Shan POV
Madilim na ang paligid pero lakad pa rin ako ng lakad. Wala gusto ko lang magpahangin bakit ba? -_____-
Kasalukuyan akong naglalakad sa palikong daan. Tatawid na sana ako ng biglang may sumulpot na sasakyan papalapit saakin
dinig na dinig ko ang *scretch* sound na mula sa gulong ng sasakyan. At kitang kita ko ang pag drift nya ng kotse para iwasan ako
Kng sa ibang pagkakataon ata baka napahanga pa ko ng isang to. Astig mag drifting ehh
Puro usok na mula sa sasakyan at alikabok ang nalanghap ko kaya napaubo ako
Patuloy pa rin ako sa pag ubo habang ipinapaypay ang kanang kamay sa mkha ko. May lumabas naman na lalaki galing doon sa bwisit na kotse na nasa gilid na ng kalsada
"F-uck!! do you want to die?!?!"
Grabe mura agad ang ibinungad saakin ng bwisit na lalaking to
"Are you an idiot?!" - sigaw ulit nito
Aba loko to ah! Ako pa daw ba? Sya nga tong ang bilis magpatakbo ng sasakyan sa likong daan ehh!!
Di pa rin ako makapag salita dahil ubo pa rin ako ng ubo
Nakita ko namang kinuha nya ung wallet nya sa pants nya at saka kumuha ng pera at iniabot ito saakin
Maluhaluha naman na akong ubo pa rin ng ubo. Aba! gusto na atng tumira ng lintik na alikabok na to sa lalamunan ko!
Di ko sya inintindi dahil halos di na ko makahinga kakaubo
"Tsk!" - sya
Nabigla naman ako ng kunin nya ang kamay ko at saka doon inilagay ung pera
"Next time use your little brain miss" - sya saka patakbong bumalik sa kotse nya at mabilis na pinaharurot ito
Langyang lalaking un! Kala naman nya sa naghihirap na ko!!
Umayos na ako ng tayo ng sa wakas ay ayos na ako
Napatingin ako sa gilid ko ng biglang may kumalabit saakin
"Ate pwede po bang makahingi ng konting pera o kahit pagkain nalang po"
isang batang lalaking musmusin ang kumalabit saakin at may kasamang matandang... bulag ata?
Napatingin naman ako sa kamay ko na may pera saka ulit tumingin doon sa maglolo
Iniabot ko sa bata ung pera. Nag aalangan naman ung bata pero ipinilit ko pa rin. Ehh sa humihingi sya tas ngayon tatanggihan nya
"Ehh ate sobra na po to ehh" - sya saka tinignan ung pera
"A-ate s-sigurado po ba kyo??" Tumango lang ako sa bata
"Bakit yong? May problema ba apo? - tanong nung matanda na may sungkod
"Lo, binigyan tayo ng limang libo ni ate ganda"
"L-limang libo?? andyan pa ba sya?"
"Opo lo"
Bigla naman gumalaw ung kamay nung matanda at inalalayan nung bata ung kamay nya papunta sa kamay ko
"Ineng maraming salamat ha? Pagpalain ka nawa" - sambit nya bgo ako binitawan
"Sige ate una na kami naghihintay pa kasi ung mga kapatid ko saamin. Salamat po ulit" - at saka sila umalis
YOU ARE READING
I Am His Assassin
AcakShe is an assassin. He is a mafia boss. What if their paths will cross accidentally without knowing their real identity behind their masks? Is there a possibilty that love will bloom between them? Or it will be a war?
