Bitter

1.2K 40 5
                                    

Shan POV

Bitbit ko ang maleta na dala dala ko pababa ng hagdan habang nakasakbit sa balikat ko ang isa ko pang bag

Oo maleta at isang backpack! ganun kadami ang dala ko kasi tatlong araw at dalawang gabi kami doon sa isla nila Zach. At gusto ko lahat ng kailangan ko dala ko

Nagpahinga ako saglit sa may kalahati ng hagdan at napatingin ako sa baba ng may biglang sumigaw na halimaw


"Slave!! Faster! Our airplane will not going to wait you!"


Aist! Sino ba naman kasing may gustong sumama ako rito??

Muli ko na lang binuhat ang maleta ko. At talagang pinanuod niya lang ako habang bumababa ng hagdan! Argh! Halimaw talaga ><

Paghinto ko sa harapan niya ay kinuha niya ang shades na nakasabit sa damit niyang plain na white tshirt at saka iyon isinuot habang nakatingin saakin

Psh kala mo naman kung sinong cool =___=


"Lets go" - sabi niya at saka tumalikod sumunod na lamang ako pero napahinto ako ng tawagin ako ni Manang


"Iha!"


Nilingon ko si manang na may dala dalang lalagyan


"Oh eto dalhin mo. Alam ko kasing palakain ka" - nakangiti niya sabi at iniabot saakin ang dala niya


Nginitian ko siya bahagya at saka kinuha ang lalagyan na may pagkain


"Salamat po manang" - sabi ko at saka nag umpisang maglakad paalis


"Mag iingat kayo doon. Mag enjoy kayo" - Pahabol ni manang



How I wish -____-

Ng makalabas ako ay nakita ko si Halimaw na nakasilip sa may bintana ng backseat


"Wala ka na ba talagang mas babagal pa jan?" - kunot noong tanong nito


"Tss excited" - bulong ko


"What did you say?"



"Wala po Master"



Ibinigay ko sa driver niya ang maleta at bag ko na sinakay niya sa likod ng kotse at saka ako pumasok sa backseat katabi si halimaw


"Alis na po tayo sir?" - manong driver


"Yea"


Tahimik lang kami habang nasa byahe. At medyo madilim pa rin sa paligid

Kailangan kasi naming agahan ang pagpunta dun dahil sa byahe at para di kami gaanong tanghaliin dahil may mga nakaplano daw na games. Sana ung may thrill naman na mga games -.-

Papunta kami ngayon sa airport

Kailangan kasi naming mag eroplano papunta doon kasi sa bicol pa iyon at paglapag namin sa airport ay susunduin naman kami ng driver ni Zach papunta sa Isla nila sa Sorsogon

Kinuha ko ang cellphone ko at saka tinignan kong may text si Butler Ken. Maya niyan biglang tunawag pala sakanya si Tito


"Tss is your boyfriend know that you'll going to out for a vacation?"


Nilingon ko si halimaw. Vacation mukha mo! Ang bakasyon saakin ay nasa bahay lang!


"Yeah" - sagot ko


mabilis siyang lumingon saakin


"You have boyfriend?!"


Loko to. Kasasabi niya pa lang kung alam ba ng boyfriend ko na aalis ako. Siya itong alam na may boyfriend pala ako tas ngayon magtatanong siya kung may boyfriend ako?!

I Am His AssassinWhere stories live. Discover now