Shan POV
Pagdating namin sa may pampang ng dagat ay agad naming nakita ang mga kaklase namin
Nakaupo sila sa may tela na nasa may buhangin palibot sa apoy na nasa gitna habang nakatayo naman sila Selene at Niko
Napansin ko naman na di pa kami kumpleto
Hinila na ko ni Maxene paupo sa katabi ni Zoreen na mukha ring napilitan lang na pumunta rito
Pareho kami -__-
Nagsidatingan na rin sila Zach kasama si Halimaw na busangot ang mukha
Kung di nakapoker face nakabusangot
Naupo sila sa may malapit saamin at napatingin siya saakin at masama niya akong tinignan
Ano bang nagawa kong masama sa halimaw na to at kung makatingin kala mo mangangain!
"Guys!! We're here na!" - Fiona kasama ang tatlo niyang penguins
Wala naman ditong yelo pero may mga penguin
Hanga din ako sa mga alipores niya layo pa ng narating. Galing pa sila sa antarctika ehh
Napatingin naman ako sa mga dala nilang bote ng alak
"Okay magsisimula na tayo!" - Selene
"Ano bang gagawin?" - bulong ko kay Zoreen
Sana may makuha akong sagot
"Ewan"
-____-
May binuhat na maliit at mababang mesa si Niko at nilagat iyon sa pagitan ng kaklase ko at sa apoy
At saka niya inilagay doon ang isang bote na nakahiga
"Maglalaro tayo ng Truth or Dare!" - Selene
Mukhang gusto ko ng mag walk out
Tatayo na sana kaming tatlo nila Zoreen at Ryu ng pigilan kami kaagad nila Mylene at Maxene
Sinamaan namin sila ng tingin pero nginitian lang nila kami
Kabwisit!
"Kung sinuman ang matatapatan ng duo ng bote ay siyang sasagot kung truth or dare at kung sino ang nauna sakanya ang siyang magtatanong o magpapagawa sa kanya ng dare" - Selene
"At habang naglalaro tayo. Lilibot ang baso sa bawat tao na may lamang alak. At bawat isa ay required na uminom kapag natapat iyon sainyo" - Niko
Itinaas naman ng tatlong penguin ni Fiona ang alak na dala nila
"Bawal magdobleng sagot ng Truth. Once na nagsabi ka ng truth sa nauna mong turn sa sunod mong turn dapat dare naman" - Selene
"At kapag nag pass kayo sa truth. Iiniom kayo ng dalawang baso ng alak. At kapag nagpass kayo sa dare apat na baso ng alak ang katumbas. So Clear?" - Niko
Mukhang malalasing ako ngayon
"Alis na tayo" - bulong sakin ni Zoreen
Inilingan ko naman siya
"Hayaan mo na. Ngayon lang" - sagot ko pero nanatili pa rin siyang nakatingin saakin habang nag aalala
Iba kasi ako kapag nalalasing
YOU ARE READING
I Am His Assassin
RandomShe is an assassin. He is a mafia boss. What if their paths will cross accidentally without knowing their real identity behind their masks? Is there a possibilty that love will bloom between them? Or it will be a war?
