Shan POV
"Good morning manang" - kaagad kong bati pagkapasok ko ng dining
"Magandang umaga din saiyo ineng" - bati niya saakin pabalik habang nag aayos siya ng mga kubyertos sa mesa habang abala ang mga katulong sa paglagay ng mga pagkain sa mesa
Nakakunot noo akong nakatingin sa mga katulong na abalang abala sa ginagawa nila
"Bakit may mga katulong ngayon?" - sambit ko na napalakas pala ang pagkakasabi ko dahilan para marining ni manang
"Ipinatawag sila kagabi ni Keil. Babalik na sila sa dati nilang trabaho"
"Sinabi niya un?"
Ang pagkakaalam ko sinabi niyang tuwing walang pasok ako ang gagawa ng lahat ng gawain dito sa mansyon niya
"Good morning Shan! Good morning manang!" - Nyx at dire diretso sa mesa at dadampot na sana siya ng tapikin ni manang ang kamay niya
"Pagagalitan kami ni Keil kapag kumuha ka jan" - manang
"Bakit naman manang? Dati naman kami umuubos mga luto mo ehh" - nakapout na sabi ni Nyx at saka umupo, tss parang bata
"Ahh basta! Wag kang kumuha jan kahit ano"
"Woahhh!! Sakto gutom na ko!!"
Nagsipasukan naman sila Zach, Kade at Blaze sa dining
At tulad kay Nyx ay agad tinapik ni manang ang kamay ni Zach
"Bawal daw kumuha. Sabi ni Draven" - nakasimangot na sabi ni Nyx
"Hu?! Bakit naman?! Wala yan!!" - dadampot sana ulit si Zach ng makarinig kaming nagsalita
"You wanna die Zachary?"
Agad na ibinaba ni Zach ang kamay niya
"Good morning Draven" - ngiting asong bati ni Zach
Lumingon saakin si Halimaw bago tumingin kay Blaze
"You told me last night you're going to have your breakfast on your condo, right?"
Napatitig naman sakanya si Blaze bago lumingon saakin
"Ahhh yeah. Nasabi ko nga"
"Ano?! Paano mo naman nasabi eh hindi nga tayo kumakain sa con—" - kaagad na tinakpan ni Kade ang bunganga ni Nyx at saka hinila palabas
Binalingan naman ni Draven si Zach ng tingin
"Ah tara na Blaze! Ano pa tinatayu tayo mo jan!! Magluluto pa un si pula!" - Zach at saka hinila palabas si Blaze
Ano bang nangyayari na naman sa mga trolls na to??
"What are you standing there?"
Napalingon ako kay Halimaw na nakaupo na ngayon sa may dulong mesa
Tinitigan ko lang siya ng blanko
"Ayaw mong kumain? Ayaw mo ng pagkain?"
Ng hindi ako nakasagot sa loob ng isang segundo ay lumingon siya kay manang
"Can you cook another dish manang?"
"Ah oo ako pa! Kayang kaya ko yan"
Aalis na sana si manang ng magsalita ako
"Teka. Ang dami na nito. May balak ka bang ubusin to lahat?"
"Nope. Sinong nagsabing ako ang uubos niyan?"
Nangunot lang ang noo ko
"Take your seat. Or I'll call Nyx to go back and eat these all"
Kaagad kong hinila ang upuan na nasa harapan ko at saka naupo at kaagad na kumuha ng pagkain
YOU ARE READING
I Am His Assassin
RandomShe is an assassin. He is a mafia boss. What if their paths will cross accidentally without knowing their real identity behind their masks? Is there a possibilty that love will bloom between them? Or it will be a war?