Rain's POV
"Yeah, dance Macy."
Ginalaw ko lalo ang aking bewang upang sabayan ang musikang tumutugtog ngayon.
Habang masayang nagsisigawan ang mga kalalakihan sa loob ng bar, ako naman ay tahimik na naiiyak.
Hindi ganito ang buhay na gusto ko. Hindi ganito ang pangarap ko.
"Yes Macy you're so sexy."
"Macy please, I'll take you out."
"Come with me."
"I'll make you happy Macy."
Yan ang mga pangunahing sigawan ng mga kalalakihan.
Hindi ko nalang sila pinansin at sumayaw na lamang. Hindi naman nila ako makikilala dahil naka maskara ako. Rain Elizabeth ang tunay kong pangalan. Nagiging Macy lang tuwing tumatapak ako sa lugar na ito.
----------
Madaling natapos ang pag sasayaw ko. Pumasok ako sa dressing room at tinanggal ang maskara.
Kahit tatlong buwan na akong nagtatrabaho dito ay hindi pa rin ako nasasanay. Hindi pa rin ako sumusuko na magsumikap upang makaalis sa pesteng lugar na ito.
Guess what? Pinasok ako ng kaibigan ng nanay ko dito. Ako daw kasi ang kailangan magbayad ng libo-libong utang ni nanay kahit patay na ito. Ang galing niya no? Iniwan niya ako sa mundong ito na pasan pasan ang lahat ng problema niya.
Sinubukan ko namang umalis sa lugar na ito pero nahuhuli nila ako. Pinagtangkaan ako ng kaibigan ni nanay na ipapagahasa niya daw ako sa mga kalalakihan at ipapapatay.
Natakot na ako nung araw na yun kaya hindi na ulit ako nagtangkang tumakas. Siguro hanggang dito nalang talaga ako, siguro ito na ang buhay na tinakda para sakin.
Hindi naman ako sinasaktan ng kaibigan ni nanay. Binibigay niya naman sakin ang lahat ng kailangan ko kapalit ng pagsasayaw ko.
Hindi niya rin naman ako pinapagamit sa mga lalaki dahil alam niyang virgin pa ako. 23 years old palang ako at hindi pa nahahawakan ng kahit sinong lalaki.
"Ang galing galing naman nang Macy ko."
Napabalik ako sa kasalukuyan ng masayang sumigaw si Sugar, ang kaibigan ng nanay ko.
Sugar ang tawag namin sa kanya. Siya ang may-ari ng club na ito, matanda na siya.
"Ngiti naman diyan Macy, marami kaya tayong kita ngayon at dahil diyan bibigyan kita ng malaking bonus." Masayang sabi niya. "Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili sayo." Malakas niyang pagtawa habang binibilang ang perang kinita niya.
Napabuntong hininga nalang ako.
Akmang tatanggalin ko na ang damit kong pang sayaw ng pigilan niya ako.
"Wag muna. May isa ka pang sayaw. Meron tayong VIP guest ngayon at gusto ka niyang makitang sumayaw sa private room."
Tila naman nabalot ng takot ang aking buong katawan.
"Pwede po bang iba nalang? Andiyan naman sila Allie, sila nalang po." Kinakabahang sabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/115717115-288-k257160.jpg)
BINABASA MO ANG
My Sweet Submissive
General FictionMY SWEET SUBMISSIVE "Yeah, dance Macy." Ginalaw ko lalo ang bewang ko uoang sabayan ang musikang tumutugtog ngayon. Habang masayang nagsisigawan ang mga lalaki sa loob ng Bar, ako naman ay umiiyak. Hindi ganito ang buhay na gusto ko, hindi ganito an...