Draven's Sister

1.3K 39 6
                                    

Shan POV

Inayos ko ang pagkakalagay ko ng contact lens ko sa mata ko bago ako lumabas ng kwarto

Friday ngayon. At walang pasok

Ngayon kasi ang libing ni Gov. Montemayor. At bilang isa sa mga Board of Committee ay pupunta ang mga faculty at staff ng school sa libing niya

Wala ngang pasok pero andito naman ako sa bahay ni halimaw -_____-

Magpapakaalipin =_____=

Habang naglalakad ako pababa ng hagdan ay nakita ko ang mga nag aalialigid na mga katulong

Oo nga pala! Since weekday ngayon naandito ang mga katulong at butler ni halimaw. Wew! It means wala akong gagawin!!

Ng makarating ako sa dulo ng hagdan ay napahinto ako ng marinig ko na nag uusap ang tatlong katulong na nasa may malapit lang sa hagdan habang naglilinis

Hindi nila ako napansin. Dahil nagpupunas sila ng glass wall habang ung isa naman nakatingin sa hawak niyang panlinis na tila ba hindi mapakali

Pumunta ako sa gilid ng hagdan kung saan ay hindi ako gaanong kita dahil nasa may kabila sila

"Oyy may sasabihin ako. Pero wag kayong maingay ha?" - mahinang sabi ng isang katulong sa dalawa pang katulong na naglilinis sa glass wall

Hindi naman ako likas na tsismosa kaso naintriga ako. Lam niyo un

Tas kahit ang hina na ng boses niya. Narinig ko pa. Ganyan talaga malakas ang senses ko XD!

"Naku! Grace kung tungkol iyan sa trabaho natin o kay Sir wag mo ng sabihin lam mo naman yun. Mamaya malaman pa niya" - saway naman ng isa sakanya habang palingon lingon at patuloy pa rin sa pag punas sa glass wall

"Ehhh kasi. May nakita ako sa kwarto niya. Natakot lang naman ako"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya

Natakot? Ano naman nakita niya? Daga?

Hindi naman ata. Sa mansyon ni halimaw may daga?? Imposible. Kung ako daga. Ewan na lang kung tumagal sa sampung segundo buhay ko dito

Ang linis tas ang lamig pa!

At tiyak papatayin ako kaagad ng halimaw na un kapag nakita akong aali-aligid sa kwarto niya!

Lumapit naman ung dalawang katulong sakanya

"Ano ba kasing nakita mo sa kwarto ni Sir?" - tanong ng isa na mukhang na curious na din


"Ehh kasi sa loob ng kabinet ni Sir nakita ko na may —"

"What did you see?"

Napatingin sila sa taas ng hagdan maging ako ay napatingin din at nakita ko si halimaw na nakasuot ng black suit. Nakatayo siya sa may hagdan habang blanko lamang ang ekspresyon na nakatingin sa tatlong katulong na tila naestatwa na ata sa kinatatayuan nila

Nagpatuloy naman na maglakad si Halimaw

Lumayo ako ng ilang hakbang sa hagdan ng malapit na siya sa baba

Huminto siya sa dulo ng hagdan at saka hinarap ang tatlong katulong na nakayuko na sakanya

"Are you the new maid here?" - malamig na tanong niya


"Ahh y-yes sir" - nanginginig na sagot noong Grace

"You're fired" - sabi niya at mabilis na tumalikod at napatingin siya saakin

I Am His AssassinWhere stories live. Discover now