Ceaton

1.4K 37 0
                                        

Dedicated to:
MaryYamaguchi
aryljames94

~Ryu POV~

Naglalakad ako papunta sa kabilang building habang nasa di kalayuan naman nakasunod si Zoreen

Papunta kami ngayon sa architect building

Nandoon ang lalaking kailangan namin

"Hi miss"

Inirapan ko na lamang ang mga lalaking bumabati saakin

Mukha nila! Di naman hamak na mas gwapo ang lalaking gusto ko!

Napangiti ako ng makita ko na ang lalaking sadya namin

Naglalakad siya papunta sa direksyon ko

At mukhang nagmamadali siya

Tamang tama lang sa plano

Inayos ko na ang suot kong salamin at ang mga librong dala ko at kunwaring tinitignan tignan ang mga ito pero tiniyak kong makakabangga ko siya

"Ouch!"

"Sorry miss"

Dali dali siyang yumuko at pinulot ang mga librong nahulog ko sa pagkakabangga namin

Tinignan ko pa ang pangalan na nasa I.D niya

Alfin Lazarriano

Inilapit ko pa ang sarili ko sakanya habang pinupulot niya pa rin ang libro ko

Sa dami ba naman nun

Pasimple kong idinikit sa damit niya ang maliit na tracker

"Sorry talaga. Ayos ka lang ba?" - tanong niya at saka tumayo at iniabot ang mga libro

"Ahh oo ayos lang ako. Salamat"

Kinuha ko na ang mga libro

"Sige mauna na ako. Sorry talaga"

at mabilis na siyang umalis

Lumapit naman na saakin si Zoreen at isinalampak ko sa dibdib niya ang mga librong ipinadala niya saakin at saka tinanggal ang salamin ko

Im not a nerd. Geez

"Nailagay mo ba?"

"Ako pa! Tara na may utang ka pang Nachos sakin!"


~Shan POV~

"Ikuha mo ko ng kape"

Napalingon ako sa haring prenteng nakaupo sa swivel chair

Agad naman akong lumabas ng opisina niya at saka pumunta sa pantry para ipagkuha siya ng kape

Pagkatimpla ko ay bumalik ako sa opisina niya at inilapag iyon sa mesa

"May ipag uutos ka pa ba MASTER?"

"Hmm tikman ko muna"

Haixt! Kanina pa siya utos ng utos simula ng matapos ako sa pag eencode!

humigop siya sa kape at tumaas ang isa niyang kilay

"Pwede na"

Anong pwede na?! Masarap akong magtimpla ng kape! Dahil ako ang parating nagtitimpla sa kape ni Uncle

bigla namang tumunog ang telepono niya at sinagot niya ito

"Hello?"

Tumingin siya saakin at saka sinenyasan akong umalis na kaya agad akong lumabas ng opisina niya

I Am His AssassinWhere stories live. Discover now