Shan POV
Naglalakad ako sa gilid ng highway ngayon
Pauwi na ako pero wala akong makuhang taxi kaya maglalakad lakad na ako malapit na din kasing maggabi
Haixt! Kung dala ko lang ang bigbike ko
Napatingin ako sa kotseng dumaan sa may gilid ko at huminto iyon sa may unahan lang
Pagkalapit ko roon ay bigla na lang bumukas ang bubong ng kotse at doon ko nakita kung sino ang nagmamaneho noon
"Wanna ride?" - tanong siya at saka kumindat at saka ngumiti
Psh! Ung totoo! May mali ba sa ugat ng mata niya at panay kindat siya!
At kailangan ba talaga parati siyang nakangiti?!
Kung sabagay.. Artista ehh model pa..
Binuksan ko na lang ang pinto ng passenger seat niya at saka naupo
"Kala ko di ka sasakay" - sabi niya kaya nilingon ko siya
"Kahit dito man lang may mapakinabang ka saakin ngayong araw"
"Aww! Bakit ba napaka mean mo sakin?" - sabi niya na may pahawak hawak pa sa dibdib niya
"Tss! Mag ddrive ka ba o ano?"
"Haha ito na maam! Saan ba tayo?"
"May iba ba tayong mapupuntahan??"
Nag akto naman siyang parang nag iisip
Ano na naman kayang iniisip ng loko loko na to
"Ahh pwede namang magpakalayo layo na tayo. So lets run together?"
Loko talaga!
"Gusto mo bang umuwi ng may black eye?" - tanong ko at saka siya tinitigan ng masama
"Ah he-hehe wag naman. Mapapagalitan ako nito ni manager pag may sugat siyang nakita sa mukha ko" - sabi niya bago siya humarap sa harapan at saka pinaandar ang kotse
~~
"Wait!" - pigil niya saakin ng hawakan ko na ang hawakan ng pinto ng passenger seat at saka siya nagmamadaling lumabas
Psh!
Binuksan ko na ang pinto ng passenger seat at nakalabas na ako ng makalapit siya saakin
"Haixt! Bat lumabas kana? I want to open the door for you"
"Hindi ako lumpo" - sabi ko at saka isinara ang pinto ng passenger seat at saka naglakad papasok ng mansyon habang nakasunod siya saakin at kung anu-ano ang mga pinagsasabi
Kanina pa yan sa kotse. Ang daldal!
"Gaano ka na nga ba katagal dito? Paano kayo nagkakilala ni Draven?"
Di ko na lang siya pinapansin at ng makarating kami sa may sala ay nakita ko sila Zach na parang hindi mapakali
Panay siya sa kakalakad pabalik balik habang nakatulala lang si Kade na nakaupo sa sofa habang nakakunot ang noo at bahagyang nakanguso
Nasaan ba ang ibang trolls?
"Anong nangyari sainyo?" - tanong ko
Bigla namang napatigil sa paglalakad si Zach at sabay silang napalingon saakin ni Kade
"They always look weird. Normal pa sila niyan" - Kira na nakatayo sa tabi ko
"Ahh Shan! Ha-ha a-akala ko sa bahay mo ngayon ikaw matutulog" - Zach
![](https://img.wattpad.com/cover/115691831-288-k924749.jpg)
YOU ARE READING
I Am His Assassin
RandomShe is an assassin. He is a mafia boss. What if their paths will cross accidentally without knowing their real identity behind their masks? Is there a possibilty that love will bloom between them? Or it will be a war?