chapter 15

1.6K 19 6
                                    

- 3rd day - 

Same activity pa din yung pinagawa samin ni mam pero medyo magaan na yung task namin since uuwi na kami mamayang 5 pm.  Pero imbis na ienjoy ko yung last day namin nagsisi ako kung bakit pumunta ako dito. Oo maganda dito pero sa lugar na to nagsimula lahat ng tanong ko, yung hinala ko, yung confusion ko at higit sa lahat yung araw kung saan nagawa akong saktan ni Jared. 

Hanggang ngayon, hindi pa rin nawala sa isip ko yung mga salitang binitawan nya kahapon pati na din yung kilos nya na dumurog sa puso ko. Hanggang ngayon hindi ko pa nakakausap si Jared, si Kurt o kahit si Joceelyn kase kagabe hindi na namin roomate si Jo, i dont know what happen. Ayoko mang isipin na baka magkasama sila pero di ko maiwasan panu nalaman ko kase na wala na din pala dito si Jared nauna nang umuwi. 

" girl okay ka lang ba? maya maya uuwi na tayo , pag usapan niyo ni Jared yung problema nyo. Tingnan mo sarili mo haggard na haggard ka na. Ang laki pa ng eyebag mo. Di ka ba natulog kagabe? Puro iyak lang ata ang ginawa mo ee naririnig kita bhes, pinabayaan lang kita kase i thought gagaan pakiramdam mo kung maiiyak mo lahat pero look at you i think i was wrong "  Fannie and the rest start to console me. Thanks to them medyo gumaan pakiramdam ko. 

" salamat ahh, sana nga maayos na namin to. ayoko maghiwalay kami ni Jared, hindi ko kaya Fannie. Hindi ko kaya mawala si Jared sakin. Mahal na mahal ko na sya ee. Masakit yung nakita ko kahapon pero mas masakit kong mawawala sya sakin. Hindi ko kaya. " at hindi ko na napigilan sarili ko at tuluyan nang lumabas yung mga luhang kanina ko pa pinipigilan. 

" shhhh, hindi yan Che, tiwala lang. Mahal ka nun , alam mo yan wag ka ng iiyak sige ka papanget ka. Basta mag usap kayo ng maayos toh , okay ? " and she wipe my tears away and hug me. hindi ko alam ang gagawin ko kung wala sila dito. Nakakainis naman, bakit ba kase umuwi agad si Jared?! Nakakainis! Nababaliw nako kakaisip dito ! Bwisit! Humanda sakin yang Joceelyn na yan! tangina nya ! Hindot! Hindi nya ko madadala sa takot ! bwisit ! bwisit ! bwisit! ARGHHH!!!!

* 5 pm * 

Nagsi -empaki na kaming lahat, because its time to go home. At atat na atat na akong umuwi, dahil gusto ko nang makausap at nang magkalinawan na kami ni Jared. But at the same time nandun yung takot ko , takot na kapag nagkausap na kami ni Jared, bigla nyang sabihin na maghiwalay na kami kase all this years si Joceelyn pa rin pala talaga at infatuation lang ako. Pero kailangan kong tatagan loob ko kase kung hindi, hindi ko makukuha yung sagot sa mga tanong ko. 

Sa bus, hindi ko alam kung sino katabi ko since wala na nga si Jared, sabe kase ni maam same arrangament pa din daw kami. Okay na rin sakin na wala akong kasama atleast walang manggugulo sakin o kaya pwede ding yung mga kaibigan ko na lang ang makatabi ko kahit papano may makausap ako. Hayyy Jared ang sakit mo sa bangs kahit wala akong bangs. 

Nagsimula na kaming sumakay sa bus and as usual accordingly pa din paisa isa. Unang tinawa yung grupo namin nila Fannie. Hindi na tulad ng pag alis namin yung excitement ko kase alam ko namang never na makakapartner ko si Jared since nauna na nga siang umalis. 

LOVE SO SWEET ( on hold )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon