Rain's POV
Kasalukuyan akong nakatingin kay Noah, tulog na tulog ito na tila isang batang ayaw magpaistorbo.
Gusto kong hawakan ang mukha niya at angkinin ang kanyang labi ngunit natatakot akong baka magising ito at magalit sakin.
Hindi ko maipagkakaila na wala akong nararamdaman kay Noah, ilang beses niya na akong inangkin kaya't hindi ko maiiwasang may mamuo dito sa puso kong pagmamahal.
Siya ang nakauna sakin at hindi ko maisip na meron pang kasunod.
'You cant love me.' Paulit ulit na bumubulong sa aking isipan.
Gusto kong magtanong kung bakit, ngunit wala akong lakas ng loob sa possible niyang sagot.
Napakagat ako sa labi ng gumalaw ito at mas lalong mahigpit na yumakap sakin.
'Ano kaya ang pwede kong gawin para mahalin mo rin ako Noah?' Wala sa sarili kong tanong.
Hindi rin naman ako mabubuntis dahil monthy akong tinuturukan ni doc Sunny para sa birth control.
Huminga ako ng malalim nang makaramdam ng antok.
----------
Kinabukasan
Nagising ako nang makaramdam ng silaw ng araw na nanggagaling sa bintana.
Humikab ako at nag-unat ng katawan, hindi na ako magtataka kung bakit wala si Noah sa tabi ko, sanay na ako dun. Sa isang taon ko siyang nakasama at nakatalik ni minsan hindi ko pa nabungaran ang kanyang mukha tuwing magigising ako sa umaga.
Tila isang panaginip lamang ang nangyayari tuwing sumasapit ang gabi.
Naligo na ako at nag-ayos ng sarili upang mag-umagahan.
Naabutan ko si Francine, Carlo at Noah na naguusap.
"The princess is here." Pangaasar ni Francine.
Hindi ako sumagot at umupo sa tabi ni Carlo. Wala ni isang nagsalita samin habang kumakain.
Natapos kaming kumain at naunang tumayo si Noah at dumiretso sa mini office niya.
"Ate Rain, we have a meeting later. Sa board room nalang daw sa mini office ni kuya Noah." Sabi ni Carlo.
Tumango naman ako.
Umakyat na muna ako sa kwarto at naghanda. Ganito kami tuwing may mission kaming gagawin.
Inaaral muna ito ni Carlo, bago niya ipresent sa amin.
Si Carlo ang nagiging mata at tainga namin tuwing may misyon kami, marami siyang alam sa paghack ng computer. Matalino si Carlo.
Si Francine naman ay katulad ko rin, ang pagkakaiba lang ay mas magaling siya sakin. Siya ang pumapatay sa nagiging biktima namin.
Hindi katulad ko, naghihire pa kami ng gun man para barilin ang target namin.
Nagusap naman na kami nila Noah at napagkasunduan na gagamitin nila ako ngunit hindi ako ang papatay sa tao.
Si Noah naman ang leader namin, matalino rin ito at kaya niyang magpasunod ng tao gamit ang maamo niyang mukha. Kung tutuusin napaka-rami na nilang napatay, hindi ko alam kung may mga kaluluwa pa itong ihaharap kapag sila ang namatay.
----------
Kasalukuyan kaming nakaupo at masinsinang naguusap tungkol sa panibagong mission.
"As i was saying, old man Vustavio has a son named Bernardo Vustabio Jr. He was known as a drug dealer in brazil, kinakalaban niya ang kanyang ama upang siya ang mamuno dito. She also have a assassin group named black omega." Seryosong sabi ni Carlo.
"Ganun siya kalaking tao? Wow! Black omega is the no#5 assassin group in the world. Mukhang mahihirapan tayo sa kanya." Sabi ni Francine.
"Wala naman binatbat ang tatay niya, halos hindi na nga makapalag ng itali ko." Bulong ko, ngunit narinig pala nila ito.
"Ibahin mo si Vustavio Jr. binata pa ito at mas worst siya sa kanyang ama. Noong kabataan ng ama niya marami itong ni-rape at napatay na inosenteng tao. Paano pa kaya siya, like father like son ika nga." Sabat ni Carlo.
"Yes! Tama si Carlo. Kaya stop talking ka nalang dahil marami ka pang hindi alam sa pamilya nila. So, sino ang tututok sa mission na ito Master?" Boring na pahayag ni Francine.
"Ikaw nalang kaya Francine?"
"No Carlo! I'm in Combodia next week, i'm not done with my mission there, Senator Hale is waiting for me."
"Ako nalang, kaya ko naman ang mission na yan!" Pagprepresinta ko.
Tumaas naman ang kilay nang dalawa, si Noah ay walang reaksyon ang mukha.
"Okay!" Tumingin si Noah kay Carlo at sumenyas ito. "Meeting adjourned."
Nagligpit na ako ng gamit at ganun din sila Francine, naunang lumabas si Noah at dumiretso sa office niya.
Ako naman ay dumiretso sa kwarto, gusto kong magpahinga, mahaba haba rin ang naging meeting namin. Kweninto ang lahat ng history at posibleng mangyari kapag hindi nagawa ang mission.
----------
Malalim na ang gabi nang lumabas ako ng kwarto, nakatulog kasi ako ng mahaba kanina.
Kumuha ako ng tubig sa kusina upang pawiin ang uhaw.
Akmang aakyat na ako nang makarinig ng kaluskus na nanggagaling sa opisina ni Noah. Sumilip ako dito at nakita ko siyang seryosong nagbabasa ng papel.
Sigurado akong kanina pa siyang hapon dito dahil hindi naman nagbago ang damit niya. Naisipan kong gumawa ng coffee at ibigay sa kanya.
Kumatok ako sa pinto at hindi ko na siya hinintay na sumagot at kaagad na pumasok.
Tila nagulat naman ito. "What are you doing here?"
Umupo ako sa harapan niya at nilapag ang tinimpla sa lamesa. "Dinalhan lang kita ng coffee, kasi mukhang kanina ka pa dito."
Huminga siya ng malalim at tinanggal ang salamin niya, napahilamos siya ng kanyang mukha.
"Thank you, you can go now." Irritable niyang sabi.
"I can't sleep na kasi kagigising ko lang, kung okay lang dito sana muna ako."
"I have a lot of things to do. Hindi kita maaasikaso kaya kung ako sayo umakyat kana sa kwarto mo."
"S--sorry." Nahihiyang paumanhin ko at kaagad na lumabas ng opisina niya. Huminga ako ng malalim at malungkot na bumalik ng kwarto.
Kung ano ano lang ang ginawa ko upang makatulog. Hindi ko maalis sa aking isipan si Noah, magaalas kuwatro na ng madaling araw.
'Gising pa kaya ito o mahimbing nang natutulog.' Mahina kung tanong sa sarili.
Ayy naku! Wala naman sasagot sakin, mas mabuti pang isipin ko nalang ang magiging mission next week.
Sana maging matagumpay ako, the last time kasi naging successful naman ako kaya lang sinalubong ako ng congratulation slap, medyo masakit yun ahh. Dumugo kaya yung labi ko, kaya lang hindi ko naman masisisi si Noah. Minsan talaga umaatake yung katigasan ng ulo ko kahit na may una nang plano.
Humikab na ako, umayos na ako ng higa upang matulog.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE:
Thank you for reading my story.
Dont forget to like and Comment.
![](https://img.wattpad.com/cover/115717115-288-k257160.jpg)
BINABASA MO ANG
My Sweet Submissive
Narrativa generaleMY SWEET SUBMISSIVE "Yeah, dance Macy." Ginalaw ko lalo ang bewang ko uoang sabayan ang musikang tumutugtog ngayon. Habang masayang nagsisigawan ang mga lalaki sa loob ng Bar, ako naman ay umiiyak. Hindi ganito ang buhay na gusto ko, hindi ganito an...