Shan POV
Huminga ako ng malalim ng tumunog na ang pinto bago ito dahan dahang bumukas
Pagkapasok ko sa loob ng bahay ni Draven ay napataas ako ng kilay ng wala akong marinig na kahit anong ingay
"Wala ba sila?"
Mukhang wala ngayon ang mga trolls. Mabuti na iyon. Makakapagpahinga ako
"Ohh Shan!"
Agad na bumagsak ang balikat ko ng marinig ko ang boses ni Nyx
Tinignan ko siya na bumababa sa hagdan hanggang sa makapunta siya sa harapan ko
"Bumalik kana" - nakangiting sabi niya habang hawak hawak ang isang piatos sabay subo
"Uhh" - sagot ko at saka siya iniwan sa pwesto niya pero sumunod naman siya
"Akala ko di kana babalik" - sabi niya habang naglalakad
"Kung pwede lang" - mahinang sagot ko
Ng makarating kami sa sala ay nadatnan namin si Zach na nakataas ang dalawang paa sa mesang gawa sa salamin habang prenteng nakaupo sa mahabang sofa na nanunuod ng tv
"Ohh? Kamusta ang leave Ms. Shanaia?" - tanong niya
"Maayos" - walang ganang sagot ko at saka ako dumiretso sa kusina
Pumunta ako sa ref at saka kumuha ng malamig na tubig
Hindi ko alam pero tila nanunuyo ang lalamunan ko
"Kanina ka pa hinihintay ni Draven"
Napaubo ako dahil umiinom ako ng tubig ng biglang sabihin iyon ni Nyx
Langya! Andito pa pala ang isang to!
Mas sinamaan ko siya ng tingin ng makita kong ngumiti siya habang ngumunguya
"Nasa opisina niya siya. Buti pang puntahan mo na siya"
"At bakit ko naman un gagawin?!"
"Dahil personal maid ka niya, hindi ba?"
Tss!
Peste kasi.. Kailan ba matatapos ang kontrata ko dito
Ibinalik ko na sa ref ang pinagkunan ko ng tubig at saka lumabas ng kusina
Mabuti pang pumunta muna ng kwarto
"Draven! Andito na si Shan"
Agad akong napatigil sa paglalakad ko ng biglang sumigaw si Zach
Nanatili akong nakatingin sa sahig pero rinig na rinig ko ang mga papalapit na yabag sa direksyon ko
Napalunok ako ng makita ko ang isang pares ng paa na huminto sa harapan ko
"Nag umagahan kana ba?"
Tila may kakaiba akong naramdaman ng marinig ko ang boses niya
Tatlong araw kong hindi narinig ang boses niya
Nakagat ko ang labi ko ng maisip ko iyan
Damn it! Why would I think that thing!
Umayos ako ng tayo at doon ko nakitang nasa likuran niya pala sila Blaze at Kade na may suot suot na namang headphone
"O—" - sasagot na sana ako ng bigla niya akong hawakan sa palapulsuhan ko at saka ako hinila papunta sa dining
YOU ARE READING
I Am His Assassin
RandomShe is an assassin. He is a mafia boss. What if their paths will cross accidentally without knowing their real identity behind their masks? Is there a possibilty that love will bloom between them? Or it will be a war?
