His Reason

1.4K 40 2
                                    

Jared POV

"Loki!! Kinakain mo na naman ang pagkain ko!!" - Patrick

"Ehh sa nagugutom ako ehh!" - Loki

"Magsitigil nga kayong dalawa" - Dave at saka pinagbabato ng mga bilog na papel ang dalawang naghahabulan na paikot ng mesa

"Nasaan na daw ba si Manager Young?" - Oz

"Parating na" - Cyrus

"May pagkain daw bang dala si manager?" - Loki

"Puro ka pagkain" - Jake

"Puro ka naman pagwapo. Di naman gwapo" - bwelta naman ni Loki

"Ako?! Hindi gwapo? Huh! Ako ata ang mukha ng grupo" -
Jake

"Nagsalita na naman ang pinaka humble sa grupo" - Oz

Nagsitahimikan sila bigla ng bumukas ang pinto at pumasok si manager

mabilis na naupo sila Loki at Patrick

Naupo naman kaagad si Manager sa dulong upuan kaharap ng upuan ko

"Hindi ko na kayo tatanungin kung kamusta kayo. Sa tingin ko naman ay ayos lang kayo" - sabi niya habang binubuksan ang dala niyang lalagyan

"Ano ng plano mamaya?" - tanong ko

Agad namang nagseryoso sila Oz

"10 pm gaganapin ang laban. 9:50 ay dapat naroon na kayo"

"Sino kayang makakalaban natin doon?" - Patrick

"Hindi kayo lalaban" - manager

"Hu??"

"May ibang misyon sainyo si pinuno"

"Anong misyon?" - tanong ko

"Sasama kayo sa pagpunta niya roon. Sasabayan niyo siya sa byahe"

"Hindi niya ba iyon sinabi saiyo Red?" - Oz

"Alam mo namang bihira lang kaming mag usap"

"Ayusin niyo na ang mga gagamitin niyo mamaya"

Kaagad naman nagsitayuan sila Cyrus

Tatayo na rin sana ako ng biglang magsalita si Manager Kim

"Gusto ng iyong ama na mag ingat ka mamaya"

Nilingon ko siya bago tumango at saka tumayo at iniwan siya sa kwarto

Naglakad ako papunta sa hagdan pababa ng bahay na tinutuluyan namin at saka naglakad papunta sa tapat ng nag iisang pintuan doon

Binuksan ko iyon bago pumasok

Naabutan ko sila na kanya kanyang tinginan ng mga armas

Naglakad ako papunta sa maliit na kabinet at saka kinuha doon ang isang M1911 browning pistol

Dinampot ko ang malinis na tela na nasa lalagyan noon at marahan kong pinupunasan ang hawak kong baril

Habang nakatingin ako sa baril na pinupunasan ko ay bigla kong naalala ang araw na una akong makahawak ng baril

Ang araw na natuto akong gumamit nito

Ang buong myembro ko sa Olympus ay kasapi ng isa sa mga malalaking mafia organization

Ang Moros

Simple lang kaming banda dati, ang Olympus. Typical na banda na ang nais lang ay ang kumanta, sumayaw at maglibot sa ibat ibang bansa kung nasaan ang mga tagahanga namin

I Am His AssassinWhere stories live. Discover now