawngaw sa loob ng parking lot ng gusali
Tumingin ang bagong dating na lalaki na nagngangalang Draven sa tatlong lalaking papalapit sa kanya
"Where are they?" - malamig nitong tanong sa tatlo ng makalapit na ito sa pwesto nya.
"They are at the basement" - sagot ng lalaking asul ang buhok
Nagsimula ng lumakad papasok ng gusali ang lalaki at nakasunod naman sa kanya ang tatlo
Sa loob ay mayroon ding mga armadong lalaki, mas marami kaysa sa nasa labas. Nagsiyukan din ang mga ito ng makita sya. Pumasok ang apat sa isang elevator at pinindot ng lalaking asul ang buhok ang button papunta sa basement
"Ayaw talaga nila magsalita. Kanina pa namin sila tinatanong ehh. Masakit na nga kamao ko kakasuntok eh nakatitig lang sila sa gwapo kong mukha. Takte! Kahit ata mamatay sila basta makita lang nila tong mukha ko
eh ayos na sila" - sabi ng lalaking pula ang buhok habang hinihimas himas ang mukha nito"Naka drugs ka tol?" - sabat naman ng lalaking itim na itim ang buhok sa katabi nitong lalaking may pulang buhok
"Sus! Inggit ka lang ehh. Di ka man lang kasi naka-kakahalati sa akin" - mayabang na sagot naman nito
"Shut the f-uck up you two!! Or else i'm gonna kill you first!" - madiin na utas ni Draven
Bigla namang namutla ang dalawa at di na umimik pa
"Ano gagawin natin sa kanila? Mukhang walang plano talagang magsalita ung mga un" - tanong ng lalaking asul ang buhok
"Then I'm going to make them speak" - walang expression nitong utas
At sakto naman tumunog ang elevator at naunang lumabas ang lalaking nagngangalang Draven at saka naman sumunod ang tatlo
Yumuko naman ang dalawang lalaki na nasa labas ng kwarto bago pinagbuksan ng pinto si Draven
Pumasok silang apat sa loob. Sa gitna ng kwarto ay may dalawang nakayukong lalaki na kapwa nakagapos sa bakal na upuan
Hinila ni Draven ang isang bakal na upuan na nasa gilid papunta sa harapan ng dalawang lalaki.
Dinig sa buong kwarto ang lagitnit mula sa paghila nito sa bakal na upuan.
Napaangat naman ng tingin ang dalawang lalaki na kapwa duguan na ang mukha at may mga galos na din ang katawan ng mga ito
"What do you want?" - umpisa nito habang umuupo sa bakal na upuan ng nasa harapan niya ang sandalan
"The easy way? Or the hard way?" - dagdag nito habang hinihimas ang hawak nitong baril
Sampung segundo ang lumipas pero wala pa ring nagsasalita sa dalawa. Hanggang sa pumailanlang ang isang putok ng baril. Napadaing naman ang lalaking nasa gawing kanan niya na may tama na ng bala ng baril sa tagiliran nito
"Who is your boss?" - tanong nito sa dalawa pero di pa rin ito umimik
Tumayo sya at saka lumapit sa mga mesa na nasa kanang bahagi ng kwarto. Tahimik lang din na nanunuod ang tatlong kasama nyang lalaki kanina
Lumapit sya sa isang mesa na puno ng iba't-ibang klase na patalim na nakaayos mula sa mga maliliit hanggang sa mga malalaki
Dinampot nya ang dalawang pocket knife at saka nglakad ulit palapit sa dalawang lalaki
"Speak" - tipid na sambit nito
Ngunit katahikan lamang ang naging tugon sa kanyang tanong
Ilang sandali lamang ay malakas na sigaw ang pumuno sa loob ng kwarto ng sabay niyang tinarak sa tuhod ng dalawang lalaki ang hawak niyang pocket knife
"Dont make me repeat"
"Just kill us!" - sigaw naman ng lalaking nasa bandang kaliwa nya
kinuha nya ang baril nya na nasa may tagiliran nya saka nya ito itinutok sa lalaking nasa kanan nya
Kakalabitin na sana nya ang gatilyo ng mag salita ang lalaking nasa kanan nya
"W-wait! I-Im g-going to s-speak" - nanginginig nitong sabi
"What do you think you're doing?!" - galit na sigaw sakanya ng kasama niya pero hindi ito pinansin ng lalaking nakatingin lang sa lalaking nagngangalang Draven
"J-just p-promise t-that y-you wont k-kill u-us"
tumango lamang ito
"S-soul's s-society" - sambit nito
Napataas naman ng isang kilay si Draven. Ilang segundo ang dumaan bago sya tumalikod at umalis sa kwarto. Sumunod naman agad sakanya ang tatlo
"Kill them" - utos nito sa dalawang lalaki na nasa labas ng kwarto. Agad namang pumasok ang dalawa sa loob
Di pa man sila nakakalayo ay may narinig na silang dalawang putok mula sa kwartong kanilang pinanggalingan
Ganyan ka tuso si Draven.
Hindi sya tumutupad sa usapan. Well hindi naman talaga sya ang pumatayAlways remember. Dont ever dare to deal with the devil
Tahimik lamang silang apat habang nasa loob ng elevator.
at tulad ng dati ay di makikitaan ng kahit na anumang ekspresyon ang mukha nito"When are we going to go back to the Philippines?" - tanong ng lalaking asul ang buhok kay Draven ng makalabas sila ng gusali
"Soon, but not now" - saka pmasok sa kotse nya at mabilis na pinaandar ito
Habang nasa kotse ay iniisip nya ang sinabi ng lalaki kanina
"Soul's society" - mahinang usal nito habang ang kaliwang kamay ay hinihimas ang baba nya at ang kanan naman nyang kamay ay nakahawak sa manibela
Binabangga ba talaga ako ng organisasyon na yun? Tanong nito sa kanyang isipan
Malakas ang kutob nya na may kinalaman ang organisasyon na ito sa pagpatay sa kanyang ina at sa pagkamatay ng kanyang ama. Ngayon naman ay ang negosyo nya naman ang kinakalaban ng organisasyon na ito
"I will hunt them one by one and I will make them pay in a painful way" - bakas ang galit at poot sa kanyang mga binitawang salita
--------
#IAHA
~1813
YOU ARE READING
I Am His Assassin
RandomShe is an assassin. He is a mafia boss. What if their paths will cross accidentally without knowing their real identity behind their masks? Is there a possibilty that love will bloom between them? Or it will be a war?