Rain's POV
Simula nang mamatay ang mama at papa ay naging miserable at impyerno na ang buhay ko.
Hindi ko mapigilang hindi magtanong at maghinanakit.
Bakit? Bakit ang unfair ng buhay? Bakit nangyayari sakin ito? Bakit pinaparusahan ako ng mundo? Mabait naman ako. Hindi ako masama. Wala akong bisyo at hindi ako nagnanakaw pero bakit ako ang nasasaktan at nahihirapan? Samantalang yung mga masasamang tao, masaya at malayang namumuhay. May kumpletong pamilya at may sinasabi sa buhay. Bakit ako na mag-isa nalang at malungkot ay napaparusahan pa?
Minsan ay naiisip ko nalang talaga na magpakamatay. Magpakamatay nalang para wala nang sakit, wala nang hirap at wala nang pagdurusa.
Magpapakamatay nalang ako para magkakasama na tayo, ma, pa. Miss na miss ko na po kayo. Isama niyo na po ako dyan. Isama niyo na po ako please.
Pero kapag dumating na sa puntong tuluyan ko nang tatapusin ang buhay ko, biglang sasagi sa isipan ko ang mga matatamis na ngiti ni mama, ang mga mata ni papa na punong puno ng pagmamahal, mga pangarap nilang dalawa sakin, ang mga hirap na pinagdaanan nila para lang magkaroon ako ng magandang kinabukasan at yung panahong nagkahiwa-hiwalay kami at iniwan nila akong mag-isa.
Ang mga magulang ko ang dahilan kung bakit lumalaban pa din ako sa napaka gulong mundo. Kahit iniwan nila akong mag-isa, mahal ko pa din sila at sila pa din ang inspirasyon ko. Ang mga alaala naming masayang magkakasama ang nagiging sandalan ko dito sa mapang-aping mundo. Lumalaban ako para sa kanila at para sa sarili ko.
At patuloy pa din akong lalaban para sa aking, aming mga pangarap.
"Anong ginawa nila sayo?!"
Boses lalaki na mala-anghel ngunit punong-puno ng galit at hinanakit ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Ramdam ko pa din ang labis na sakit ng katawan ko dulot ng pambubugbog ni Sugar at ng mga tauhan niya.
Hayop siya! Sinisigurado ko na kapag nakalabas ako sa impyernong to mabubulok siya sa kulungan hayop siya!
Nanghihina kong iminulat ang aking namamagang mga mata at unang bumungad sakin ang isang pares ng abong mga mata na punong puno ng iba't ibang emosyon.
Bumalik siya. Yung lalaking nangako sakin na ilalabas ako sa lugar na ito. Bumalik siya. Ililigtas niya na ako.
"Fuck! Stay awake, baby."
Naramdaman kong inangat ng isang matipuno at matitigas na mga braso ang aking katawan sa malamig na sahig.
Kahit nanghihina at papikit pikit na ang mga mata ay pinilit ko pa ding pinapakiramdaman ang mga nangyayari sa paligid ko.
Mabilis ang lakad ng lalaking may buhat sakin. Ramdam ko ang bigat ng hininga niya habang nagmamadaling mailabas ako dito sa lugar na ito. Ngunit hindi pa kami masyadong nakakalayo nang marinig ko ang boses ni Sugar.
"Hey? Hey! Hey!! What are you doing?! HEY!! GET BACK!! WHERE--"
"Damn it! Block her!"
Akala ko ay tuluyan na kaming mahaharang ni Sugar ngunit parang hindi man lang ito nakalapit samin dahil dire diretso kaming nakalabas sa bar.

BINABASA MO ANG
My Sweet Submissive
General FictionMY SWEET SUBMISSIVE "Yeah, dance Macy." Ginalaw ko lalo ang bewang ko uoang sabayan ang musikang tumutugtog ngayon. Habang masayang nagsisigawan ang mga lalaki sa loob ng Bar, ako naman ay umiiyak. Hindi ganito ang buhay na gusto ko, hindi ganito an...